CHAPTER: 04 "Part-time jobs"

8 1 0
                                    

[A/N: Expect the typographical errors and wrong grammars,enjoy reading:4]

"*kringgg* *kringgg*"

"Okay,class dismissed,ingat kayo pauwi." Saad pa ni Sir. Half day lang kami,di kami whole day tulad ng iba. Pero kapag naka-graduate na kami ng highschool whole day na.

Hindi parin ako maka-move on sa pinagsasasabe sakin ng Jonas na yan kanina.

"Hui kamustahin niyo si Gian!"

"Oo nga na hurt yan."

"Tang'na kasi kaya ayoko makipag debate eh!"

Karamihan lang yan sa mga naririnig ko sa mga kaklase ko,ang iba ay pinupuntahan pa ako para kamustahin.

Hindi ko sila masisisi kung magaalala sila sakin. Ang iba kasi sa kanila ay kaklase ko pa simula first year.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Zoren habang tinitignan ako na nakatayo na sa upuan ko.

"Oo naman! Ako pa." Saad ko nalang sabay ngiti ng malapad,ganon din naman siya sakin.

Walang ganyanan!

Pakiramdam ko ang dami nang nangyari sa buhay ko ngayong umaga palang. Kingama kasi ng isa dyan hina-high blood ako.

"Dems! Okay ka lang ba?!" Nagaalalang sabi ni Andrea habang lumalapit sakin.

Di pa naman ako mamamatay.

"Oo naman,walang wala naman yan sakin." Pagmamayabang ko pa habang tinitignan tignan si Jonas na naka-cross arm lang habang nakatingin sa lapag.

Kingama kasi siya!

"Sus,kaya pala kanina may umiiyak dyan!" Agad kong liningon si Maru. Nakadukdok kasi ako kanina sa desk.

Malay ko ba na nakatingin siya saking,kingama siya!

Agad kong tinakpan takpan ng kamay ko ang bibig niya. Napaka-chismoso! Marinig pa siya ni Zoren eh.

Bawas points yun sa kanya.

"Sigeh na dems,cleaner ako ngayon,may pasok ka pa." Sabi pa ni Andrea habang inaayos ang pagkaka-sabit ng bag ko.

"Um,sigeh dapat malinis ito pagdating ko bukas ah!" Saad ko pa habang nakataas ang isang kilay.

"Ba't di kaya ikaw maglinis!" Pananabat nanaman ni Maru.

Tinignan ko lang siya ng masama,kung kaming tatlo lang nila Andrea dito pinagpapalo ko na siya gamit yung walis na hawak niya.

"Kingama mo." Walang boses kong sabi sa kanya.

"Ha? Gusto mo mag cleaners ngayon?" Inosesnte niyang sagot.

Tinignan ko lang nanaman siya ulit ng masama. Lagi nalang ako inaaway,pasalamat siya mabait ako.

Mabait ako.

"Sigeh na una na ako,baka makapatay pa ako dito eh." Nanggigigil kong saad,ngumisi nalang sina Zoren.

Nakita ko pang nasa ganong posisyon parin si Jonas bago ako lumabas ng classroom.

Pakialam ko ba sa kanya!

Dalian na akong naglakad kahit na mainit,medyo malayo dito sa university ang pinapasukan kong cafe. Isang waiter ako dun,maganda naman sahod.

Halos magmakaawa pa nga ako para lang tanggapin ako eh. 16 palang daw kasi ako,bata pa daw.

Eh kailangan ko ng pera,para sakin din naman yun eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 19, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LIFE IS NOT A FAIRYTALE (BxB STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon