Isang Tinig

5 0 0
                                    

May isang tinig na hindi maisigaw,
mabigkas man ng munti ay wala ding linaw.
Pilit binabaon sa puntod na mababaw
umaasang aagnasin sa paglipas ng araw.

Subalit ang tinig habang sinisikil,
lalong tumitinis, hindi paniniil,
bumabangon ito kahit sa libingan,
mabilis pa ang pagkalat sa amoy na masangsang.

Mabuti na lang at maingay ang paligid
kahit may sumisigaw ay hindi marinig
walang pumapansin, walang nakikinig
maging ang pinatutungkulan ng tinig ng dibdib.

Sapagkat kung nagkataong payapa ang lahat,
at malinaw mong narinig ang tinig ng pagliyag,
baka siya pang maging tanging amag,
sa pinagsasaluhan nating tiwala't paglingap.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TulaanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon