Jeffrey's POV
Sabado ngayon at halos buong gabi akong di makatulog sa nasaksihan ko sa basement last night.
Kaya tinuon ko nalang ang araw ko sa pag pag lilinis ng apartment at paglalaba ng mga damit ko.
Hapon na nang makaramdam ako ng antok kaya umidlip muna ako.
Di ko namalayan ang oras at alas otso na pala ng gabi. Takte mahihirapan na naman ako makatulog neto.
After dinner ay tumambay muna ako sa labas ng apartment habang nag fFB
Biglang may nag pop-up na message galing sa GC ng mga ka workmates ko.
"Guys kung free kayo later, pasyal kayo sa Bar ng kaibigan ko. Tutugtog kami meya at may special guest kami later. Guess who???
Si Adie"
message ni Javier.
Wait who??? Si Adie??? Waahhh!!!!
Idol ko si Adie, sobrang favorite ko mga songs nya and low key, super crush ko sya kaya eto na talaga ang sign na pumunta ako sa Bar ng kaibigan ni Javier.
Nag PM ako kai Javier na pupunta ako mamaya and nag reply naman sya na irreserve nya ako ng best seat.
Around 10pm ay narating ko yung Bar. Agad ko namang nakita si Javier at sinamahan nya ako sa pwesto nila. Pinakilala nya din ako sa mga ka banda nya at magiliw naman sila sa pakikitungo sakin. Pati na rin sa may-ari ng Bar na si Rico.
Puro batian, kwentuhan at asaran lang kami habang nakikinig sa mga tumutugtog sa stage. Madali ko silang nakasundo.
Nag announce ang DJ na ang next artist na mag pperform ay si Adie na daw.
Bigla naman akong nakaramdam ng bigat sa pantog kaya dali dali ako nang excuse upang umihi muna bago mag perform si Adie, para walang sagabal.
Pabalik na ako sa table namin ng may napansin akong isang tao na umiinom sa Bar area ng mag isa.
"Sir Alfred?" Tanong ko sa kanya
"Hey you! Ar. Jeff, right?" Bati nya sabay lahad ng kamay nya na tinanggap ko naman
"What are you doing here?" Tanong nya sakin.
"Oh, just chilling sir. Javier's friend own this place. He invited me to come." Sagot ko naman
"Cut the formality. You're making me feel old with the 'sir'. Just call me Alfred." Sabi nya.
"O-okay S-sir, I mean Alfred." Naiilang kong sagot kasi di ako sanay na tawagin sya on his first name.
"Okay people gather up!!! Let's give a big hand to our special guest tonight!! The one!! The only!! ADIE!!!!"
announce ng DJ.At nag hiyawan at nagpalakpakal ang buong bar.
"Wohooooo!!!!" bigla kong sigaw
"You're a fan?" Natatawang tanong ni Alfred
"Kinda, hehehe" nahihiya kong sagot
"Magandang gabi po sa inyo lahat" bati ni Adie.
"Ang kantang ito ay para sa lahat ng mga taong may iniibig. Tawagin natin silang Paraluman" at biglang nag hiyawan ang mga tao sa bar nang magsimula syang mag strum ng kanyang gitara.