"SO, this might be our last meeting?" nakangiting sabi ng kausap kong agent ngayon.
Nginitian ko din siya saka ko inabot ang kaliwa kong kamay. "No. You can just visit Philippines Head-Quarters anytime, just call me."
Aalis na kasi ako dahil sa bago kong assignment sa PH-HQ ng NBI imbestigation department. Sabi lang sa'kin na doon na daw ang bago kong assignment dahil need daw nila ng assistance naming taga Interpol.
Ito ang muling pagkakataong humingi ulit sila tulong mula samin. Ang huli kasi is noong Cain Case nila five years ago- ang tinaguriang Bloody Quinquennial - na pinag aralan ko din ng ilang taon. Masyado kasing komplikado ang kasung iyon kaya nagkainterest ako.
MATAPOS kong nakuha lahat ng gamit ko sa mula sa head-quarters ay agad na din akong umuwi ng condo para mag ligpit. Yung iba kong gamit iiwan ko na lang rito total andito naman si kuya pwede niyang gamitin 'tong space ko habang wala ako ng ilang dalawang taon. Pumirma kasi ako ng two years contract under Abel's supervision, ang tanging taong tumulong sakin noong walang wala ako.
Gusto ko din siyang makita. Siya ang naging dahilan kung bakit naging agent na din ako ngayon at siya rin ang tanging naging idolo ko. Dahil siya lang ang nakasolve ng kasu ni Cain, the self-proclaimed king.
Makalipas ang ilang araw ay dumating na ang araw ng flight ko. Pagdating ko daw ng Pilipinas ay may susundo sakin; good thing hindi na ako maliligaw. Ilang oras matapos ang byahe ay nakarating ako ng matiwasay.
Naghintay lang muna ako sa arrival area since dito naman ang usapan namin kung saan nila ako makikita. I am wearing a mask; hindi kasi ako naging komportable simula noong nakababa ako mula sa eroplano.
Nakalipas lang ang ilang minuto ay may mga lalaking huminto sa harapan ko. Nakangiti silang lahat at naka business attire pa. 'Masyado naman ata silang silang nakapormal.'
"Are you Mr. Villin?" tanong ng isang lalaki.
"I am Drew Carmio of Pilippine NBI investigation department." Inabot ang kamay niya sakin.
Agad kong hinubad mask ko at tinangap ang kamay niya. "Hello I'm Seven Villin, the former head Asistant of Interpol Investigation team" pagpakilala ko sa kaniya.
Ngumiti ako sa kaniya pero nanatili lang siyang nakatulala sakin.
"S-Seis?" tanging bulalas niya.
FINIS

BINABASA MO ANG
THE SOULLESS PATRIOT: Book 1
FantasíaJustice and peace Clasps everything for changes. Seis Damnellion Matous Dalton believes justice is the key for a better world. He is a normal High School student, he is intelligent, kind, compassionate, generous, and firm, but not until he received...