ELISE POV
As we got back here in Korea, I started anew. Forget all the anger I had before. I focussed on my studies. Well, maging sa mga SNS accounts ko. Gumawa ako ng bago at yung mga kaclose at family ko lang ang nakaka alam. I made it private also. Ayoko kasi munang makibalita tungkol sa kanila. I also asked Monica and my other friends not to mention them to me.
Well, Ian. He's still there. Lagi niyang sinasabi sakin na maghihintay pa din siya at hindi siya magsasawa. We always talk to each other. Masaya ako kung anu man ang meron kami ngayon.
One month, one month left and we will finally graduate. And these week, will be our last week here in Korea. After that, babalik na kami sa Pilipinas. We'll start to prepare for our graduation. Finish all the paperworks we need.
"Finally! Gragraduate na din tayo soon!" Mariel exclaimed as she throw her hands in the air.
"One month pa no! Malay mo bumagsak ka pala sa thesis mo? Edi na jinx pa yang pag graduate mo? Hahahaha" napamake face naman siya sa sinabi ko. Dun lang naman siya kinakabahan eh. Feeling niya kasi hindi siya papasa, though tiningnan ko yung gawa niya, maganda yung ginawa niyang thesis, at sure akong papasa siya.
"Ikaw, ang sama talaga ng ugali mo!" Bulyaw niya.
"Eh ba't mo ako kaibigan kung masama pala ugali ko?"
"No choice ako eh!" We burst out laughing dahil sa sinabi niya.
"Pero yeah, you're right. Finally gra-graduate na din tayo." Pagsang ayon ko at itinuloy ang pagtutupi ko ng mga damit ko. Nag eempake na naman kami dahil excited na kami sa pag uwi namin.
"So.... Sasagutin mo na si Ian pag-uwi natin?" Tanong niya habang may nakapaskil na mapanlokong ngisi sa mga labi niya.
"Agad agad?" Tanong ko naman. Binato niya naman ako ng throw pillow.
"Anong agad agad ka dyan? Hoy! Ang tagal tagal nang naghihintay nung tao na sagutin mo! Huwag mong hintayin na magsawa yun ui!" At inirapan pa niya ako. Natawa naman ako. " At ba't ka naman tumatawa dyan?" Pagsusungit pa niya. Pareho sila ni Monica, botong boto sila kay Ian. Tsk.
"Ang ibig ko naman kasing sabihin sa 'agad agad' na yon ay. Pagkadating talaga natin ko siya sasagutin? Bawal pahinga muna?" Natatawa kong sabi. Nag ikot naman siya ng mata bago siya naupo sa sofa.
"Aba Elise! Sagutin mo ng oo yang si Ian ah! Nakuuu kapag ikaw pinakawalan mo pa talaga si Ian sasabunutan kita! FO na din tayo pag ganun." Pagbabanta niya.
"Lul. Edi FO kung FO. Ako pa tinakot mo?" At tinaasan ko pa siya ng kilay. She just hissed then faced me seriously.
"Pero di nga, Elise. Anong balak mo kay Ian?" Seryosong tanong niya. Medyo napatigil ako sa tanong niya. Ano nga bang balak ko? Sa totoo lang, I like Ian. Pero... hindi pa din maalis sa akin ang takot na magmahal uli...
"I dont know.. Yet." Simpleng sagot ko. Napa wtf look naman si Mariel.
"Ay ewan ko sayo!" Sabi niya at tumayo papuntang kitchen. Tumayo din ako at kinuha ang bag ko.
"Alis muna ako Yhel!" Paalam ko, sumigaw lang siya ng 'ge' kaya lumabas na din ako.
Naglakad na lang ako dahil hindi ko naman alam kung saan ako pupunta ngayon. Tumitingin tingin lang ako sa paligid. Sa mga magkasintahan na nakakasalubong ko. Yung mga high school students na magkakaibigan. Mga nagtratrabaho. At madami pang klase ng tao.
BINABASA MO ANG
Revenge of the Ex-Girlfriend
Teen FictionSi Elise Romero ay isa lamang sa mga babaeng nangangarap ng isang mala fairytale-like lovestory, yung may happy endings. Lalo na nang makilala niya si Alex Castillo, Ang lalaking nagparamdam sa kanya ng pagmamahalang pang-forever. Pero, akala niya l...