The Adviser is Back

19 0 0
                                    

JANE's POV

Naglalakad ako sa hallway ng aming school nang matanaw ko na nagkakagulo ang mga kaklase ko sa harap ng klase namin. Dahil sa curiosity ko, tumakbo ako ng mabilis sa hallway papunta sa aming classroom.

Bigla akong napatigil nang may tumawag sa akin mula sa aking likod. Pamilyar ang boses.

"Jane!Sandali lang!"

Si Harry. Ang pinakamatalik kong kaibigan na lalaki sa classroom namin.

"Harry!Uy ikaw pala! Ano bang nangyayari doon sa classroom naten?"

"Hindi mo ba alam? Babalik na si Ms. Sandy dito sa School!" abot tainga ang ngiti niya habang sinasabi niya ang mga katagang iyon. Hindi rin ako makapaniwala sa aking mga narinig. Si Ms. Sandy? Babalik na?

Nanlaki pa rin ang mga mata ko at hindi makagalaw sa kintatayuan ko.

"TALAGA???" bigla nalang akong nagtatatalon sa tuwa. Halos mangiyak-ngiyak na nga ako sa sobrang tuwa ko. Sa wakas, after 5 months, makakasama na ulit namin si Ms. Sandy.

Si Ms. Sandy kasi ang class adviser at pinakapaboritong teacher namin. Parang ate kasi ang turing namin sa kanya at nakikisakay siya sa mga biro namin. Siya rin ang pinakamagaling magturong teacher para sa amin.

Limang buwan na ang nakararaan, nagulantang na lamang bigla ang section namin. Nabalitaan kasi namin na nasagasaan si Ma'am Sandy at na-coma. Nag-iyakan ang mga kaklase ko maging ako. Hindi namin inaasahan ang pangyayari.

Naglakad na kami ni Harry papuntang classroom namin. Nakita namin ang mga kaklase namin. Nag-aayos sila ng classroom para sa pagdating ng adviser namin. Nagsusulat sila sa blackboard ng "Welcome Back Ma'am Sandy" at pinapalamutian ang buong classroom ng mga kulay na blue at pink. Ito kasi ang mga paborito niyang kulay.

"Excited na talaga ako sa pagbabalik ni Ms. Sandy sa school. What do you think Jane, maganda ba yung decoration?" sabi ng BFF ko na si Kaye sa akin.

"Oh yes. Maganda yung decoration ng room natin. Sigurado matutuwa si Ms. Sandy" tugon ko kay Kaye.

Nagpatuloy lamang sa pagdedecorate ng room ang mga kaklase ko. Nakita ko rin na may hawak na cake si Clifford, ang class president ng section namin na may lettering na "Welcome Back Ms. Sandy". Mukhang parte ito ng surpresa para sa adviser namin.

"Oh yung banner ready na ba? Mamaya-maya dadating na si Ms. Sandy" bilin ni Clifford sa mga kaklase ko.

"Yes Mr. President. Ready na ang lahat!" tuwang-tuwang sinabi ni Claire kay Clifford.

Nabigla ako nang biglang may sumigaw sa may hallway. Parang boses ni Irene iyon.

"GUYS!GUYS!Ms. Sandy!She is here na!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE EXTRA CLASSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon