MALUNGKOT na pinagmamasdan ni Calixta ang asawa mula sa malayo na may kayakap at kahalikan na iba. Nasasaktan siya sa kanyang nakikita. Kaya pala bigla itong nagbago. Kaya pala biglang lumamig ulit ang pakikitungo sa kanya ng asawa. Kaya pala halos hindi na ito umuuwi o kung umuwi man halos kalahating oras lang ang tagal nito sa kanilang bahay. Kaya pala kahit anong gawin niya walang emosyon at walang interes lamang siya kung tignan at itrato ng asawa.
Earlier
Nagising si Calixta kaninang madaling araw dahil sa ingay na kanyang narinig mula sa kanilang kusina. Dali-daling siyang bumangon mula sa pagkakahiga para tignan kung may tao ba sa pinanggalingan ng ingay.
Hindi niya na naman namalayan na nakatulog na naman pala ulit siya sa sofa sa kakahintay sa pag-uwi ng kanyang asawa.
Halos isang buwan na itong hindi umuuwi sa kanila at halos isang buwan narin niyang ginagawang kama ang sofa sa kanilang sala.
Pagdating niya sa kusina ay agad niyang nakita ang kanyang asawa. Nakatalikod ito sa direksyon niya at nakaharap sa nakabukas na ref.
Dala nadin siguro ng sobrang pagkamiss, pag-aalala at pangungulila ay mabilis siyang lumapit dito at niyakap ito ng mahigpit sa likuran. Natigilan ang asawa sa kanyang ginawa pero kahit alam na niyang nanjan siya at nakayakap sakanya, parang balewala siya dito at hindi manlang humarap para yakapin siya pabalik.
"It's late. You should sleep, let's just talk later"
"No! I don't want to. I mis--"
"Okay goodnight. See you later"
Dun lamang narealize ni Calixta na hindi siya ang kausap ng asawa at sinasabihang matulog kundi ang kausap nito sa selpon. Lumuwag ang yakap nito sa asawa dahil sa malalim na pag-iisip. Sino ang kausap ng asawa ko ng ganitong oras? Imposible naman na ang sikretarya nito ang kausap dahil hindi naman ito tumatawag ng ganito ka aga.
Napabalik lamang ito sa sarili nang maramdamang gumalaw ang kanyang asawa hindi para harapin siya at yakapin pabalik kundi para umalis. Mabilis na hinigpitang muli ni Calixta ang yakap niya dito.
"Let go Calixta. I have some important things to do"
"No, hon. I missed you so much! Hindi mo ba ako namiss? Saan ka ba galing? Bakit hindi mo sakin pinaalam? Nag-alala ako sayo"
"That's none of your business. Just let go. I have to meet someone very important"
"Much important than me? Is that person an investor? Or a posible business partner?"
"Yes. She is important and she's an investor"
Natigilan si Calixta sa sagot ng asawa. She? Pagkokompirma pa nito sa utak.
"Babae? Sinong kasama mong makipag-meet sakanya? Is France's with you?"
Hindi na sumagot pa ang kanyang asawa. Sa halip ay kinalas nito ang kanyang mga kamay na nakayakap sa kanyang bewang at walang lingon lingon siya nitong iniwan.
Kasalukuyan
"Ahm.. Miss?"
Tulala lamang na nakatanaw si Calixta sa dalawang tao na kahit sino mang makakakita ay talagang mapapasabi kung gaano kaperpekto ang dalawa bilang magkasintahan.
Those two are obviously enjoying each other's company.
"Miss? Can I sit here?"
Nagsilaglagan ang masasaganang luha galing sa mga mata ni Calixta pero mukhang hindi niya ito napapansin or maybe she chose to ignored it just like how she ignored the man infront of her.
"Hey are you listening? Miss?"
It's as if she's watching a romance movie dahil sa sobrang kaharutan ng dalawa. Pero imbis na kiligin dahil romance ang genre ng pinapanuod ay nagmistulang tragedy ito para sakanya dahil naiiyak at nasasaktan siya at parang nilalamukos ang kanyang puso sa pinapanuod.
"Fuck! H-hey miss. W-why are you crying? Hey!"
She is focused watching the two persons showing their undying love to each other na kahit ang pagkurap ay hindi niya na magawa dahil sa tutok na tutok sya sa bawat galaw ng mga ito.
Nang tumayo ang dalawa at halatang papaalis na ay agaran din siyang napatayo sa kinauupuan ng hindi parin hinihiwalay ang tingin sa kanyang asawa at babae nitong kasama.
Ang kaniyang biglaang pagtayo ay naging dahilan upang umingay ang bangko na kaniyang inupuan at mahinang pag alog ng lamesa sa kaniyang harapan. Pinagtitinginan siya ng mga taong nandun dn sa loob ng coffee shop pero wala siyang pakealam at wala siyang kaalam alam.
"Ouch!! Fucking shit of fucking hell!! Ouch! Fuck!"
Doon lamang naagaw ang kaniyang atensyon ng lalaking namumula ang mukha at panay ang mura sa hindi niya malamang dahilan. The man glared at her and she returned it with a confused look.
Wala siyang ideya kung bakit ganun ito makatingin sa kanya at kung anong nagawa nito na posibleng dahilan ng ikinagalit nito sakanya.
She didn't know that because of her sudden movement it caused the table to move na naging sanhi din ng paggalaw ng tasa na nakapatong dito kaya tumilapon ang laman nitong mainit na kape sakto sa kayamanan ng lalaki.
"B-bakit po?"
"Miss, I know boiled eggs are good but raw eggs especially my eggs are delicious even if it's not cooked."
Nanlalaki ang mga matang dahan dahan nitong ginapang ng tingin ang lalaki pababa sa kung saan nakapwesto ang kaniyang sundalo.
Kung may mas ikakalaki pa ang kaniyang mga mata ay talagang nadagdagan ang panlalaki nito ng makitang basa ang harapan ng pantalon ng lalaki at medyo umuusok usok pa ito na halatang mainit pa talaga ang kapeng natapon dito.
"A-ahh.. I ahm.. A-I'm sorry Mr. I didn't notice."
Nakayuko at nauutal nitong hingi ng paumanhin. Namumula ito sa kahihiyan dahil sa katangahan niya. Nawala na sa isip niya na paalis na ang kanyang asawa kasama ang babae nito.
****
Chapter 1 done!! Please, wag po sana mag expect ng mabilis na update kasi baguhan lang po ako sa pagsusulat dito sa wattpad. At busy po kasi ako sa OC at module ko (Uwu yes po dalawa talaga sila. Yung ibang sub oc yung iba mods) plus may thesis pa po akong tinatapos. Hindi din kasi ito ang priority ko kasi bored lang ako kaya ako nakagawa ng kwentong to. Pero sana po suportahan nyo padin ang story na to and I will do my very best para makapag update ng mabilis at matapos ang story na to since nasimulan ko naman ng gawin.
I hope na enjoy nyo ang unang kabanata ng kwentong 'to. Thank you sa pagbabasa and Godblesss!!
BINABASA MO ANG
The Cheater's Downfall
RomanceA story of a cheated wife to her cheating husband. How long will a wife's loyalty takes before she decide to finally give up her love for her unfaithful husband? Can one of them be the water to stop the fire for burning or both of them will enjoy th...