Part 2

444 4 0
                                        



Maaga akong pumasok sa office ngayon, 7:15am palang ay nasa building ako. Since may company ID na ako diretso na akong sumakay ng elevator.

"Ang aga natin ngayon sir aahh." bati ni kuya guard.

"Ahh hehe opo." tipid kong sagot. Binasa ko ang naka sulat sa kanyang uniporme.

Gervacio C.

"Kaloy po pala sir." sabay abot ng kanyang kamay.

Nahihiya man ay inabot ko din ang aking kamay para tanggapin ang kanyang nais. Nakipagkamay din ako.

"Jeff po kuya, short for Jeffrey." sagot ko naman. Nagkamayan kami at napansin ko ang kanyang konting pag pisil sa aking kamay. Medyo napatagal din ang aming paghawak sa isat isat at bumitaw lang kami nang marating namin ang floor ng aming office.

"Have a nice day po sir." Kalot sabay saludo sakin.

"Kaw din kuya." sagot ko.


Tutal maaga pa naman nag kape muna ako tutal wala pa din naman akong agahan. Matapos ang ilang sandali ay isa isa na ring pumasok ang mga workmates ko.


....................

Nasa conference room kami ngayon, Particularly ang Concepts and Design team para pag usapan ang isang upcoming project na gagawin namin. Kasama sa meeting ang may ari ng firm na si Sir Stuart.

"Alright, we are having a new project. A rest house/ resort project in Nasugbu Batangas. This is actually our family's property and we, my siblings, had decided to develop the land to get something from it." bungad ni Sir Stuart

"We are planning to make it more like Santorini in Greece or like the resorts in Miami. What do you think guys?" pag eexplain nya.

Walang sumagot sa kanya. Di ko alam kung nag aagree ba sila or hindi. Pero parang may gusto akong sabihin.

"Uhmm s-sir, don't you think it's too vague to build a resort inspired by some of the famous tourists spots in the world but without really making a study if it will works here? " sabat ko. Nang tinginan naman lahat ng ka team ko sakin.

Bakit??? May mali ba akong nasabi??

"What do you mean new guy?" tanong ni sir.

"I mean our climate is different from theirs. We are in a tropical country and I think we should maximize our advantages from that. I was thinking something like Bali inspired concept or Maldives po." suhestyon ko.


Kumunot ang noo ni sir, nako mukhang di nya nagustuhan ang suggestion ko. Bat ba kasi masyado kang bida bida Jeff ka.

"We'll I guess we can work on that.... Okay Team, send me some pegs of Modern Tropical resorts. Then let's see what we could come up." - Stuart.

"Right away sir" - sagot ng isang babae

"Nice suggestion new guy!" - Stuart

"Thank you po sir." sagot ko naman.

————————————————————

Sa Pantry

"Lakas mo dun pareng Jeff ahh... pag kami Oo nalang sagot namin. Madalas kasi idea ni Sir Stuart yung nasusunod. Ipilit man namin mga ideas namin lagi sya padin nananaig." Komento ni Francis na isa sa mga Arkitekto ng company

"Oo nga, pag tayo laging waley mga ideas." Sabat naman ni Mia

"Anu ba kayo, isang team tayo. Ang effort ng isa ay effort ng lahat." Sabi ko

"Guys, may bagong bukas na Bar yung kaibigan ko dyan sa Poblacion. Sagot nya na daw isang bote. Ano G later?" - pag aaya samin ni Javier.

"Javier lunes palang sunog baga na agad?? Pass ako sunduin ako ng jowa ko mamaya" sabi ni Mia

"Nako mag jjerjer na naman kayo" pang aasar ni Francis na ikintawa naman namin.

Mabilis ko silang nakapagpalagayan ng loob. Bukod sa halos magkaka edad lang kami ay same din kami ng sense of humor.

"Ikaw Jeff, G ka?" Aya ulit ni Javier

"Nako pre pass muna ako dyan. Next time nalang promise" ang tanggi ko hindi dahil ayaw ko kundi dahil medyo gipit pa ako. Halos 4 na buwan akong walang trabaho at pa extra extra lang ako sa freelance design.

Nag aambag pa ako ng pang tustos nila mama sa probinsya kaya dapat talaga sipagan ko pa.

"Okay but next time I wont take No for an answer ah." Banta nya sakin.

Natapos ang araw namin ng magaan. So far may mga naiisip na kaming ideas para sa Resort Project namin. By friday ay ippresent na namin ito kay Sir Stuart.

Pababa na ako ng elevator, ngiti agad ni Kaloy ang bumungad sakin. Kinilig ako ng bahagya kaso di ako naka react kasi bigla naman akong nakaramdam ng sakit ng tyan.

Tinanong ko si Kuya Kaloy kung saan pa ang ibang CR dito. Sabi nya ay meron daw sa Ground Floor para sa mga Guest at sa Basement naman dun daw meron bidet.

Sabi ko "Sige dun nalang ako" mas komportable kasing mag bawas pag may bidet ang CR.

Natapos kong ilabas ang lahat ng sama ng loob ko at dumiretso na ako sa lababo para mag hugas.

Nagulat ako sa nakita ako. Naka topless si kuya Kaloy habang nag hihilamos.

"Oh sir, out ko na din po, nag bibihis lang po ako. Didiretso pa kasi ako sa raket ko ngayon." Banggit nya

Hindi naman ako agad nakasagot sa kanyang sinabi sapagkat natulala at napatitig ako sa aking nakita. Sobrang batak ng katawan nya. Animoy nililok ang bawat bahagi nito. Sobrang tigas at putok na putok sa muscles. Sinamahan pa ng tattoo nya sa braso at dibdib na lalong nag bigay ng pagka hot nya.

"Ahh sir ayos lang po ba kayo." Basag nya sa aking pagkatulala

"A-ahh o-oo hehe, ang sipag nyo naman pala kuya Kaloy. Dalawa trabaho nyo."
Sagot ko

"Kailangan sir eh, dalawa na anak ko. Nasa akin lahat. May sakit pa nanay ko." Malungkot nyang turian

"Ay ganun po ba? Kaya mo yan kuya laban ka lang." pang momotivate ko naman. "San pala yung isa nyong trabaho?" Tanong ko


"Sa Cubao sir, nag nagmamasahe ako dun. Hindi ako regular dun pero dahil tropa ko yung isang masahista dun ay naipapasok nya ako pag kailangan ko ng extra." Sagot nya

Nagulat naman ako sa sinabi nya. Medyo nakaramdan din ako ng init dahil di ko maalis sa isipin ko kung pano sya mag masahe. Siguro ang hot nya tingnan. Gusto ko masubukan.

"Wow galing naman. Balak ko nga din magpa massage eh. Sumasakit kasi likod ko." Sabi ko

"Kung gusto nyo sir ako nalang mag masahe sa inyo kung bakante ako. Sayang din kikitain ko pag nagkataon." Aya nya

Mas lalo naman ako na excited sa idea na binato nya.
"Sige kuya Kaloy sa apartment ko nalang, Sabihan kita kung kelan." Sagot ko

"Ayos yan sir, bigay ko nlang po number ko para matext mo ako kung kelan." Sabi nya

At nagpalitan na kami ng number.

Pagkatapos nun at umuwi na ako. Di padin mawala sa isip ko ang ganda ng katawan nya.

At mas lalo ako na excited sa araw na magpapa massage ako sa kanya..





————————————————————

Author's Note

Ang Lihim ng Aking AmoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon