7| Orchids

1.2K 91 18
                                    

CHAPTER SEVEN

 
"Kojo! Anong ginagawa niyo dito?!"

Mabilis akong lumingon sa paligid, medyo nakahinga ng maluwag nang makitang walang ibang tao. Ano nalang ang mangyayari kapag nakita nila ang isang Lion sa labas ng Pet clinic ko?

"Bakit mo kasama si Kojo?! Nababaliw ka na ba—" Pinanlakihan ako ng mga mata nang makarinig ng sirena ng mga pulis. "Oh, God! Pumasok kayo dito!"

Binuksan ko ang pintuan at nanatili sa gilid habang puma-pasok si Kazmus at ang alaga niya. Ang mga walangya lumakad pa na parang nagpaparada lang kaya pinandilatan ko ng mga mata si Kazmus.

"Bilisan niyo!"

The Lion snarls at me. Great, a King who doesn't want to order around. I sighed as they walk past me, napalunok pa ako nang daanan ako ng leon na tila anong oras ay lalapain ako. Nang makapasok sila sa clinic ay lumingon muna ako sa labas bago hinila pababa ang trapal bago sinara ang pintuan at ni-lock pa iyon.

Humarap ako sa mga bisita. Kazmus looks around with his slightly furrowed brows as his pet sniffs the cat cage then licks his lips. Mabuti nalang hindi ko dinala si Benjamin at Meatballs at baka maging late-night snack sila ni Kojo. They look out of place standing in the small Pet Clinic, hindi sila bagay dito. I picture them standing in the open-land of desert, wind sweeping their hair in a regal way as the dust of sands wave in the air.

Tumikhim ako para kunin ang atensyon ng dalawa na tila nakalimutan nang nasa ibang teritoryo sila.

"Pwede mo na ba akong sagutin kung anong ginagawa niyo dito?"

Humarap sa akin si Kazmus, nanatiling blanko ang mukha. Nilipat niya ang hawak ng tali ni Kojo sa kabilang kamay, sumulyap sa alagang sinisinghot ang laboratory coat ni Uncle Pitt bago bumaling sa akin.

"We're here for his operation," he stated like I should know that in the first place.

Bahagyang kumunot ang noo ko at mabilis na sumulyap sa unsteady na isang paa ni Kojo. His constant huffs and whines tell me he's suffering from it. Binalik ko ang tingin kay Kazmus.

"Pero sarado na ang clinic at bukas pa dapat ako pupunta."

Bahagyang sumungit ang mukha niya pero nang sumagot ay wala pa ring nagbago sa tono, demanding and there's no room for argument.

"I cannot wait for another day and watch him suffer. I want it out tonight. He's going on a hunt tomorrow."

Sumimangot ako at naglakad para isa-isang pulutin ang mga kinalat ni Kojo sa clinic. He's now sniffing a dog's diaper.

"Okay, we'll take it out tonight, but he can't go hunting tomorrow." Ramdam ko ang titig ni Kazmus sa bawat galaw ko. I felt slight discomfort especially when something is fluttering in my stomach.

"But—"

I narrowed my eyes in his direction. "Ako ang Doctor niya. Unless ikaw nalang ang mag-opera sakanya?"

He pressed his lips together, he looked irritated but he cannot win over a Vet assistant. He's not the first client who wants to defy a Doctor's advice.

"Dammit," he muttered under his breath.

Tumalikod ako at hindi napigilan ang pag-ngiti pero agad ding binura iyon at inabot ang laboratory coat sa rack, tabi ng kay Uncle Pitt at sinuot. Humarap muli ako kay Kazmus habang tinatali naman ang buhok.

"Well then, prepare Mufasa and I'll prepare the room."

He scoffed. Someone did not want to order around, too. Turning my back at him, a smile crept onto my lips. Now let's prepare a Lion's operation.

His BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon