TRES

121 39 29
                                    


"HOI...Seis bakit basang basa ka?!" bungad na tanong ni Tobi habang hawak hawak niya ang kaniyang salamin. Nasa locker room kami lahat kami ay naghahanda na para sa morning routine namin every Tuesday.

"Boy under the rain ba ang trip mo ngayong araw?" Si Oren.

"Tantanan niyo kaya yang si Seis. Bilisan niyo na mag wowarm up pa tayo." Ani ni Denver habang nag aayos ng sintas niya.

Nilingon naman ni Oren si Denver. "Parang di mo rin naman napagtripan yang si Seis ahh." angal naman ni Idios.

Napabuntong hininga na lang si Denver at hindi pinansin ang pang iinis ni Idios.

"Bakit ka nga ba nagpaulan Seis."Takang tanong ni Drew.

Halos humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko nang biglain ako ni Drew. Magaling talaga siya sa lahat ng bagay pati ang pagiging kabute ay na master niya na.

Lumapit ako sa locker ko saka ko ito binuksan. "Nakalimutan kong magdala ng payong kanina."Tipid kong sagot habang kumukuha ng damit mula sa locker.

"Baka magkasakit ka niyan. Nakita na ba kayo ni Luca?" si Brion.

Kunot noo ko namang nilingon si Brion. "Bakit naman ako hahanapin ni Luca?" tanong ko.

Luca is one of my closiest friends simula kinder. Lagi ko siyang nagiging kaklase ngayon lang kami hindi naging magkaklase dahil sa STEM ang kinuha ko habang siya ay Cookery na under naman sa TVL.

"May ipapatikim daw siya sayo." Sabat naman ni Captain Zoreen na kararating lang.

Napalingon kami sa kaniya at nasa likod niya si Luca na nakangiti. Walang pasabing pumasok si Luca sa looker room kahit pa may nagbibihis sa mag babarkada.

Nakangiti siyang lumapit sakin at saka inabot ang isang tuffer na may mabangong amoy. "Matous may inihanda ako para sayo." Sabi niya sabay baling sa iba kong kasama. "At syempre sa inyo rin." Dugtong nito sabay lapag sa bench.

Nagsilapitan naman ang mga kasama ko. "Woah! Mukhang masarap yan ah.. ikaw ba nagluto niyan Luca?" si Tobi.

Ngumiti naman at tumango si Luca. "Oo. Naisip ko rin kayong dalhan kasi alam kong may practice kayo ngayon. Masarap yan."

"Oo nga eh.. pahingi isa."Oren.

Akmang kukuha na siya ng bigla itong pitikin ni Denver. "Asan ba ang manners mo Oren. Alam mo naman siguro kung sino ang sinadya dito ni Luca."

"Nananadya ka na talaga pano kung ayaw ko." maktol naman ni Oren.

Wala sa sarili akong kumuha ng cookies na gawa ni Luca saka ito isinubo. Masarap nga ang gawa niya at mas lalo pa itong pinasarap ng melted chocolate na nasa ilalim.

Napatingin naman ako kay Luca na nakangiting nakatingin din sakin. "Masarap." Puri ko sa niluto niya.

Ngumiti siya saka siya nagpaalam na aalis na at babalik na daw siya sa kitchen para mag linis.

"May napapansin ako kay Luca. Ikaw ba Zoreen?" sabat ni Tobi.

Napatingin naman ako sa kanila. "Anong napansin niyo?" tanong ko.

"Hindi mo ba nahahalata si Luca Seis?" si Idios sabay akbay sakin.

Kunot noo ko naman siyang nilingon. "Ano ba kasi yan. Hindi naman ako magtatanong kung alam ko na hindi ba?"

"Nahahalata naming may gusto si Luca sayo Seis." Si Right na nasa pinto.

NASA court na kaming lahat at nag sisimula na kami sa warm up namin. Napatingin ako sa mga benches may mga nanunuod saming mga kaschoolmates lang din namin. Nasisiguro kong ang iba sa kanila ay nagcucut classes lang.

"Seis ayos ka lang ba?" si Drew.

Napalingon ako kay Drew habang nakatayo na sa tabi ko. Hindi ko man lang siya napansin.

"Ayos lang ako." Sagot ko sa kaniya.

"Kung may problema ka pwedi mo naman kaming sabihan o 'di kaya sakin mo na lang muna sabihin." Sabi niya na may pag aalala.

Nginitian ko na lang siya saka ko siya inakbayan. "Alam mo wala akong problema kilala mo 'ko tol madali akong maka isip ng paraan sa mga problema na yan.

MATAPOS ang buong araw na practice ay nag desisyon na din akong umuwi. Hindi ako mapakali. Ito na naman ang pakiramdam na parang may nakasunod sakin.

Wala sa sarili akong napatingin sa langit at para akong biglang kinilabutan nang makita ko ulit ang uwak na paikot ikot lang ang lipad. "Talagang sinusundan niya ako."

Hindi ko na ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Napahinto ako nang nakita ko si kuya na pumasok ng bangko. Susundan ko sana siya nang bigla kaming nabulabog ng isang malakas na putok ng baril.

Nakita kong madaming naglabasang tao mula sa bangko kung saan naroon si kuya. Nanlaki ang mata ko nang biglang nagbagsakan ang mga huling nakalabas sa bangko at dumanak naman kaagad ang dugo mula sa ulo ng mga ito.

Napalunok ako ng wala sa oras. Malapit ako sa mismong kinabagsakan ng tatlong taong alam kong wala nang buhay dahil sa tama ng baril sa kanilang mga ulo.

Naramdaman ko naman ang pagpatong ng isang nilalang sa aking balikat. "Hindi mo parin ba tatanggapin ang singsing kamahalan?"

Hindi ako makaimik. Kung kanina takot ako nang magsalita ang uwak sa mismong harapan ko ngayon napalitan ito ng matinding kaba dahil sa mga nasaksihan ko.

"Hindi kita naiintindihan. Wala akong panahon para makipaglokohan sayo kaya naman layuan mo na ako." Wala sa sarili kong sabi sa uwak.

"Mamamatay ang kapatid mo kung hindi mo siya tutulungan."sabi niya pa na ikinalingon ko sa kaniya.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kaniya.

Kahit pa na uwak siya ay parang nararamdaman kong ngumingiti siya. "Mamamatay siya kung magpapahuli ka." Sagot niya.

"Anong gusto mong gawin ko?" diretso kong tanong.

"Tanggapin mo ang singsing at magiging panginoon ka ng buong mundo. Pinapangako ko sayo magagawa mo lahat ng gusto mo." Sagot niya.

Napatigin na lang ako sa singsing na nasa paahan niya. Hindi ko alam kung tama ba ang gagawin ko.

THE SOULLESS PATRIOT: Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon