Full charge ang cellphone,
malakas ang internet,
may unli call ka at unli text,
ngunit no reply naman saiyong messages,
useless!Mula umaga hanggang gabi,
nagpapadala ka ng chat kahit emojis
pero no reply na nga seen kapa palagi
pa chil chil ka lang kahit super lonely.Mahirap talagang pagpilitan ang sarili,
lalo sa isang wala na sayong paki,
titiisin mo nalang ba at mag momokmok sa isang tabi?
o palalayain na siya at ang iyong sarili?May mga bagay na hindi madali,
tulad ng pagbitaw sa kinakandili,
subalit ang mabuhay ay sadyang minsan lang,
mabilis pa kung lumipas ang oras at mga araw.Tulungan ang sarili,
i-let go kung seen kana palagi,
wag ipilit ang mga dina kayang mayari.
Malay mo,
sa iyong pag bitaw,
makita mo na ng malinaw,
ang taong mag mamahal sayo ng habang buhay.
Chil ka lang,
maraming single dyan.
