Friday na, ganun kabilis lumipas ang mga araw. Di ko akalaing isang linggo palang pala ako dito sa CW. Feel ko kasi buwan na hindi dahil sa dami ng trabaho kundi dahil sa parang matagal ko nang kasama tong mga ka workmates ko. Mabilis ko silang nakapag palagayan ng loob.
May mga chickahan, asaran, tulungan, kulitan. Masarap mag trabaho pag ganito mga kasama mo.
And speaking of Friday. Today is the day that the Lord has made. Ito ang araw ng presentation namin kai Sir Stuart.
"Beshie, ikaw ang mag ppresent ng ginawa natin kai sir ahh." Sabi ni Mia, na beshie na agad ang tawag sakin sa sobrang close na namin
"Halaaaa bat ako?" Gulat na tanong ko
"Eh diba idea mo yan?? Kaya mo yan, support ka namin" -Mia
"Hala ayoko, si Javier nalang mas senior yan satin." Suggest ko
"Oi anong ako, ikaw dapat yan. Tsaka mas kabisado mo yung presentation pre, mas na aaral mo." Pag tanggi ni Javier
"Anu ba yan! Oh basta tulungan nyo ako ahhh." Kabado kong sagot. Tumango naman sila.
Mapapasabak na naman ako sa englishan neto.
Nasa conference room na kami. Andun din ang mga kapatid ni sir Stuart na sila Ms. Steffi at Sir Alfred. Tatlo silang magkakapatid, panganay si sir Stuart, tas si mam Steffi at bunso si sir Alfred.
Nag simula na akong mag explain.
Naging maganda ang takbo ng presentation. Yung design ng resort ay mag ffocus sa pag gamit ng mga local material na makikita sa community kagaya ng kahoy, kawayan, pawid, at iba pa. Very cozy at relaxing ang naisip namin design na syang babagay bilang isang bahay bakasyonan nila magkakapatid.
Mukhang sang ayon naman sa ideas namin sila mam Steffi at sir Alfred pero parang kunot noong nakatingin si sir Stuart sa screen.
"That's it?" Sakastiko nyang tanong.
"Uhm s-sir this is still a work-in-progress concept, some might change along the way." Sagot ko naman
"I don't like it." Sabi ni sir Stuart. Nagulat ako sa kanyang sinabi
"I don't like the fact the you used light materials. This is a rest house/ resort project. Meaning we will not be there every single day, just on vacations. Using light and composite material would mean that we have to treat and replace them from time to time. It's not worth the time and money. We need something sturdy, durable and sustainable even if we're not around. We have to prioritize the Function than the Form." Komento si Stuart
Sa totoo lang tama naman ang comment ni sir Stuart. Masyado siguro kami nag focus sa histura ng project rather than sa sustainability neto.
"Noted on that sir, I'm sorry for that lapses. I promise, next presentation we will have more functional solutions" takot kong sagot.
"I'll take note on that Jeff. I'll expect nothing less." Banta ni sir Stuart
"Stuart, come on! give the child a chance to breath. The presentation was fine. Of course it's a work-in-progress." Pagtatanggol ni sir Alfred sakin.
Nginitian ko naman sya ng bahagya bilang pasasalamat.
Pero nagulat ako ng kinindatan nya ako sabay flex ng kanyang labi at lumitaw ang mapuputi at pantay nyang ngipin. Buti nalang di napansin ng iba kong mga kasama ang ginawa nya.
Sobrang cute pala netong si sir Alfred. Wala sa hitsura nya na sya ay 35 yrs old na. Mukha lang sya nasa mid 20's palang. Matangkad at maganda ang pangangatawan na pwedeng pwede pang makipag sabayan sa mga hot ramp models.
