Chapter Eight

3 1 0
                                    




"At ano nanamang ginagawa mo ditong bruho ka!?" Inis na sabi ko habang sinisigurong di s'ya makakapasok agad.

"Just wanna see you today, that's all" nakangising sabi nito habang patuloy ang pagpupunas sa noo nyang pawisan.

Mga mayayaman nga naman, di sanay sa init.

Hinawi pa nito ang basa nyang buhok at bahagyang hinihingal pa ito na parang tumakbo sa Marathon. Pagod yarn?

"Osy'a nakita mo na ako, pupwede kanang umalis!" Akmang isasara ko ulit ang pinto nang harangan nya ito gamit ang kamay nya.

"Wait, can I come in? I was... I'll just uh... Do you have an ice? I was hit by a bicycle awhile ago and it kinda looks awful now, my mom will freak out bigtime. Well..  if you would let me?" Nagpapaawang sabi nito habang iika-ika pa sa harap ko.

Sus parang kanina okay pa s'ya ah!

" Fine whatever, basta bilisan mo lang ah? Kakausapin ko kasi si mama ngayong araw. As in buong araw kaming chikahan dahil day off nya pero di namin magagawa yun kung nandito ka kaya please, saglit ka lang ah?" Nag aalangang sabi ko pero ang loko ay tumango-tango lang.

Dumiretso kami sa kusina para kumuha ng yelo at first aid. Dinala ko s'ya sa dining para makaupo kami at para na din makausap ko si mama kahit ginagamot ko ang shunga.

" Mama, sorry po may kurimaw po kasing umepal eh bigl—"

Naputol ang sinasabi ko dahil sa lalaking papampam na bigla nanamang umeksena.

" Hello po mama, my name is Ridgonn Cassius po. Your soon to be son-in-law. "

Napahawak ako sa noo nang mapansing nasa gilid ko nanaman s'ya nakasuksok, pilit pinagkakasya ang sarili sa screen.

Nanlaki ang mga bilog na mata ni mama bago kumawala ang matinis nyang tawa. Hay

" Ang cute mo namang bata ka, wala pa man ay gusto na kita para sa anak ko. Kaso iho, masyado pa kayong bata para sa ganyang mga bagay. Dapat ay sinusulit nyo ang kabataan nyo. '' nakangiting sabi ni mama. Natawa ako nang makita kung gano seryoso ang kumag sa tabi ko.

Ang init init dito pa kasi nakasiksik!

"But mama, we could still enjoy our youth with each other's company. I don't see wrong on courting her at our early age." Malungkot na sabi nung loko sa tabi ko.

Paawa talaga. Bahagya ko syang siniko pero nakanguso lang ito na parang kailangan nya ng sagot na pabor talaga sakanya para matahimik ang kaluluwa nya.

" You see, there are things that we failed to enjoy because we are too focused on the things that we only see. I'm not going to stop you for that's what you feel however, I don't want you to blame each other or be regretful for what you failed to accomplish before entering a relationship. Mga anak, trese palang kayo. I would have understand kung nasa edad kayo ng disi sais dahil talagang jan kayo nakakaramdam ng mga bagay na bago sainyo pero, you need to think of this thoroughly. Don't rush things, take it slow and see where it will bring you."

Ngumiti muli si mama pero may kakaiba akong masasalamin sa mga mata nya, tila ba may nakabaon na emosyon kahit nakangiti naman ito.

" Mama wag nyo nalang pong pansinin to, bored lang yan. Saka baby pa po ako at lalong di ako papatol jan sa panget na na yan. " Inis kong sabi habang nilalayo sa kanya ang cam. Tumawa naman si mama na parang komedya ang pinanonood nya.

" No, I'm serious. I'll wait for you no matter what. And I will respect your decision ma'am, but I still wanna pursue her someday." Seryoso ang pagkakasabi nya habang malalim ang pagkakatitig sa akin.

His Epitome of LuminaryWhere stories live. Discover now