CHAPTER: 01 "Class 4/E"

18 2 0
                                    

(A/N: Expect the grammatical ang typographical errors,enjoy!)

Gian's POV;

"Sana ikaw nalang yung namatay!" Kasabay ng sigaw ni papa ang pag-agos ng mga luha ko.

Hindi ko sinasadya! Hindi ko gusto na mabuhay sa araw ng kamatayan ng mama ko. "Sana ikaw nalang ang nawala..." Sambit pa niya habang humahagulgol.

Nakuha na ni papa ang report card ko,hindi naman mataas,di din mababa. Average lang tulad sa iba,pero di sapat kay papa.

Isama mo pa yung tsismis sa school na nasangkot ako sa isang scandal.

Pero ang mas ikinagalit pa ni papa ay ang pagkamatay ni Lola. Nasagasaan siya ng sasakyan dahil sinundo niya ako kahapon. Hindi ko naman alam na mangyayari yun.

Sabay sabay nalang pumatak ang mga luha ko sa uniporme at sahig.

"S-sorry pa...sorry..." Ani ko pa.

"Sana,ikaw nalang yung namatay." Mahinahon niyang saad habang tumatalikod na ako. Para akong binagsakan ng langit at lupa sa sinabi niya. Napapahawak nalang ako sa dibdib ko dahil sa sakit ng mga salita niya.

"Sorry p-po..." Ika ko sa'king sarili.

Habol hininga akong dumilat sa mahimbing kong pagtulog. Napanaginipan ko nanaman,ilang taon na din ang nakalipas.

Hinawakan ko ang kwintas ko,habang humihinga ng malalim.

Ilang minuto pa akong napatitig sa kisame ng kwarto ko. Napansin ko din na medyo basa ang mga pisngi at gilid ng mata ko. Umiyak ata ako habang nananaginip.

Nang makatayo sa pagkakahiga. Inayos ko na ang sarili ko,panibagong araw nanaman.

Ako si Mir Gian Ramirez,anak ako ng isang kilalang abogado. Isa akong grade 10 student sa isang sikat na paaralan dito sa pilipinas,ang Green Valley University.

Muntikan ko pang makalimutan na magsuot ng magkaparehong medyas dahil sa pagmamadali ko.

Sumakay ako sa isang tricycle,di din naman ganon kalayo ang GVU sa apartment ko.

Nang makarating ako sa school,nadatnan ko ang mga istudyante,normal na araw lang ito,walang masyadong ganap.

"Dems,dito ka na pala. Upo ka sa tabi ko." Masiglang bungad sakin ni Andeng nang makarating na ako sa classroom.

Wala kaming proper seat guidelines. Kaya kahit saan na gustuhin namin umupo,ayos lang.

Samin lang ata ganto,mabait kasi adviser namin.

"Wow,anong meron? Bakit ganyan kalaki ang ngiti mo?" Ika ko habang nauupo sa tabi niya.

"Wala wala,ang ganda lang kasi ng gising ko." Buti pa siya,ako kasi nanaginip nanaman ng masama. Lagi naman eh,nakakasanayan ko na nga eh.

Naol sanay.

"Ay oo nga pala,nadala mo ba Math notebook ko dems?" Pilit ko naman inalala kung nalagay ko ba sa bag ko.

Hiniram ko kasi nakatulog ako kahapon sa klase,pagod din kasi ako.

"Wait." Hinalungkat ko naman ang bag ko,kulang nalang ilabas ko na lahat. Yellow notebook yun eh,san na kaya. "Ay eto!" Saad ko nang makita ko na,inabot ko naman na kagad sa kanya yun.

Kaso,napansin ko na parang wala yung akin.

"Shit,naiwan ko yung akin!" Hinalungkat ko pa ang bag ko pero wala talaga. Tangina,tumatanda na ata talaga ako.

LIFE IS NOT A FAIRYTALE (BxB STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon