Finale 2

8.1K 380 98
                                    




* * * * * 



~Park Baekhyun~ 




"Chen?!" gulat na sabi ko nang makita namin ni Chanyeol si Kim Jongdae sa room ng Grade 1. Teka. Anong ginagawa niya dito? Don't tell me siya ang teacher nina Jesper ko?



"Chanyeol! Baekhyun!" masayang sabi nito saka lumapit samin. Nakasuot siya ng long sleeve at glasses. Maayos din ang itsura niya at halatang professional. 



Pero teka. Si Kim Jongdae parin to eh. Hindi kami dapat madaan sa mga ganito niya. Baka isa nanaman tong prank!



Natawa naman si Chanyeol at nakipag-shake hands sa kaibigan namin. "Kim Jongdae!" masayang sabi nito. "Long time no see! Kumusta na?" 



"I'm fine!" sagot naman ni Chen habang nakatingin samin. "Ito na ba yung bunso niyo?" sabay tingin kay Jesper at pisil sa pisngi nito. 



"Yes." sagot ni Yeol. "Kamukha ni Baek diba?" 



Tumango naman si Chen. "Sayo naman ang mukha nung pangalawa, diba?" sabi niya habang nakangiti ng malaki at natawa nalang din si Chanyeol bilang sagot. 



"Teka." singit ko naman at tinignan si Chen ng maigi. "A-anong ginagawa mo dito, Chen?" tinignan ko pa siya mula ulo hanggang paa at pabalik. 



Inayos naman ni Chen ang damit niya at medyo mayabang pang tumingin sakin. "Teacher." tipid na sagot nito sabay kindat. 



"Teacher?!" gulat na sabi ko. "Ng grade 1?! Sigurado ka ba diyan?!" 



Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Chanyeol sa tabi ko pero hindi ko siya pinansin. Gulat parin akong tumingin kay Chen at agad naman na nanlumo yung mukha niya. Napakamot siya ng ulo at medyo malungkot na tinignan ako. 



"Baek naman!" reklamo niya. "Wala na ba akong karapatang maging teacher?! Grabe ka naman!" kunwari pa siyang nagpunas ng luha sa mata at nag-pout. Kita mo nga naman. Hanggang ngayon talaga eh no? 



"Jusko, Chen, ah." seryosong sabi ko at tinignan siya ng masama. "Kapag ikaw--!!"

Cinde-BAEK-la 3: The Last BookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon