Kabanata 18

1.2K 31 7
                                    

I am smiling the whole time while looking at him. He's sleeping soundly. I could hear his snores and purrs while his arm was on my waist. Hindi niya sinuot ang binigay na damit ni Casimir. He just wore the boxer.

Hinaplos ko ang kaniyang buhok. This was not the first time that I fell for someone. At a young age, I learned how to love truly. Ezekiel was my first love. We started as friends and fell in love with each other eventually. Hindi ako natakot nang mahalin ko siya. I was too focused on the days we spent. Those are the happiest days of my life.

I almost lost myself when he passed away. Hindi ko alam kung paano ako mabubuhay ng mga oras na iyon. Hindi ko magawang balikan ang nakakatakot na gabing nangyari sa akin. Iyong gabi na sinundan niya ako at pinatakbo para mabuhay.

I'll always be grateful for the second life my first love has given me. Because of him, I met Conrad. Natuto ulit akong magpapasok ng ibang lalaki sa buhay ko. The feelings I have for Conrad are something intense and scary. Nakakatakot. It seems like I'll self-destruct once he breaks me. Ngunit lamang doon ang pagmamahal at kagustuhang itulak ang sarili kung hanggang saan ang aabutin namin.

A heavy thing on my back moved. I frowned and touched my head. Amoy na amoy ko ang pamilyar na pabango sa tabi ko. I flinched when I felt a peck on my cheek.

"Ma-l-late ka na..." Conrad's husky voice filled my ears.

Unti-unti akong nagmulat. Napakurap ako nang bumungad sa akin ang nakangising si Conrad. Namumungay ang kaniyang mga mata at mayroon nang suot na T-shirt ngayon.

"Morning..." he whispered.

I closed my eyes when he leaned to me and kissed my lips softly. Humawak ako sa kaniyang mga braso. He stroked my back gently.

"It's almost six, Azul. Alas siete ang pasok mo, 'di ba?" Aniya at kumalas sa halik.

"Hmm... kailangan ko nang umuwi. Paniguradong nag-aalala na si Mama." Namamaos kong sabi at bumangon.

Sinuklay ko ang aking buhok gamit ang mga daliri at kinuha ang salamin na nasa side table. Sinuot ko iyon at luminga upang hanapin ang iilang gamit ko.

"Kailangan mo munang kumain—"

"Hindi na, Conrad. Kailangan ko nang umuwi, maliligo pa ako." Sapaw ko sa kaniya at agad na bumaba ng kama.

Sinikop ko ang aking mga gamit. I fixed my tangled pants. Bumaba si Conrad at kinuha na rin ang kaniyang mga gamit nang makitang nagmamadali na ako.

"I'll order something for you, then," he seriously said.

Dinapuan ako ng kaba nang saka lang mag sink in sa akin ang lahat. Hindi ako nakauwi! Kung hindi man alam ni Mama na hindi ako umuwi kagabi, paniguradong alam na niya iyon ngayon dahil wala pang luto na pagkain!

Hindi na nagsalita si Conrad nang halos tumakbo ako palabas. Gusto kong maiyak nang makitang ubos na ang baterya ng aking telepono. I was nervous the whole ride.

"Hintayin na lang kita para maihatid ka sa school mo," alok ni Conrad na agad kong inilingan.

For sure papagalitan ako ni Mama. Ayaw kong masaksihan niya iyon at mas lalong ayaw ko na magharap sila ni Kuya.

"Ako na ang bahala, Conrad. May klase ka rin, kailangan mo nang magmadali. Magkita na lang tayo after class." I smiled at him.

He licked his lips and nodded.

"Alright..." he said calmly.

Binuksan ko ang pintuan at agad na lumabas. Kinawayan ko siya bago iyon isara. Napalunok ako at ilang beses pang humugot ng malalim na hininga bago pumasok sa bahay.

Sonorous Zeal [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon