3

2.8K 69 4
                                    


ELISE POV

"Kelan ka pa dumating?"

"Grabe! Ibang iba kana."

"Nasan na pasalubong namin?"

Ang daming tanong ng mga kaibigan ko nang makita nila ako. Kasama ko ngayon sina Monica, Jessa, Faith at Freda ngayon, nandito kami sa school nila.

"Siyempre naman may pasalubong kayo no, kaso nasa bahay eh. Daanan niyo na lang." Sabi ko, mga mukhang pasalubong talaga. -.-

"Thank you! Pero seriously, ang laki ng ipinagbago mo Elise." Faith.

"I know, pati rin naman kayo eh. Mas gumanda kayo, well except kay Jessa. Mas pogi na siya ngayon." At nagtawanan kami, lesbian kasi si Jessa kaya pogi.

"Pero, wait. Alam mo ba na dito din sila nag aaral?" Biglang tanong ni Freda.

"Yup." Tipid na sagot ko.

"So, anong plano?" Si Jessa.

"Plano? Bakit kailangan ng plano? Eh okay naman na ako." Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila ang plano ko no, tiningnan lang nila ako na parang hindi sila naniniwala. "Believe me girls, malaki ang naitulong ng Korea sa pagmo-move on ko." Dagdag ko pa.

"Talaga lang ah, sige nga, itesting natin!" Panghahamon ni Mia. "Alex!" Sigaw niya at may kinawayan sa bandang likuran ko. Hindi ako lumingon pero naramdaman kong may mga papalapit sa amin. Kaya ko to.

"Oh bakit? Anong atin?" Ilang taon na din ang lumipas simula nung huli kong napakinggan ang boses na to. Kilalang kilala ko ang nagmamay ari ng boses na to.

Nakatingin lang sa akin sina Jessa, Freda, at Faith. Hindi ko binago ang expression ng mukha ko. Kalma lang.

"Wala naman, may bisita lang." At tiningnan ako ni Monica.

"Sino?" Boses babae, si Myka. Magkasama pala sila? Going strong huh?

Pumunta sa gilid ko si Alex at tiningnan kung sino ba ako. Nginitian ko siya, at halata sa mukha niya ang salitang gulat. Dahil hindi agad nakagalaw si Alex ay sunod na lumapit si Myka, at iisa lang ang reaksyon nilang dalawa. Tumayo ako.

"Hi! Long time no see, Alex, Myka. Oh, nandyan ka din pala Sandra." Nakangiting bati ko sa kanila. Gulat na gulat silang makita ako. Well, expected ko na yan.

"E-elise.." Halos pabulong na sabi ni Alex habang nakatingin pa rin sa akin.

"Nakikilala mo pa pala ako." At tumawa ako ng mahina. Dahil ako, hinding hindi ko kayo makakalimutan.

Si Alex, ang lalaking minahal ko. Ibinigay ko sa kanya lahat tapos lolokohin lang pala ako? Magsama sila ng ex niya. Ganyan naman lagi ang role ng Past, panggulo sa present. Parang si Myka. At si Sandra, itinuring kong best friend. Yun pala siya ang naging tulay para ahasin ng pinsan niya si Alex. Mga traydor, bagay lang na magsama sama silang tatlo.

"Hmm. Kailan ka pa bumalik?" Nahihiyang tanong ni Alex, marunong pa pala tong mahiya.

"Kahapon lang." Tipid kong sagot pero nakangiti pa rin tsaka ako umupo uli.

"Di-dito ka na ba? I mean, dito ka na ba mag aaral?" Hindi ko ipinahalata ang pag smirk ko nang marinig ang tanong ni Alex. Sabi na nga ba.

"Gusto mo ba? Sabihin mo lang, lilipat ako dito. Kilala mo naman ako, gagawin basta sabihin mo." Hindi ko ipinahalata sa tono ko na nagbibiro lang ako.

"Ha!? Ahh.. h-hindi. Ang ibig kong sabihin b-bakit ka nandito." Sinulyapan ko si Myka. Halo halo ang nakikita kong expression sa mukha niya, inis, selos at pag aalala. Good.

"Bakit? Ayaw mo bang nandito ako?" Pagpapa awa ko. Hindi ka pa din nagbabago. Gago ka pa din.

"H-hindi naman sa ganun-" Napatigil siya ng nagkunwaring umubo si Jessa.

"Bakasyon lang ako, pagbakasyon niyo na, babalik na akong Korea." Sabi ko na lang. Asar naman si Jessa, ang sarap pagtran ni Alex eh.

"Bhie, mauna na kami ni Sandra. Sige guys una na kami. Ahmm. Bye .. Elise." Paalam ni Myka. Nag aalangan ka pang sabihin ang pangalan ko ha? Di na magandang pakinggan pag siya nagsabi.

"Sige bye~" Ngumiti at nagwave pa ako sa kanila. Halata namang pilit ang mga ngiti nila. Threatened huh? You should be.

Tiningnan ko si Alex, naguguluhan siya. Kung mananatili ba siya o susundan ang girlfriend niya. Nakakatawa siyang tingnan!

"Sundan mo gago" Sabi ni Jessa sabay bato ng plastic bottle kay Alex.

"Ah s-sige." At tumakbo na din siya para sundan yung dalawang babaeng iyon. Now, you're confused. Maganda yan. Napapangiti na lang ako sa naiisip ko.

"Ano yun ha?" Tanong agad ni Monica.

"Ang alin?" Painosenteng tanong ko naman pabalik.

"Kunwari ka pa, pangiti ngiti ka pa nga dyan oh! Aning balak mo ha?"

"Mahal mo pa si Alex no?"

"Ano ngayon?" Nakangiti kong sabi, natigilan naman sila.

"Gaganti ka?" Freda

"Aagawin mo si Alex kay Myka?" Faith

"Maninira ka ng relasyon?" Medyo nainis ako sa sinabi ni Monica. Ako pa talaga ha?

"Kung yan ang nasa isip niyo, why not?" Pilya kong sagot at tumayo na. "Uuwi na muna ako, daan na lang kayo sa bahay." Sabi ko at naglakad na paalis.

"Wag mo ng ituloy Elise, baka masaktan ka lang uli." Rinig kong sabi ni Jessa, sa tono niya, seryoso siya.

"Wag kang mag alala brad, alam kong ginagawa ko." Walang lingon na sabi ko at umalis na.

Masaya akong nagkaharap na kaming apat. At mas masaya ako ng makita ang reaksyon nila at ang mga ikinilos ni Alex kanina. Wala pa din siyang ipinagbago, hanggang salita lang talaga siya madalas. Makakita lang ng maganda, bibitaw agad yan. Same old you, Alex. Mukhang hindi ako mahihirapan.

~*~*~*~*~**~*~*~

Short update.

Revenge of the Ex-GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon