CHAPTER 01

3 1 0
                                    

Sinama ko sina Zico at TJ sa solo training ko nang sumunod na araw dahil naninigurado lang ako na wala nang mangangambala sakin incase na nandoon na naman ang lalaki.

Surprisingly wala naman siya, dahil kung sakali man na nandoon siya eh talagang sirang sira na ang araw ko, pero dahil nga wala siya laking pasalamat naman nila TJ at bumalik na ang maaliwalas ko na itsura. Kahit na puno nang tanong ang kanilang mga tingin ay hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy sa pag practice.

Nang unti-unting lumapit ang araw na magsisimula na ang training nang lahat nang athlete ay talaga namang naging sobrang busy ako sa school kahahabol nang mga requirements sa parehong sports at acads.

Masyado akong naging busy sa mga requirements na nawala na sa isip ko ang lalaki na nakita sa Ralta.

Unang araw nang District Meet at isa ako sa naka schedule na maglalaro sa umaga kung kaya 7:30 palang nandoon na ako para maunang mag warm up kahit na 8 pa naman ang usapan namin ni Zico na dating at 8:30 ang simula nang laban ko dahil ako ang una.

Nasa tapat na ako nang entrance nang nakita ko na naman ang lalaki sa madalas ko na pwesto. Hindi na nakakagulat na tulog na naman ito.

"Gising. May ibang tao na dadating. Nakakahiya naman kung dadatnan ka nilang ganyan. Gising na."

Panay ang tapik ko sa braso niya na nakatakip sa mga mata niya. Hindi kalaunan nagising narin naman siya at pupungaw pungaw pang bumangon paupo.

"Anong oras na ba? Naka laro ka na? Manonood ako." Sabi niya habang naka sandal sa upuan at naka krus ang dalawang kamay sa dibdib na naka tingala sa akin.

Nang-galaiti siya sa galit, kung sabihin niya ito ay parang napaka liit na bagay dahil sa walang buhay niya na pananalita. Ibubuka na sana niya ang kaniyang bibig nang biglang may tumikhim sa likod niya. Doon nakatayo si Zico sa entrance na nakatingin sa kanila nang seryoso ngunit kita ko ang katanungan sa kaniyang mga mata.

Imbes na sa lalaking nakatingin kay Zico galing sa kaniyang likod, naibuntong niya ang kaniyang galit kay Zico.

"Bakit ngayon ka lang?! Kanina pa ako nandito ah?!"

"Bakit sa akin ka galit? Wala naman akong kasalanan. Katunayan maaga nga ako dahil ang usapan natin 8 pero 7:40 palang nandito na ako." Sagot ni Zico nang malumanay at gulat na mga mata habang naglalakad papunta sa kaniya para ilapag ang dala nitong bag kaya napatingala nalang siya dahil mas matangkad ito sa kaniya.

"Hinay lang Fel, ang puso. Ituon mo galit mo sa kalaban hindi sakin. Jusko hindi ko pa nga alam kung sino kalaban ko mamaya tapos uunahan mo na. What a great way to start my day."

Huminga na lang ako nang malalim dahil sa sinabi ni Zico at tama nga naman na hindi siya ang kalaban ko kung hindi itong lalaki na ang hilig hilig matulog sa hindi naman tulugan na lugar. Tinignan ko nalang nang masama ang lalaki at nagsimula nang mag prepare nang mga gagamitin ko sa warm up bago dumiretso sa court.

Matapos ang ilang minutong pag warm-up dumating na ang ibang manlalaro at Coaches na parehong galing sa ibang school at sa RNCU.

Nag warm up din muna ang ibang players bago nag simula ang laro.

Napatingin ako kay Zico na tinanguan lang ako at nagpatuloy sa pagsulat nang naka puntos ang kalaban ko. Laging ganito si Zico tuwing may laro kami ni TJ, sinusulat niya lahat nang mga errors, scores at moves namin, kahit moves nang opponent ay inoobserbahan niya dahil sabi niya maganda daw itong gawin na documentary para tuwing pagtapos nang laro ay may mababalikan daw kami na reference na kung anong kailangan palitan at pag-igihin na moves.

Kaya grabe na lang ang respeto at pasasalamat namin ni TJ na naging kaibigan namin si Zico, dahil kung hindi sa kaniya hindi namin makikita ang mga pagkukulang namin sa larangan na pinili namin. Na kahit siya rin mismo ay may laro kasabay nang amin, hindi siya nag dadalawang isip na puntahan kami at maka gawa manlang nang documentary kahit nang isang laro. Kung gaano ang ikina-ingay niya at happy-go-lucky pag normal events, ay yun naman ang ikina-tahimik at silent type pag seryosong event na ang nagaganap.

ATHLETICS SERIES 1: Love is Pleasure Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon