12| Russians

853 63 6
                                    

CHAPTER TWELVE

  
Natakpan ko kaagad ang bibig bago pa nila marinig ang sigaw ko. Dinala ni Officer Kaluwag ang baril sa level ng bibig at hinipan ang dulo nito na umuusok pa.

"Parating na ang Mafioso, hanapin na natin ang babae bago pa dumating ang mga Russians," anunsyo ng isang lalaki. His head was shiny as a light bulb, as the other man had a long beard that he seemed to regularly trim. Both of them look like wrestlers.

"Bilisan niyo bago pa makahalata iyon," sabi ni Officer Kaluwag.

Umismid ang dalawang lalaki. "Tss."

My heart leaped out of my chest, a dread weighing in my stomach, trapping me in a paralyzed state for a brief moment. Narinig ko ang marahas na pagbukas ng pintuan at ang mga yabag nila palabas. Nangingilid ang mga luha na tinulak ko ang sarili patayo. With one painful look at Candice and the dead police officer, I push myself up and hide.

I held my sobs, pressing my back against a wall. Papalapit nang papalapit ang mga yabag, mariin kong pinikit ang mga mata at pigil ang hininga nang lumagpas sila sa kinaroonan ko.

Nang masigurado na tahimik na ang labas at wala na ang mga lalaki, maingat akong lumabas, bitbit ang taser na mahigpit na nakakulong sa mga nanginginig kong mga kamay. Bumalik ako sa kwarto na kinaroonan ng pinsan ko at muling sumilip sa butas. I could see Officer Kaluwag, his back to me as he tapped on his phone. Ilang sandali lang ay dinikit niya ito sa kanang tainga.

"Tapos na ang unang plano, Sir. Exterminated na ang isang witness. Papunta na ang Capo — sigurado kayo?" He paced, now his side was on me as he eyed the dead body on the floor. "Dadalhin nalang ang babae sakanya kung ganoon. Mukhang nakatunog na ang mga Bratva, kailangan naming maka-alis bago kami abutan ng asawa niya," He paused, listening to the other line. "Yes, Sir. H'wag kayong mag-alala, sisiguraduhin ko na walang magsu-suspetsa sa inyo. Ililigpit ko kaagad ang babae pagkatapos makuha ng Capo ang gusto niya."

Isa lang ang malinaw sa mga narinig ko, papatayin niya ako.

I lowered my head when he turned to face my direction. "Copy, Sir. Parating na ang Capo."

Pagkababa niya ng cellphone ay siya namang pagbukas ng pintuan. Nilunok ko ang takot bago muling sumilip sa butas. True, I saw a man dressed in an Armani suit meandering inside the room with his gloved hands tucked behind his back. He regarded the dead body on the floor for one second, as if it was normal for him to see a corpse, before his eyes shifted to Candice. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil nakatagilid siya sa akin pero sapat na ang mapanganib na presensiya na dala nito para malaman ko na siya ang Capo. The Mafioso who wanted me for whatever reason.

"Where is she?" His rough and dead-sounding tone sends a shiver down my spine.

Si Officer Kaluwag na mukhang estatwa na ngayon sa gilid ay hindi makatingin sakanya. He kept his head low as if meeting his eyes would turn him into a permanent stone.

I hear the fear in his voice as he answers. "Kinukuha na siya, Sir. Mayamaya lang ay nandito na rin siya."

The Mafioso scowled, facing the trembling officer. Sa ginawa niyang pag-ikot ay nakita ko ang mukha nito.

Young. Rugged. Devilishly handsome.

His conspicuous features were prominent, giving him this heroic vibe, but I knew he was not here to save me but to kill me.

"You fucking want me to wait? The Bratva is in their way — "

Bumukas ang pintuan at muling pumasok ang dalawang malalaking lalaki. Tila sila binuhusan nang malamig na tubig nang makita ang bagong dating, nanigas at hindi makapagsalita.

His BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon