* * * * *
After 1 week...
~Park Baekhyun~
Nadischarge na din ako sa ospital after two days. Kaya ngayon, balik ako sa pag-aalaga sa mga anak namin ni Chanyeol, lalong-lalo na sa baby sa tiyan ko. Hindi kasi namin ito inexpect. Ang alam ko talaga, wala akong absent sa pag-inom ng mga gamot ko. Meron pala.
Naglalakad ako ngayon papunta sa office ni Chanyeol. Dinalhan ko siya ng lunch na niluto ko sa bahay. Wala kasi akong kasama kumain doon. Naiiyak ako sa lungkot kapag ganun.
Nang sumakay ako sa elevator, may nakasabay akong lalake, mukhang nagtatrabaho dito. May buhat siyang paper bag at pakiramdam ko, alam ko kung saan niya ipupunta yun. Nang tignan ko ng maigi yung paper bag, may nakasulat na 'Pres. Park'.
Napasimangot ako saka ko siya kinalabit. "Boy, excuse me?" mahina kong sabi saka siya napatingin sakin.
"Ano po yun?" tanong naman niya.
Tinuro ko yung paper bag. "Para kay Chanyeol ba yan?" tanong ko.
"Si President po? Ay opo. Pinabili po niya." sagot naman niya. Napakunot noo ako saka nag-isip ng mga ilang segundo. Malapit na kami sa 8th floor kung nasan yung office ni Yeol.
"Itapon mo." sabi ko habang nakangiti.
Nagulat naman yung lalake sa sinabi ko. "A-ano po?"
Tinaasan ko siya ng kilay. "Sabi ko, itapon mo." mariin na sabi ko saka tinignan siya ng masama. "Itapon mo yan! Huwag mong ibibigay sakanya!"
Niyakap niya yung buhat niyang paper bag. "Sir, hindi po pwede! Magagalit po si President! Ayaw ko pong mawalan ng trabaho! Nag-aaral pa po yung bunso namin at ako lang po ang inaasahan sa pamilya namin!"
Napasimangot naman ako sa sinabi niya. "Ganun ba?" mahina kong sabi. "Ah... edi kainin mo nalang. Sayang din naman, ano?"
Napakamot yung lalake sa ulo niya. "Sir! Hindi po pwede. Kay President Park po ito. Gusto niyo po bang matanggal ako sa trabaho ngayong araw?!"
![](https://img.wattpad.com/cover/32139787-288-k476785.jpg)
BINABASA MO ANG
Cinde-BAEK-la 3: The Last Book
أدب الهواةFinally down to the final chapter of their lives. Text copyright © 2016 by HahuYeah [Language: FILIPINO]