Tuwang tuwa ako habang nagpapaikot-ikot dito sa park. Alam kong lagot ako kay kuya, bawal kasi talaga ako magpakabasa pero dahil si Ridgonn ang pasaway na nakaisip neto, s'ya ang ipapasalo ko pag nagkalaglagan.
Speaking of the bastard, nakasimangot ito at pilit akong pinapayungan. Nagpaalam kasi s'ya kay mama, pinayagan naman s'ya na paliguin kami sa ulan pero pagnilagnat daw ako,lagot daw si Ridgonn. Kinabahan naman ang loko kaya todo aya sa'kin na sumilong na para makauwi.
" You'll get sick, let's eat nearby. You're not allowed to skip meals, remember?" Nginisian ko lang s'ya bago nagtatakbo sa gitna ng park na parang batang nakawala.
Tumingala ako nang mawala ang patak ng ulan. Pinayungan nanaman ako ng loko.
"Epal mo naman, nagdadrama nga ako eh! Girl in the rain nga ang peg ko, can't you see?" Nakanguso kong sabi na ikinailing lang nito.
Hinatak nya ako sa bilihan ng street foods, luckily merong pwedeng silungan at kainan dito.
Medyo weird lang yung huling pagkikita namin ni ateng tindera pero mukhang hindi ko na dapat istressin ang sarili ko dun, baka emosyonal lang s'ya noong araw na yon.
" Here take this, you'll catch cold if you wouldn't stop being hard-headed. " Iniabot nito saakin ang isang panyo galing sa bulsa nya. Mabuti't may payong pala s'ya kundi nabasa na din yang panyo na ipapampunas nya sa akin.
Wala kasi kaming dalang bag at tanging mga sarili lang ang bitbit namin. Naisipan kasi ng mokong na iwan yung mga gamit namin sa faculty ng tita Amaru nya para makasugod kami sa ulan.
Nagpaalam din naman s'ya kay mama kaya okay lang. Pero lagot pa din kami kay kuya syempre.
" Kulit mo talaga." Nailing nalang ito at inagaw saakin ang pamunas at s'ya na ang nagtuloy nito.
" This would be the last, I swear. Ayokong mabadshot kay Mama, I didn't even meet kuya Trino yet. I might gave him bad impression if I'll get you sick." Nakakunot nanaman ang noo nito na parang isang malaking problema ako sakanya. Ang arte ah.
Maya-maya pa ay dumating na ang mga inorder nya para samin. Nilabas ko naman ang lunch box ko at pinaghatian din namin since wala si Vrigcs para makishare. Speaking of the brat, agad kong kinuha ang phone ko kay Ridgonn upang magmessage sa kapatid nyang di man lang kami inantay.
To: BrattySiopaowers
Message: Maaga nagdismiss c mam Zyellein? d mo kmi niweyt. Kmakain kmi sa park ng kuya mong panget.Sent✔️
Ibinaba ko ang phone at napangisi nang makaisip ng ideya. Tinititigan ko ang damuhong kaharap ko na panay reklamo habang tinutusok ang kawawang kwek-kwek.
" I swear I hate this orange thing, I always gets jealous everytime that I see this. This is a reminder that you've met him first, even before your eyes had landed on mine. And that's just so anno— Hey did you just took a picture of me!?" Supladong sabi nito habang nakacross arms. Ang cute, kainis!
Tumawa lang ako habang ineedit ang picture nya.
Annoying Dad 😂
Salubong ang mga kilay nya sa larawan na para bang may batang sinesermunan habang patuloy sa pagtusok sa kawawang kwek-kwek.
Natawa ako habang nizuzoom ang mukha nya. Gosh ang cute.
Akmang tatayo s'ya nang sitahin ko s'ya at itinuro ang kinakain nya. Walang magawa ang loko kung di muling maupo at tusukin muli ang mga pagkain nya.
Sinimangutan ko s'ya kaya muli syang pumormal at sarkastikong ngumiti bago muling kumain. Natawa tuloy ako, sarap panggigilan ng pisngi eh!
Matapos magmyday ay nihome ko na ang screen bago pa ito mahablot ng mokong.
YOU ARE READING
His Epitome of Luminary
General Fiction"Do wishes come true?" He asked I looked up the brightest yet the smallest star above and smiled. " I guess so?" " Then I wish I could be a star" " And why is that? " I asked a little bit confused. " So I could be the reason behind your smiles..."