CHAPTER 03

4 0 0
                                    

"These men are good. They're going to heal the world.

–Touch of power, MV Snyder

       
ANGELA

Limang taon ang matuling lumipas at nakapagtapos ako ng kolehiyo. I took a double major in Literature and Psychology. I love reading books and writing too. Ngunit napagtanto ko na kailangan kong makatulong din sa iba gaya ng kung paano ako natulungan noon.

I am still working part-time sa foundation at dahil sa natapos ko, mas hands-on na ako sa mga beneficiaries. The foundation catered for traumatized individuals. Sa mga bata may mga activities and therapy for rehabilitation.

Yung pizza parlor naman ang naging stable na income ko. Hindi madali sa umpisa dahil sabay na nga sa pag-aaral ang foundation, tapos may  negosyo pa na dapat tutukan.

Kaya lang kailangan eh. Walang negosyo ang tatakbong mag-isa. Kahit anong negosyo kailangan talaga paglalaanan ng panahon. Iyon ang palaging pangaral sa akin ng Tito ko noon.

Kung babalikan ko ang lahat, nakatulong sa akin ang pagiging sobrang abala sa mga gawain. Wala na kasi akong panahon na mag-isip pa ng mga nangyari dahil sa gabi, pagod na pagod na ako kaya lumalalim ang tulog ko.

It's all God's grace. I was used as an instrument to takedown a huge syndicate. It's all part of His greater plan. Ito ang palagi kong sinasabi sa sarili ko noong mailigtas na ako.

Pero noong umpisa ng therapy ko, hindi ko alam bakit hirap na hirap ako. Kasi parang may hindi ako mapangalanan na damdamin.

Sabi ko, hindi ako galit sa Diyos kahit noong mga sandaling binababoy ako. Bagkus ang tiwala ko sa Kanya ang nagpapalakas ng loob ko.

Sabi ng therapist ko, maaaring naging coping mechanism ko ang aking pananalig upang huwag tuluyang sumuko. It kept me sane. Hindi iyon masama.

Kaya nga lang, kagaya lang daw iyon ng adrenaline rush sa gitna ng sakuna. Yung example niya sa akin ay noong nagkasunog daw sa kanila, yung patpatin nilang kapit-bahay nakapagbuhat ng isang malaking ref. Sa paghupa ng adrenaline doon lamang napagtatanto ang mga naganap at lumulutang ang tunay na nararamdaman. When the surge subsides, that's when you notice the real damage in you.

Then she asked me, "Ano ba ang laman ng dasal mo ngayon, Angela?"

Para akong nabato sa tanong niyang iyon kasi... hindi ko maalala kung kailan ako huling nagdasal. Parng dumating sa point na kahit sa Diyos ayoko na rin makipag-usap.

Doon ko naamin sa sarili ko na nagtampo pala ako. Na hindi ko pala lubos maintindihan kung bakit kailangan kong mapahamak upang maisakatuparan ang Kanyang plano.

Bakit kailangan kong masaktan? Bakit ako? Bakit Niya hinayaan?

At kahit nahuli at nakakulong na ang mga miyembro ng sindikato, hindi pa rin lubos ang hustisya para sa akin. Sa pagkat si Josef ay hindi pa rin matagpuan. Ni hindi ko pala alam ang kanyang buong pangalan kaya mahirap at malabong mahanap siya. Ganoon ako katiwala sa kanya at ngayon ay pinagsisisihan ko ng lubos.

It took time to accept what happened to me. I may look okay most of the time, but there were times I get drowned in negativity.

Ilang taon lang kasi ako noon, tapos ni minsan ay hindi pa ako nagkaroon ng nobyo.

I was preserving myself for my husband. Nanalangin ako na sana huwag akong magkamali sa lalaking pakakasalan. In return of this favor, I promised God that I will remain pure in all aspect. Sa puso, isip, salita at gawa.

Mahirap ang binitiwan kong pangako lalo na at napapaligiran ako ng mga taong iba ang pananaw. Ilang beses akong nagtimpi sa panonood ng mga pelikula na may bed scene o di kaya laktawan ang mga pahina ng isang nobela na may ganoong tema.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 27, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Haunted AngelWhere stories live. Discover now