8

2.2K 52 4
                                    

OMG Malapit ko na siyang tapusin :(

ELISE POV

After ng nangyari nung gabing nag bar kami, sa dalawang linggo na yun iniwasan ko na si Alex. Pero araw araw niya akong kinukulit. Lalo na sa mga SNS accounts ko, nagpupunta din siya dito sa bahay. Pero hindi ko siya pinapa pasok. Hindi na nga din ako lumalabas ng mag isa eh.

Si Ian? Kinaka usap ko pa din.

Minsan lumalabas kami at nagpupunta sa mga lugar na hindi masyadong pinupuntahan ng barkada namin. Para na rin makaiwas kay Alex.

Ilang araw na lang din, babalik na akong Korea.

Kaya ngayon, napag isipan kong lumabas mag isa.

Nagpunta lang ako sa may tabing dagat, Namiss ko yung ganito.

Dati, kapag masama ang loob ko o may problema ako nagpupunta lang ako sa tabing dagat kapag hapon. Maglalakad lakad lang o di kaya ay mauupo lang at pagmamasdan ang mga alon sa dagat.

Naglalakad lakad lang ako at dinadama ang malamig na simoy ng hangin

"Elise?.." Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Alex. Papatayo na siya at papalapit sa akin ng makumpirma nga niyang ako ito. "Elise!" Sigaw pa niya. Tumalikod na ako at nagmadaling umalis. Ayoko siyang makausap.

"Elise! Sandali lang!"

Lakad-takbo na ang ginagawa ko. Ayoko siyang maka usap lalo na sa sitwasyon niya ngayon. Namumula ang buong mukha at mga mata niya. At alam kong lasing siya. Mukha din siyang walang maayos na tulog. Hindi ko siya makaka usap ng matino kung ganyan siya.

"Elise! Mag usap tayo, please" Hingal na sabi niya pero hindi ko pa rin siya nililingon. Nang may makita akong tricycle ay pinara ko ito at agad na sumakay.

"Manong sa ***** po. Pakibilis lang." Tarantang sabi ko.

"Elise, kausapin mo ako." Lumingon ako kay Alex at nakitang papalapit na siya.

"Miss kasama mo yata yun eh" Sabi ni Manong. Letse naman!

"Hindi ko siya kasama manong. Mag drive ka na lang bilis!" Wala ng nagawa pa si manong kundi ang paandarin ang tricycle niya.

Pagka uwi ko ng bahay ay nagkulong na lang ako sa kwarto ko. Hindi na din ako naghapunan, I pretended sleeping.

*kinabukasan*

Tanghali na akong nagising.

At pagka gising ko ay tiningnan ko ang cellphone ko. Buti na lang talaga hindi ko ibinigay kay Alex ang number ko. Nakita kong may message si Monica skaya binasa ko ito.

From: Monica

Bespren! Labas tayo after ng class namin. Tayong barkada lang, girls only. Well, siyempre kasama si Jessa. Hahaha. Lapit na kasing balik mo sa Korea :(

Napangiti ako ng bahagya.

Nag reply ako sa kanya ng oo at kung saan kami magkikita kita.

Bumaba na ako at kumain muna, tapos ay nanuod lang ng tv sa sala namin.

Nang mapatingin ako sa orasan ay nakita kong patapos na ang klase nila. Ang bilis ng oras.

Pumasok na uli ako sa kwarto ko at nag ayos ng sarili.

Nandito na ako ngayon sa food court ng mall at hinihintay sina Monica.

Nang matanaw ko na sila ay kumaway ako para mapansin nila ako. Ngiting ngiti naman din silang kumakaway pabalik sa akin.

Revenge of the Ex-GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon