Ibig Kong Muling Marinig

27 2 0
                                        

May isang awiting ibig kong muling marinig,
awit na kay saya at kaibig-ibig,
dinuduyan ang puso sa malumbay nyang himig,
saliwan pa ng lagaslas ng dahon at agos ng tubig.

Ito ang awiting madalas kong kinakanta,
ng mga panahong kasama pa kita,
ng mga sandaling walang kasing saya
na maging ang mga tala ay waring naiingit pa.

Ngunit katulad ng lipad ng agila,
matayog mandin ay lumalapag sa lupa.
Sa lakas ng unos na di alintana
nahinto ang awitin sa paglisan mo sinta.

Buhat noon mag-isa konang pinakikinggan ang ating musika,
pilit inaaliw ang puso sa pagpatak ng mga luha,
laging nakatanaw sa kawalan umaasang babalik ka,
upang samahan akong muli sa tuwina.

Lumipas ang mga araw, buwan at taon,
garalgal na ang boses, niluma na ng panahon,
walang natotong umawit ng awitin natin noon,
diko na marinig ang masayang himig ng kahapon.

Kung meron man akong natatanaw sa kawalan,
yon ay takip-silim na balot ng lumbay,
sapagkat wala nang humahawak saking kamay,
habang pinakikinggan ang himig
ng wagas nating pagmamahalan.

May isang awiting ibig kong muling marinig,
awit na kay saya at kaibig-ibig,
dinuduyan ang puso sa malumbay nyang himig,
saliwan pa ng walang hanggan at wagas na pag-ibig.

TulaanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon