"Pack all your things Alejandra, you'll stay in my unit. " diritso lang ang tingin ng seryosong mukha ni Kuya Gustavo sa akin. Walang itong pakialam sa nag-aalburutong kapatid na halos mag-isang linya na ang kilay dahil kanina pa nangungulit sa akin na doon din ako titira sa kanya. Padabog pa itong tumayo saka lumapit sa akin.
"She'll stay in my unit nga Kuya, kulit mo din e. " protesta ni Gaston sa nakakatandang kapatid pero hindi siya pinapakinggan nito. "Mas maaalagaan ko si Z kung magkasama kami sa condo." dagdag niya pa.
"Are you not thinking Gaston? Gusto mo bang isipin ni Noel na binabahay mo ang kapatid niya?" Halatang napipikon na si Kuya Gustavo sa kakulitan ni Gaston. Tama nga naman si Kuya Gustavo. Isa pa, ano na lang ang iisipin ng mga magulang nila diba?
Si Kuya Gustavo at Kuya Noel na kapatid ko ang magbestfriend kaya alam kong pino-protektahan niya din niya ang friendship nila at the same time ayaw niya ring ma bad-shot ang kanyang kapatid. Kuya Gustavo is mature enough when it comes to decision making hindi katulad namin ni Gaston na padalos-dalos lang.
"It's fine Kuya, e di sasabihin ko kay Kuya Noel na ako ang ama ng baby ni Z." nakangising sagot nito na tila ba hindi nag-iisip. "Easy..."
Tahimik lang ako at palipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa ng nagbabangayan. Kung sana pinayagan na nila akong umuwi e di nasa apartment na ako ngayon nagpapahinga. Absent ako ngayong araw sa trabaho ko sa hotel dahil sa nangyari pero bukas papasok na ako ulit. Sabi naman ng doktora okay lang magtrabaho ako basta doble ingat lang at wag magpa-stress sa trabaho.
"Sa condo tayo, Z, ha?" mahinang sabi niya pero narinig ni Kuya kaya lalo lang itong nainis sa kanya. Ewan ko ba sa magkapatid na to, parang nakikipag kompetensiya pa sa isa't isa, e pwede naman na nila akong iwan dahil ayos na ako. Nakakahiya tuloy dahil alam kong nakakaabala na ako sa kanila. Siguro nasa meeting ang mga ito ngayon kung walang nangyari sa akin.
"Will you please shut up Gaston! You're not helping, you know that?" annoyed na saway ni Kuya pero bago pa sila mag-away nagsalita na ako.
"Kuya Gustavo, Gaston, doon na lang ako sa apartment. Ayos lang naman ako doon." mahina kong sabat sa usapan nila.
Sabay silang dalawang tumingin sa akin na tila ba hindi nila nagustuhan ang sinabi ko kaya agad akong yumuko.
"Ayos lang po talaga ako Kuya, Gaston, hindi ko naman pwedeng iasa sa inyo ang buhay ko. Malaking abala lang ako sa inyo." mahina kong sabi pero yon ang totoo.
Problema ko kasi to kaya ako ang maglulutas nito pero ayaw naman paawat ng dalawang magkapatid.Tumahimik saglit, akala ko papayag na sila pero muling nagsalita si Gaston.
"Ikaw kasi Kuya e, sabing sa akin siya sasama ang kulit mo pa." aniya na may halong paninisi. Pinanlakihan ko siya ng mata pero mukhang hindi naman nito na gets ang ibig kong sabihin ayan tuloy lalong nagalit si Kuya.
"Quit playing Gaston, pababalikin kita sa hacienda!" banta nito sa kapatid at nakita kong natigilan si Gaston. Gusto ko tuloy matawa sa reaksyon niya. Takot pala ang kumag pabalikin sa hacienda kaya nabahag ang buntot. Sabagay sanay na kasi ito sa city life dahil nga galing US kaya siguro takot na doon sa plantasyon nila iikot ang buhay niya kung totohanin ni Kuya ang sinasabi niya. Nakakatakot naman din kasi to si Kuya Gustavo, hindi lang sa salita pati na rin sa mukha kasi sobrang seryoso na para bang laging galit sa mundo.
Tumayo ito saka umakbay sa kuya niya. "Si Kuya di na mabiro."aniya at peke pa itong ngumiti kay Kuya saka bumaling sa akin. "Wag kang mag-alala Z, magkatabi lang naman yong unit namin ni Kuya, pwede naman akong tumambay doon Kuya diba?"
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi sa sinabi ni Gaston. Kung ganito kakulit ang magiging kapitbahay ko baka mas mapaaga ang panganganak ko. Hindi parin kasi talaga nagbago itong kababata ko, napakakulit pa rin.
BINABASA MO ANG
Tainted Series # 4 : The Lost Billionaire (Ethan Roe Dominguez) (COMPLETED)
Storie d'amoreWarning: MATURE CONTENT/ R-18 / Sensual/ Read Responsibly. Zia Alejandra Hernan, an independent and strong woman who draws strength from the people she loves. With a strong will and determination she decided to leave her family to pursue her dream...