"Galit ka ba sa akin gurl?" bungad ni Mica sa akin. Malungkot ang boses niya kaya nagtataka akong napalingon sa kanya. Kararating niya lang habang ako naman ay naghahanda na para sa trabaho ko mamaya sa opisina ni Boss.
Yes! Sa opisina lang ni Boss kasi kapag andito siya sa bar siya lang ang pinagsisilbihan ko gaya ng sabi niya at kapag wala naman siya--na madalang namang nangyayari ay doon ako sa counter pero walang nakakalapit sa akin dahil may naka assign na bouncer.
"Bakit naman ako magagalit sayo Mica? May ikagagalit ba ako?" ganting tanong ko sa kanya habang putuloy na inaayos ang sarili. I have to atleast look good kahit na si Sir Ethan lang naman ang pinagsisilbihan ko doon sa taas.
Muli akong bumaling sa kaibigan ko, nanatili itong nakatayo sa pintuan, pinapadama niya talaga sa akin na nagtatampo siya. Nagmessage ito sa akin kagabi pero kaninang umaga ko na nabasa. Sinabi niyang nagtatampo daw siya sa akin pero hindi rin naman binanggit kung ano ang dahilan.
Kung may matatawag man akong tunay na kaibigan dito sa Manila si Mica na yun. Hindi man kami nakatira sa iisang bahay pero palagi niya pa rin akong tinutulungan. Nakilala ko lang siya sa school dahil parehas kaming student assistant.
"Ano ba kasi ang nangyari at ganyan ang itsura mo?" tanong ko sa kanya.
"Kasi kagabi nakita kita pasakay doon sa itim na sasakyan. Ilang beses kitang tinawag pero hindi ka talaga lumingon sa akin. Pinagtawanan tuloy ako ng mga pinsan ko." aniya at nakanguso pa halatang nagtatampo sa akin dahil daw sa pandededma ko sa kanya.
Inabot ko ang kamay niya saka hinila siya palapit sa akin. Dinala ko siya sa loob ng locker room para doon kami mag-usap.
"Sigurado ka bang ako ang nakita mo Mic?" tanong ko dahil hindi lang ito ang unang beses na may nagsabi sa akin na nakita nila ako pero hindi ko sila pinansin. Medyo nababahala na din ako dahil ilang beses na akong napagkamalan sa kung sinumang hindi ko kilala.
Hindi agad ito nakasagot at tila nag-iisip pa. Maya-maya pinasadahan niya ng tingin ang buong katawan ko tsaka pinatalikod pa ako sa kanya. Nagtataka man si kinikilos niya ay hinayaan ko pa rin para matapos kung ano man ang ikinatatampo niya sa akin.
"Lumabas ka ba kagabi?" tanong niya pagkatapos akong sipatin.
Umiling ako sa kanya. " Nasa bahay lang ako buong gabi Mic. Diba sabi ko sayo na kapag off ko, hindi ako gumagala dahil doon lang ako bumabawi. Tsaka madami akong tinatapos na requirements sa school, wala akong time gumala."
"Yun nga din ang naisip ko kagabi pero kung hindi ikaw yon, sino kaya?" bigla siyang nagseryoso na tila ba inaalala kung sino ang babaeng nakita niya. Ilang beses niya pa akong pinatalikod sa kanya. Andun yong inayos niya pa ang pagkakalagay ng buhok ko sa likod saka malakas na bumuntong hininga.
"Akala ko talaga ikaw yun eh. Kasama ko pa naman yong pinsan kong may crush sayo, ayon tuloy pati siya na broken hearted kagabi. Super deadma kalang kahit ang lakas lakas na ng boses ko, nagmamadali ka pang pumasok dun sa sasakyan."
"Alam mo Mic, hindi lang ikaw ang nagtatanong sa akin ng ganyan, yong ibang kaklase ko din. Gaya din ng sinabi mong hindi ko man lang daw sila nilingon nung tinawag nila ako."
Gulat siyang napatingin sa akin. "Baka may kakambal ka hindi mo lang alam?"
"Anong kakambal? Wala noh...tsaka diba sabi nila meron naman talaga ganun, yun bang tinatawag nilang doppelganger." Sagot ko para itaboy ang topic.
Lalong nalukot ang mukha niya sa sinabi ko.
"Hay naku hayaan mo na. Baka kamukha ko lang yon, tsaka ikaw pa ba hindi ko papansinin?Alam mo namang malakas ka sa akin." paglalambing ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Tainted Series # 4 : The Lost Billionaire (Ethan Roe Dominguez) (COMPLETED)
RomanceWarning: MATURE CONTENT/ R-18 / Sensual/ Read Responsibly. Zia Alejandra Hernan, an independent and strong woman who draws strength from the people she loves. With a strong will and determination she decided to leave her family to pursue her dream...