" Chenchen, pakisabi naman sa ate mo na pakisuyo ng tubig." Walang emosyong sabi ni kuya. Habang nagsasandok ng ulam.
Kasalukuyan kaming kumakain sa hapag. Wala kasi sila great mama at best papa, may inasikaso sa kabilang bayan. Kaya nakiusap sila kay ate Suchi na bisitahin kami dito ng madalas.
Akmang lilingon ako kay ate Suchi nang magsalita ito.
" Sabihin mo sa kuya mo Chen, gamitin nya kamay nya tutal dalawa naman yan." Malditang sabi ni Ate Suchi habang patuloy sa pagkain.
Bumaling ako kay kuya na ngayon ay nakangisi na parang hindi umiyak kani-kanina lang. Tuluyan na nga yatang nasiraan ang kuya ko. Kawawa naman.
"Pakisabi sa ate Suchi mo na sakanya ko lang gagamitin ang dalawang kamay ko—"
"Hoy! Ang bunganga mo nga Trino! Kumakain at may bata oh! Hindi kana talaga nakakatuwa ah! Lalayasan na kita."
Bugnot na tumayo si ate Suchi bitbit ang mga plato na pinaggamitan. Tawa tawang sumunod si kuya at mamaya nag aaway nanaman sila.
Natakot ako na baka may umiyak nanaman kaya sinundan ko sila. Maya maya ay pabalyang tumunog ang pintuan sa kwarto kasunod ng kalabog.
Taranta akong sumunod sa dalawa kaso...
" Trino... ''
" Hmm, Suchi."
Paatras akong umalis habang malakas ang kabog ng dibdib.
Nakita ko lang naman silang nagkikiss huhu.
Napagpasyahan ko munang gumala sa labas. Ayoko munang isipin ang nakita ko. Pero bakit naman sila nagkiss? Hindi naman sila magkasintahan?
Pero sana talaga sila nalang. Hindi ko alam kung may babagay pa sa kuya ko maliban kay ate Suchi.
Sa lalim ng iniisip ko, hindi ko na namalayang nakarating na pala ako sa park. Kung san ko unang nakilala ang batang pasaway at ang kuya nyang annoying pala.
Natakam ako nang mapansin si ateng nagtitinda ng street foods kaso sa kamalas malasan,wala akong nadalang pera hays.
Nakangusong umupo ako sa isang bench habang pinagmamasdan ang mga bulinggit na batang naglalaro sa playground.
Ang cute naman nila. Sana may kapatid din ako na ganyang kacute.
Napangiti ako nang lumapit sa'kin ang maputing bata na halos nilamangan si snow white. Ang ganda nya!
"Hi ate." Ngumiti pa ito at talagang lumabas ang cute nyang mga ngipin at dimples nyang malalim.
"Hi little girl." Kumaway pa ako sakanya ng todo. Gaaahd mukha syang manika.
" Are you single po?" Bahagya pang umaalon ang itim na itim nyang buhok na bumagay sa kutis nya. Ano kayang skincare nya? Char
Wait, what? single daw ba ako? Syempre di ba isa lang ako?
" Of course, I don't have a twin kasi. So I'm just single, I guess? hehe." Natawa s'ya lalo at hinampas pa ako, aba't kahit cute ka nako cute ka talaga isa pa nga please.
" What I mean is, do you have a boyfriend? Because my brother over there seems drooling over you and maybe if he'll get himself a girlfriend, it will make him less annoying like you know, He's a ranter kasi." Nakacross arms pa ito habang nagmamake face. Kagigil ka bebe girl.
Sinundan ko ang pwesto na itinuro nya pagkat why not? Baka mas gwapo to kesa sa chakang mukha ni Ridgonn Cassius.
Pero mukha nga yatang hindi kami kampi ng tadhana ngayon.
YOU ARE READING
His Epitome of Luminary
General Fiction"Do wishes come true?" He asked I looked up the brightest yet the smallest star above and smiled. " I guess so?" " Then I wish I could be a star" " And why is that? " I asked a little bit confused. " So I could be the reason behind your smiles..."