Chapter 14- An Older Kyle

1.8K 20 6
                                    

Justine’s POV:

Alam ko na ang una kong gagawin para sa aking “Revenge” kuno .

First I must gather information , then what better way to gather information from the one who is close to him.

Or Kung sino ang NAGPALAKI sa kanya.  (Ang green minded naman ng dating nun ~,~)

Yes

Andito nga ako ngayon , sa bahay ng mga Villafuerte .

I just hope na nandito ang mommy nya. Mwahahah !

Naka-sakay ako ngayon sa motor bike ko , dumaan ako dun sa gate at nakilala naman ako agad ng guard at pinapasok na ako.

Pi-nark ko yung motor ko sa harap ng  bahay nila. Tapos dire-diretso lang ako hanggang sa pintuan.

Syempre nag doorbell muna ako , kailangan good girl ako ngayon para makakuha ng impormasyon. Natural dapat mabait kasi kapag nag sungit ako baka di nila sabihin sakin ang mga bagay na gusto kong malaman. (LALIM NUN)

*Ding Dong*

Agad naman akong pinagbuksan nung katulong .

“Sino  po sila?”  Wala syang accent ng bisaya , hmmm maybe they got her from the agency.

“I’m a family friend”   sabi ko sabay ngiti , teka  bakit hindi pa ako pinapa-pasok ng katulong na ito?!

“Talaga po? Sino po hinahanap nila? Saka po bakit di ko pa kayo nakikita dati ditto?” Putcha naman oh ! Ang daming tanong nitong katulong na to eh.

“Ahmm, excuse me miss ano bang trabaho mo dito?”

“Kasambahay po”

“Oh talaga? Para ka naman kasing Assistant sa ginagawa mong yan eh”  Pag tataray ko sa kanya.  Hindi parin nya ako pinapa-pasok hanggang ngayon.  “ Saka teka , hindi mob a ako papa-pasukin ha?”

“ Eh Ma’am kasi po─”   Hindi na nya naituloy ang sasabihin nya ng biglang may mag salita.

“Ingrid , who’s that?” Boses lalaki , just then may lalaking lumapit sa pinto at tiningnan ako.

He looks familiar …..

“Who are you?” ang sungit naman ~3~

“Justine po”

“What do you need ?”

Muka talagang syang pamilyar eh ,… Pero infairness , even though he’s old ang pogi padin nya. Matangkad sya , matipuno ang katawan, may onting wringkles sa may noo pero doon lang. Naka salamin din sya at nakabihis ng pang business. He looks like my parent’s age.

“ Uhm, I’m looking for  Kyle’s Mother”

“Sorry so disappoint you but my wife is not here today.”

Oh shit , sabi ko na nga ba eh may kamuka sya eh. Sobrang kamuka nya si Kutong Lupa.  May onting wringkles nga lang yung daddy nya.

“ Oh , so you’re Kyle’s father?”

“Oo ako nga, bakit? Muka ba akong kuya nya? Haha”  Ay joker. Pero oo muka nga lang kuya ni kyle yung daddy nya.

“Kamuka nyo kasi sya , well yes pero hindi maitatago na may wringkles na kayo sa noo”   HAH !

“ Indeed, Haha ! Oh are you his girlfriend?”  Sabi nya tapos nag taas ng kilay.

Teka, AKO?! HAHAHAH , nakakatawa naman, kaya ayun tumawa ako ng malakas

“HAHAHAHAHAHA!”

“ Uhm Justine are you ok?”  Na wi-weirdohan na siguro to sakin. Pero seryoso? Ako ? Girlfriend nung kutong lupa na yun? HU !

A gangster's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon