Malamig ang panahon sapagkat umuulan,
Kay sarap ihilig ng likod sa upuan,
Habang sa kamay ay may tangan-tangan,
Tasang mainit na kape ang laman.Nakakabingi ang katahimikan ng silid
Musikang maitutulad naman ang tubig na dumadalihig,
Mga kulog at kidlat ay yumayanig sa dibdib,
Lalot kung pinapalagapak ang pinto ng hanging galit na galit.Halos dalawampong taon nadin ang nakakaraan,
Ganitong-ganito din ang buhos ng ulan,
Sa mumunting kubong aming pasilungan,
May mumunting papag na siya kong kublian,
Habang ang katawan ay nababalutan
Ng luma at makapal na damit ni itang.Sa pagkakaupo sa gitna ng papag,
Kung saan sa paki wari ay di aabutan ng kidlat,
Inaaliw ang sarili sa kapeng kay sarap
Sa aroma nitong humahalimuyak
Napapayapa ang pusong sa ligaya ay pahat.Malamig na hangin ang lagi kong kasalo,
Sa mumunting lungga na puro ispasyo
Maliit na upuan ang natatanging trono,
Kalakip-kabagay ng isang bilanggo.At ngayon,
Pagkalipas ng maraming taon,
Wala na sa maliit na kubo ng kahapon,
Nagbago na ang mga dingding, upuan maging ang panahon,
Maliban sa panlalamig ng pusong nilamon,
Ng sikat ng araw sa inulilang bubong.