Prologue

23.9K 640 324
                                    

"Zia! My gosh gurl.... " kinakabahang salubong ni Mica sa akin pawisan ang noo niya at halatang kanina pa ito nag-aabang sa akin dito sa labas ng bar.

Kinuha niya sa kamay ko ang paper bag na bitbit ko pati ang aking shoulder bag. Galing pa kasi ako sa hotel kung saan ako ngtatrabaho bilang receptionist pero may dinaanan muna ako bago pumasok dito sa bar na pinagtatrabahuan ko  bilang barista ngayon. Na-traffic pa ako papunta dito kaya heto medyo natagalan ako ngayon pero hindi pa naman ako late kasi mamaya pa namang alas 10:00 dadami ang mga tao.  

Isang taon na akong nagtatrabaho dito sa bar na pag-aari ni Sir Ethan. Nasa huling taon ako sa kolehiyo nung nag-apply ako dito. I'm a tourism graduate now at nag-aapply ako para maging flight attendant,but for the meantime double job muna ako habang naghintay na matanggap sa airlines na inapplyan ko. Receptionist ako sa umaga at barista ako sa gabi.

Bata palang ako pangarap ko na talagang maging stewardess o di kaya  yung mga nagtatrabaho sa cruise. Pangarap ko kasi makapunta sa iba't ibang lugar. Ambisyosa nga ako sabi pa ng mga kaibigan ko sa lugar namin. Nung nakakuha ako ng scholarship ay ni-grab ko agad para matupad ang pangarap ko. Sabi kasi nila madaming oppurtunity dito sa Manila.Hindi ko naman inaasahan na ganito pala kahirap dito sa syudad.

Mahal ang mga bilihin kaya hindi pwedeng tatamad tamad dito. Lalo pa akong nahirapan dahil wala akong kamag-anak dito,  ako lang mag-isa, solo flight simula ng lumawas ako para mag-aral. Kung sana doon na lang ako sa Davao nag-aral siguro hindi ako nahirapan ng ganito pero nagbunga din naman ang lahat ng paghihirap ko dahil nakapagtapos naman ako at nakakapagpadala na ko ng pera sa mga magulang ko sa Davao.

"Saan ka ba kasi nanggaling? Kanina ka pa hinahanap ni Sir Ethan. Bakit ba hindi ka nagpaalam sa kanya?" muling tanong niya sa akin ng hindi ako kumibo. Pinapaypayan nito ang kanyang mukha at halatang nate-tense habang papasok kami sa bar. Bigla tuloy akong kinakabahan dahil sa kilos ni Mica.

Gusto ko sanang sabihin sa kanyang paano ako makakapag paalam kung ilang araw wala din akong narinig sa kanya. Ilang araw akong nagte-text at tumatawag pero wala akong natanggap na sagot mula sa kanya. Bigla na lang siyang hindi nagpakita tapos ngayon bigla na lang siyang nagagalit sa akin?

Last week nagsabi  siya sa aking magiging busy siya kasi magsisimula na siyang magtrabaho sa kompanya nila. Sinabi niya sa aking nag-resign na siya sa dati niyang pinagtatrabuhan na pagmamay-ari ng kaibigan niya dahil kinausap siya ng daddy niya at siya na ang mamahala sa negosyo nila.  Pagkatapos nun wala na akong narinig mula sa kanya pero inintindi ko nalang dahil alam kong nape-pressure siya sa daddy niya at sa bago niyang trabaho.

Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit hindi man lang niya ako nagawang tawagan o e-text man lang. Tapos ngayon heto bigla na lang nagagalit?

"Saan ka ba kasi galing  Z at bakit ngayon ka lang?"

"May dinaanan pa kasi ako Mica." tipid kong sagot sa kanya. Pinasok ko na sa locker ang bag ko tsaka iba ko pang gamit, si Mica naman parang natatae na kakasunod sa akin. 

"O ba't ang tagal mo? Lagpas alas 9 na ah."

" Dumating kasi galing sa Davao ang kababata kong si Gaston. Pinapunta niya ako sa condo niya dahil may pinadala si Mamang para sa akin." tinuro ko sa kanya ang paper bag. " Kumuha ka lang dyan Mic kung anong magustuhan mo, mga kakanin yan na niluto ni Mamang at pinadala kay Gaston para sa akin."

Haciendero si Gaston, anak siya ng isa sa may pinaka malaking sakahan ng niyog doon sa Davao. Naging kaibigan ko ito kasi kaibigan ni Kuya Noel  na kapatid ko si Kuya Gustavo na kuya naman ni Gaston. Sa US ito nag-aral, umuwi lang para tulungan si Kuya Gustavo para e manage ang business nila. Siya ang naka-asign dito sa Manila dahil si Kuya Gustavo ang sa hacienda nila sa Davao.

Tainted Series # 4 : The Lost Billionaire (Ethan Roe Dominguez) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon