11

2K 50 0
                                    

ELISE POV

Kasalukuyan kaming nakaupo ni Mariel sa loob ng eroplano. Actually, nandito na kami sa pinas. Hinihintay nalang namin na palabasin kami. My last days in Korea, I spent it having a virtual date with Ian again. Napadalas na ang matagal na pag uusap namin sa phone. Minsan, halos buong araw na kaming magka facetime. Narinig namin na pwede na kaming lumabas, kaya naman tumayo na kami at inaayos ang mga gamit namin. Lumabas ng eroplano at sinalubong kami ng aming pamilya. Wala sina Monica. Tanging mga magulang ko lang ang sumalubong sa akin. Si Mariel ay ganun din, kaya dumiretso na kami ng uwi.

Pagkarating namin ng bahay ay nagulat ako ng sa pagbukas ng pinto ay sumalubong sa akin ang malakas na tunog ng party poppers at ang mga confetti na nanggaling doon. At ang malakas na sigaw nila ng "Welcome Home Elise" napangiti ako ng makita ang mga nakangiting mukha ng mga kaibigan at ilang kamag anak namin.


Kumpleto ang barkada, nandito sina Monica, JB, Jessa, Freda at Faith kasama ang boyfriend niyang si Lloyd. Siyempre, hindi mawawala ang masugid kong manliligaw, si Ian. Lumapit ako sa kanila at inipit nila ako sa group hug.

"Nasurprise ka ba Elise?" Freda asked, giggling.

"Oo naman. Thank you guys." I said smiling.

"Alam mo ba kung sino ang sobra sobrang nag effort para sa homecoming party mo?" Jessa snickered.

"Magulang ko?" I said cluelessly. Halos mapafacepal naman silang lahat.

"Konyatan kita eh!" At umakto si Monica na aambahan ako. I gave them the look na, Who-is-it-guys?

"Sino pa ba? Edi ang pinaka excited sa lahat tungkol sa pag uwi, si Ian!" Faith exclaimed kaya napatingin ako sa direksyon ng tumikhim na si Ian.

Ian.. Ian.. Ian... Why do you always smile at me?

"Welcome Home" ani niya.

"Thank you, not just for the greeting pero sa lahat ng effort."

"Wala yun, basta para sayo."

"So sinasagot mo na siya Elise?" Freda and Faith butted in with their eyes glittering while waiting for my answer.

"Double celebration na ba? Ayooosss!"

I didn't talk. Ayokong sabihing no. Dahil baka mamis understood nila ako, lalo na ni Ian. My genuine smile, napalitan ng ngiting alanganin.

"Guys, relax. Di ko pa naman tinatanong kung sinasagot na ako ni Elise. Tsaka di naman ako nagmamadali."

"Ayyy ano ba yan!"

"Kala ko double celeb na eh!"

At kung anu-ano pang reklamo nila. Pero phew! Buti nalang at mukhang nahalata ni Ian na di pa ako ready sumagot sa mga ganung klaseng tanong.

"Kain na tayo guys? Gutom nako eh, ano bang mga hinanda niyo?"pag iiba ko ng topic. At buti naman ay sumang ayon sila na kumain na kami.

Buong party, asikasong asikaso ako ni Ian. Ginagawa niya akong baby, na kulang na lang eh subuan niya ako. Kaya nga nakakantyawan na din siya ng barkada.

"So di ka na babalik sa Korea Elise?" JB

"Hindi na, hihintayin na lang namin ang graduation at magaayos ng ilang requirements."

"Babe, wait lang ah." Tumayo si Monica at nagpaalam kay JB. Sinundan namin siya ng tingin na palabas ng bahay at hawak ang phone niya.

"San punta nun?" Takang tanong ko, nagkibit balikat lang sila but I feel that there is something..

"Elise," lumingon ako nang tinawag ako ni Monica. Lumapit siya at hinila ako patayo tapos ay linapit niya ang mukha niya sa tenga ko para bumulong. "Sorry bespren ah, uhmm. We all agreed to invite them. Wag kang magagalit please."

At first, I felt like I was stunned. I looked at them, bakas sa mga mukha nila ang pagaalangan at guilt. Them? Does she mean...

As if an cue, I heard my name being called again.

I saw them enter. Sandra, Alex, with Myka and her big tummy.

"W-welcome home Elise." Bati ni Myka at Sandra na may alanganing ngiti din sa mga labi nila. They looked surprised nang ngumiti at nilapitan ko sila.

"Thank you." Sabi ko at tinignan sila isa isa. When my eyes met Alex, I saw a glint of excitement in his pero nangingibabaw ang lungkot. I just smiled to him and shifted my attention to Myka and Sandra.

"Kamusta Myka? Ang laki na ng tyan mo. When will you give birth? Girl or boy?" I asked enthusiastically. Im not being fake here. I don't know why, but seing the three of them together made me smile.

"S-sa August na, around second to third week. And.. It's a baby boy." Sagot niya at hinaplos ang tyan niya.

Hinawakan ko din ito at yumuko to level my face at her tummy.

"Hi baby~ isakto mo sa birthday ng papa mo ha? And don't make girls cry." I said, mukhang nagulat nga din sila sa sinabi ko. Well, okay na yung di pa lumalabas pinapangaralan na. Hahaha Im just glad na ginawa ni Alex ang sinabi ko. That's all.

"Elise! Di ka galit?" Takang tanong ni Monica. I cocked an eyebrow to her.

"You told me not to, ginagawa ko lang ang sinabi mo." I chuckled. "And, why would I? Im over it guys. Believe me. Myka, Alex. I want to be a ninang to your child. So... Kunin niyo ko ha? Please~" I even batted my eyelashes and slightly pouted my lips. Napanganga silang lahat. Whats with them? Ngayon lang ba sila nakakita ng nag-e-aegyo?

"Wtf?" Pabulong na sabi ni Monica.

"That's what you call "aegyo" bespren. A korean term for "acting cutely"" I quoted in the air the word aegyo to emphasize.

"And your really cute." Ramdam ko na namula ang mukha ko sa sinabi ni Ian. For Pete's sake! Sinabi niya yun habang nakatulala siya sa mukha ko! WTH? "And that's the cutest!" At nagtawanan sila dahil sa pamumula ng buong mukha ko. OO buong mukha. Ramdam ko ang init eh! I rolled my eyes on them at tumalikod. Pero bago ako maka upo ay narinig ko pa ang bulongan nila Monica at Jessa.

"Naka move on na nga"

"Oo, nagsusungit na eh"

Hindi ko nalang sila pinansin at kumagat sa pizza ko. Pero ang hindi ko maiwasang pansinin ay yung nararamdaman ko. I just feel happy. Ang light ng feeling ko kahit nasa harapan ko sila Myka and Alex that onced caused me a heartache. Naka move on na siguro talaga ako. Nah scratch that, I moved forward already.


EPILOGUE WILL BE NEXT.

Revenge of the Ex-GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon