(A/N: Expect the grammatical ang typographical errors, enjoy!)
Gian's POV;
"Awts."
Ang sakit sa damdamin. Kahit kailan hindi ko pinangarap mapunta sa unahan. Kahit na sa second row lang puta.
Di na ako makakatulog nito!
Hindi ko maintindihan yung sitting arrangement na ginawa ni Ms. Smith.
"Raccallo,Ramirez,Soriano." Basa ni Maru sa folder na hawak niya. Kitang kita na ako kapag natulog ako,nasa gitna pa man din ako.
"Huy! Magkatabi pala tayo Gian!" Masayang sabi ni Maru habang ngumingiti ng nakakaloko.
Inirapan ko nalang siya. Tanginang yan,di na nga ako makakatulog sa pwesto ko may katabi pa akong mashing gun ang bunganga.
Umupo nalang ako sa tinurong upuan ni Maru. Teka,sino yung isa pa naming katabi?
"Excuse me,dito daw ba yung Soriano?" Mula sa pagkaka-salumbaba tinignan ko yung nagsasalita.
Ay si Gray haired guy.
"Um." Sabi ko naman sabay tango. Umupo naman siya sa kaliwa ko.
Inalis ko na ang pagkaka-salumbaba ng mukha ko sa kamay ko. Nakakahiya,baka sabihin parang di welcome section nila dito.
Pagkatanggal ko naman nun nginitian ako nung Gray haired guy na Soriano pala ang surname.
Nginitian ko nalang din naman siya.
Bale ganto yung sitting arrangement namin. Nasa row 3 ako,sa may bintana,pero kapag pahiga ang bilang base row 2 ako.
Tinanaw ko naman si Andrea. Nandun padin siya sa inuupuan naming dalawa,dun parin sa pwesto niya. Bakit ba naman kasi naisipan ni Ms. Smith na ganto yung sitting arrangement! Dito lang ako di pabor.
Nahuli naman ako ni Andeng na nakatingin ako sa kanya.
"Ayieee!" Walang boses niyang ani habang pinagdidikit pa ang dalawa niyang hintuturo.
Kingama.
Halos maiyak na ako dito sa lungkot tapos aasar-asarin lang niya ako.
Inirapan ko nalang siya,dinukdok ko nalang ang mukha ko sa desk. Napapagod ako,gusto ko matulog.
Papasok pa ako mamaya sa trabaho ko,anong oras nanaman kaya ako makakauwi mamayang gabi.
Hays. Kaya ko ito! Para sa kinabukasan ko.
"ANDYAN NA SI MA'AM!"
Tanginang boses yan Maru.
Inayos ko na ang sarili ko,ayan na next teacher namin.
Halos wala akong maintindihan buong klase,ba't naman kasi napakahirap ng A.P. ng grade 10. Samantalang dati,puro bansa lang pinagaaralan namin sa A.P. pati full name ni Rizal.
Ay filipino ata yun.
Ngayon,sabagay graduating kami. Kaya sobrang hirap. Pero inaalala ko nalang na ginagawa ko ito para maging proud ba sakin si papa.
*kringggg*
Ilang oras lang kami nag-lecture pero pakiramdam ko 10 hours na akong nakaupo.
"Gian ano kakainin mo?" Hinarap ko naman si Maru.
Binigyan ko lang siya ng walang buhay na ekspresyon bago siya sagutin.
![](https://img.wattpad.com/cover/273400887-288-k542886.jpg)
BINABASA MO ANG
LIFE IS NOT A FAIRYTALE (BxB STORY)
Fiksi RemajaMagka-ibang mundo, magka-ibang klase ng tao. Ang buhay parang libro, hindi mo alam ang mangyayari sa susunod na pahina nito. Minsan miserable, minsan nakakalungkot. Pero minsan naman, merong mga masasaya't kapana-panabik na mangyayari. Ngunit,parang...