PASIMPLI niyang pinadaanan ng tingin ang bukol sa harap ng lalaki na muntik ng maging boiled egg.
Hindi niya alam kung guni guni niya lang ba o talagang nakita niya na parang gumalaw ito which makes her take a second look. She look at it intently hoping to see it move again to confirm what she just saw and hindi nga siya nabigo, bigla itong gumalaw kaya naman napanganga pa siya. Hindi sigurado kung dahil ba sa gulat o pagkamangha sa nakikita.
"Eyes up here Missy. That dragon you are staring at is looking for a cave to stay."
Nang marealize ang sinabi ng lalaki ay nanlaki na naman ang mga mata nito at namumulang umiwas ng tingin sa sundalo nitong bigla yatang nabuhay.
Hindi siya inosenti para hindi maintindihan ang ibig sabihin ng lalaki. Alam niya kung anong kweba ang tinutukoy nito.
"OMYGOSH! Girl, dba si Vivienne yun?"
"Yes. The famous Vivienne slutty the bitch Samonte."
"I'm sorry about your ahm...that" Hindi malaman ni Calixta kung anong term ba ang dapat niyang gamitin. Kaya naman nginuso nya nalang ito para maintindihan ng lalaki ang tinutukoy nito.
"I'm really sorry about that Mr. I was just really pre-occupied"
"I can see that."
Masungit na sagot nito sakanya at inirapan pa siya. Sungit akala mo gwapo, bakla naman. Pwee!
"Bakit magkasama sila ni Asiel Dev Korter? Eh dba may asawa na yun?"
Biglang nagpantig ang tenga ni Calixta ng marinig ang pangalan ng kanyang asawa. Natampal niya ang kanyang nuo dahil nakalimutan niyang sinusundan niya nga pala ang mga ito.
"Who knows, baka nagsawa na. Duh, parang di mo naman kilala yan si Dev. Eh tambay sa bar at bawat oras iba iba ang pinapasukan niyan. Di yan mananatili sa iisang bulaklak lang."
"Yeah right. Diba nga isa ka sa naging girlfriend niya dati? Masarap ba girl? Malaki? Yummy ba?"
Gusto niyang sugurin ang dalawang babaeng kakapasok lang sa coffee shop at kung mag chismisan ay parang sila lang ang tao pero hindi niya nalang ginawa dahil tama naman ang mga ito. Her husband was once a womanizer. Masakit man at nakakainis isipin at tanggapin pero baka nga isa talaga ang babae sa naging girlfriend nito na nakatikim din sa asawa niya dati.
Nagpapasalamat nalang siya sa kaingayan ng dalawa dahil muntik niya na sanang makalimutan ang ginagawang pagsunod sa kaniyang asawa.
"Hey Mr. I apologize once again sa aksidenteng nagawa ko jan sa anaconda mo but I really have to go." nagmamadaling paalam nito sa lalaki na biglang nakalimutan ang hiya.
Ni hindi na nito napansin ang term na ginamit at nilampasan na ang lalaki para lumabas at hanapin ang kotse ng kanyang asawa.
Palinga-linga siya sa labas pero nanlumo siya ng makompirmang wala na nga ang kotse ng kanyang asawa. Laglag ang balikat na napaupo siya at umiyak na naman sa kaisipan na baka kung saan na pumunta ang kanyang asawa kasama ang babae nito at baka kung ano-ano ng kabalastugan ang ginagawa ng dalawa.
Naninikip man ang dibdib ay wala siyang magawa kundi ang idaan nalang sa iyak ang sakit na nararamdaman, ng sa ganun ay mabawasan naman kahit kunti ang sakit at bigat na kanyang nararamdaman.
Nakaupo siya sa gilid ng daan malapit sa hagdan ng coffee shop kung saan siya nakatambay kanina. Nakapatong ang dalawang braso sa kanyang mga tuhod at ang ulo ay nakapatong din sa mga braso nito.
Umiiyak ito at pinagtitinginan na siya ng mga taong dumadaan dito at mga taong papasok at labas sa loob ng coffee shop. Nagtataka yata sila kung bakit ito umiiyak sa labas at tirik na tirik pa ang araw o baka nga napagkakamalan na siyang baliw ng mga to. Pero wala siyang pakealam sa iisipin ng mga tao kasi hindi naman nila alam ang nararamdaman nya. Hindi naman sila ang nakakaramdam ng nararamdaman nya.
"Tss. What a crazy lady."
Mula sa pagkakayuko ay napaangat ng tingin si Calixta ng marinig ang pamilyar na boses ng lalaking kausap niya kanina lang sa loob ng coffee shop.
'Di niya alam kung nababaliw na ba siya o tuluyan na talaga siyang nawalan ng hiya sa katawan dahil sa sakit na nararamdaman niya kaya parang timang siyang napatayo bigla at hinila ang kamay ng lalaki patungo sa direksyon kung saan nakaparking ang mga kotse.
"Woah, woah! What the fuck miss?! What the hell is your problem?"
Kunot nuo'ng bulyaw ng lalaki sakanya pero makapal na din yata pati mukha niya at wala siyang pakealam.
"Why the hell you dragged me here?!"
"D-do you have a car? P-please, where's your car?" sinisinok sinok pa nitong tanong o pakiusap sa lalaki na kinunutan pa siya lalo ng nuo.
"Look miss, if this is another act of a carnapper to carnap a car, try again next time."
Naiiling na tinalikuran siya ng lalaki at muli siya nitong nilingon para tignan ulit at naiiling na lumakad paalis na parang sinasabing "I'm not stupid. You can't fool me, idiot."
Pero matigas ang mukha niya. Wala na nga yata talaga siyang natitirang hiya sa katawan. Hinabol niya ang lalaki at kumapit sa kamay nito dahilan para mapahinto ulit ito sa paglalakad. Busangot ang mukha na pinagtaasan siya nito ng kilay at halatang naiirita na sa kanya.
"H-hindi ako c-carnapper. P-please. Please let me ride at your car. Please help me follow my cheating husband's car. Please..." putol putol ang pagkakabigkas nito ng salita dulot nadin siguro ng kanyang pag iyak.
Tinignan lamang siya ng lalaki habang siya naman ay panay parin ang pag iyak.
Mga ilang minuto pa siyang tinitigan lang ng lalaki at nang maramdaman na wala itong balak na sundin siya ay dun niya din napagtanto ang katangahang nagawa at parang dun lamang siya tinamaan ng hiya. How stupid of her to begged for a stranger to help her.
Siguro ay baliw na talaga ako sa paningin nito ngayon. Mapagkakamalan na nga yata talaga akong carnapper. Kausap pa nito sa kanyang sarili.
"I'm sorry. Gusto ko lang masundan ang asawa ko at ang babaeng kasama niya. Pasensya na din sa abala at sa nangyari kanina"
Patukoy pa nito sa nangyari sa loob ng coffee shop. Tumalikod na ito at nag-abang na ng taxi pauwi sa bahay nila.
Apat na taxi na din ang nag daan pero lahat ng yun ay nilampasan lang siya dahil na din sa may mga sakay nang pasahero. Nanlulumo siya at pagod na siya sa kakaiyak at sa mga nararamdaman niya.
Gusto na lamang sana niyang makauwi para magpahinga at dun ibuhos lahat ng sakit, galit at pagtatampo sa kanyang asawa pero kahit yata taxi ay nakakadagdag lang sa sama ng loob niya.
Nang may paparating na namang isang taxi ay agad niya ulit itong pinara pero tulad ng mga nauna ay dinaanan lamang siya nito dahil may sakay na pasahero. 'Di niya alam pero bigla na lamang siyang tumingala at napatawa ng mahina habang tumutulo na naman ang kaniyang mga luha. Mapagkakamalan na nga yata talaga siyang baliw sa lagay niyang ito ngayon.
Naagaw ang atensyon niya ng makarinig siya ng buntong hininga ng tao sa kaniyang likuran kaya agad niya itong nilingon. Nagulat pa siya ng makilala ang mukha nito. Akala niya ay umalis na ito kanina pa.
"Where is your place? Let me drive you home."
Napakurap-kurap ito ng mata habang tinitignan ang lalaki nang hindi makapaniwala.
Kung kanina ay makapal ang kanyang mukha, ngayon ay nakompirma niyang kahit papano pala ay may kunti pa din siyang hiya sa katawan dahil nahihiya ito sa ginawa niya kanina. At kung kanina gusto niyang sumabay sa kotse nito para sundan ang asawa niya, ngayon naman ay ayaw niya ng sumakay sa kotse nito.
"N-no Mr. I'm fine. Thanks." ngumiti pa ito ng maliit at pilit sa lalaki upang iparating na ayos lang talaga.
Napabuga ng hangin ang lalaki at napa-irap na naman sakanya. Bakla yata talaga ang isang to. Saya lang at pogi pa naman sana.
"Tsk. Let's go."
At wala na siyang nagawa nang hatakin siya nito sa palapulsuhan at hinila papasok sa kotse nito.
Hindi na siya nakapag reklamo at hindi din naman masakit ang pagkakahatak at hawak nito sa palapulsuhan niya. At isa pa, hindi na siya mag iinarte at magpapa pabebe pa dahil kailangan na talaga niyang makauwi dahil pakiramdam niya sobrang pagod siya kahit wala naman siyang ginawa kundi sundan lang ang kanyang taksil na asawa.
BINABASA MO ANG
The Cheater's Downfall
RomantizmA story of a cheated wife to her cheating husband. How long will a wife's loyalty takes before she decide to finally give up her love for her unfaithful husband? Can one of them be the water to stop the fire for burning or both of them will enjoy th...