Part 5

136 2 0
                                    




Jeffrey's

POV

Lunes na agad, isa mga araw na ayaw kong dumating. Pano ba naman, ngayon araw agad ang 2nd presentation namin sa ginagawa namin Resort Project. Dumagdag pa sa pressure na ang kliyente namin ay ang mismong may ari ng kompanya. Pano ko haharapin si sir Stuart lalo pa sa natuklasan ko last week?

Isa pa tong si Alfred na buong araw kahapon ginulo ang utak ko.

Pano ba naman, gumising nalang ako ng nasa kwarto nya ako. Kinulit ko sya kung pano ako napadpad dun pero puro kalokohan ang mga sagot nya. He seems to enjoy making fun of me.

I checked my body, mukhang ok naman ako. Wala naman masakit sakin o kaya'y mga latay o marka. So I guess nakitulog lang talaga ako. After ko naman makapag ayos ay nagpasalamat ako at umuwi na agad sa apartment.

Anyways back to reality, naging smooth ang presentation namin. Mas nagustuhan nila yung panibago namin approach wherein we focus on the Strength, Utility and Beauty ng buong resort. Of course pati aesthetic ng facade and interior inayos namin.

All in all it was a group effort and kuddos sa mga ka work ko na tumulong din sakin sa project na ito.

————————————————————

Sa Pantry

Habang kumakain kami nila Francis, Javier, Mia and Janna

"Good job guys!" Bati ko sa kanilang lahat.

"Thanks a lot to you Jeff, you saved us" puri naman ni Mia

"Ano ka ba, it was a group effort" sagot ko naman.

"Oi deserve natin mag celebrate!! This weekend game?" Pag aaya ni Javier

"OMG tama ka dyan, G!!!!" Excited na sigaw ni Janna

"Hoy di ka kasali, ka Team ka ba namin?? Sa Admin Dept ka diba?" Pang aasar ni Francis.

Napuno nalang ng tawa yung buong lunch break namin.

————————————————————

6pm uwian na.

Habang pababa ng elevator ay naabutan ko si Kuya Kaloy.

"Musta sir? Mukhang puyat ka ah." Bati nya sakin

"Oo nga kuya eh, halos wala akong tulog dahil sa pag hahanda dun sa presentation namin. Good thing nagustuhan naman ni Sir Stuart yung nagawa namin." Sagot ko naman. Medyo na caught off guard ako nung nabangit ko ang pangalan ng boss namin. Naalala ko tuloy bigla ung nasaksihan ko sa basement.

"Buti ka pa sir." Sagot nya na para bang may nangyaring masama sa kanya

"Oh bakit kuya, may problema ba?" Tanong ko naman

"Eh si Pareng Renz tinext ako, di daw muna ako pwedeng maki part time sa spa nila. Niraid daw sila nung nakaraan, wala namang nahulihan. Pero medyo mainit sila sa mga Pulis ngayon. Pati mga certificate ng masahista chinicheck. Eh ako naman naturuan lang pano mag masahe wala akong certificate kaya purnado muna sideline ko." Malungkot na kwento neto.

Naawa naman ako, alam ko kasing madaming umaasa sa kanya, mga anak at magulang nya.

May naisip ako pero kinakabahan akong sabihin. Bahala na.

"Ganun ba kuya... hhmmm what if magpa massage ako sayo ngayon? Tutal naman sobrang stress ko lately. Deserve ko naman siguro ipamper yung sarili ko dba?" Pag aaya ko dito.

Ang Lihim ng Aking AmoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon