PROLOGUE

5 1 0
                                    

Nagsimula na akong ligpitin ang mga gamit ko pagkatapos kong magbihis nang palda sa ibabaw nang cycling ko since hindi naman required ang uniform sa school at kahit ano lang ang pwedeng suotin.

"Aalis ka na? San ka pupunta?", tanong nang kaibigan ko na si Zico.

"Sa Ralta, malapit na kasi ang simula nang practice."

"Ah, mag s-solo practice ka? Sino kasama mo? Ay joke oo nga pala solo."

Napatingin nalang ako sa kaniya na pangisi ngisi sa tabi ko.

"Oo, sabihan mo nalang si TJ ah. Alis na ako. Bye." Tango ko nang nagsimula na akong maglakad palabas ng room.

Wala kasi ang Prof namin sa last subject kaya maaga ang aming dismissal at mas maaga at mas matagal naman ang aking magiging practice.

"Ingat!" Sigaw ni Zico kaya napatawa ako. Kahit kailan talaga hindi mawawalan nang araw na hindi sisigaw ang isang yun.

Nasa tapat na ako ng faculty nang may biglang lumapit sa akin na lalaking may naka sabit na malaking camera sa leeg habang hinihingal.

"Excuse me! Hi! Pwedeng mag-tanong? Asan ang room nang Nursing?"

"Nasa Medical Department, doon sa building na malaki na meron hanggang 4th floor, sa may bandang likod. Buong first floor noon ay Nursing." Tinuro ko ang malaking building sa kaliwa ko.

"Ah, sige sige! Thank you!" Sabay takbo niya papunta sa tinuro ko.

Napa-iling nalang ako at naglakad na palabas ng gate habang hinihila pababa ang palda ko dahil panigurado maninitsit nanaman ang mga tricycle drivers. Dumiretso na ako sa pila at laking pasasalamat na hindi na ako maghihintay nang ibang pasahero dahil may isang tricycle na isa nalang ang kulang.

Nasa likod ngalang ang bakante kaya hindi ako kumportable dahil naka palda ako, pero naglakad parin ako papuntang likod.

Paupo na sana ako nang may biglang nag salita galing sa loob nang tricycle.

"Dito kana sa loob Ms. Ballesteros. Ako na ang sa backride." Si Sir Montero pala na isa sa mga Prof nang Engineering Department.

"Ay hala sir, okay lang po. Ako na po!"

"Hindi, sige na. Doon kana sa loob, baka masilipan ka pa. Ang iksi panaman nang palda mo."

Wala na akong nagawa kundi pumasok sa loob ng tricycle dahil pumwesto na sa likod nang driver si Sir Montero. Hindi ko mapigilan ang pag-init nang pisngi ko kaya't napatakip nalang ako nang aking bag sa mukha habang hinihintay na matapos ang biyahe papuntang bayan.

"Sa may Ralta nalang po kuya." Sabi ko nang napansin na nakalampas na kami nang simbahan.

Bumaba na ako at nagbayad ng saktong pamasahe dahil baka dagdagan pa ang babayaran ko kung buo ang aking ibibigay.

In-adjust ko ang backpack ko bago ko binitbit ang duffle bag na nakalagay kanina sa likod ng tricycle na may laman na mga gamit ko pang practice at mga extrang damit at nagsimula ng maglakad paikot sa court papunta ng entrance.

Ganun nalang ang gulat ko nang nakitang may lalaki na natutulog sa upuan kung saan ko madalas nilalapag ang mga gamit ko. Napatingin ako sa relo ko at napansin na lampas 3:30 palang pala at napaisip kung bakit dito natutulog ang lalaki at kung pano ito nakapasok. Tito ni Zico ang may-ari nang lote kaya may permission ako na mag practice kung kailan ko gusto.

Sa kabilang lamesa ko nalang iniwan ang mga gamit ko at sinimulan na ilabas ang aking racket at extrang mga bola. Meron naman kasing mga bola sa tabi nang court kaya kahit walang dala ay makaka practice parin.

Nag simula na akong mag practice nang aking servings at backhand dahil medyo naninibago pa ulit ang kamay ko sa tagal nang hindi ko paglaro. Kung kaya't ganun nalang ang pag sigaw sigaw ko tuwing tumitira dahil sa bigat nang racket.

Nakakailang palo palang ako nang may biglang magsalita galing sa labas ng court.

"Excuse me, pwede bang lumipat kanalang nang ibang pwedeng pag practice-an kung saan pwede kang sumigaw sigaw na walang naaabala dahil natutulog yung tao eh." Walang buhay ngunit madiin na sabi nang lalaking tulog kanina.

Napa buntong hininga ako at napatingin sa kaniya nang may matalim na titig.

"Excuse me rin, pero pano kung sabihin ko sayo na ikaw dapat ang lumipat nang ibang lugar na matutulugan dahil hindi ito ang lugar kung saan ka pwedeng matulog na walang maingay."

"Court ito. Dito nagp-practice ang mga tennis player. Kaya kahit kailan hindi ito naging tulugan."

Binalik ko nalang ang aking atensyon sa pagp-practice at hindi na pinansin ang lalaki. Matapos ang ilang minuto ng kasisigaw at kapapalo nang bola, hindi ko na nakayanan ang mga matang nakatitig sakin kaya napigilan ako sa paglalaro at napatingin sa lalaki na walang ekspresyon ang mukha ngunit kita ko sa mga mata niya ang inis.

"Bakit ka tumitingin? Mag papa-alam ka na? Sige lang, alis na."

Nakita ko ang slight na paglaki nang kaniyang mga mata at ang pag awang nang kaniyang bibig. Ngunit saglit lang yun at napalitan agad ng ngisi ang kaniyang labi.

"You just gave me an idea." Bulong niya na hindi ko nalang pinansin dahil kahit gusto ko man malaman kung anong klaseng ideya yun, may kutob ako na hindi ko iyon magugustuhan, kaya hindi ko nalang siya ulit pinansin at nag focus na sa ginagawa kong pag serve.

Narinig ko ang pagkaluskos ng mga gamit sa lamesa sa labas nang court, kaya napalingon ako at nakita na bitbit na nang lalaki ang kaniyang bag na hindi ko nakita kanina at hula ko ay ginawa niyang unan, at tumingin sakin na may malaking ngisi sa labi at biglang kumaway na ikinagulat ko.

"Bye. Thanks for the idea. Hope to see you again soon." At nagsimula na siyang lumakad palabas nang waiting area nang court habang nakalagay ang mga kamay sa bulsa nang pantalon at sumisipol sipol pa na para bang hindi nagsungit kanina at maganda ang gising.

"See you soon mukha mo! Hinding hindi na tayo magkikita! Akala mo!" Sigaw ko nang natapat siya sa akin sa labas nang net.

"Maliit lang ang Roxas Miss, kaya hindi ako magkakamali na sabihing magkikita ulit tayo."

Inirapan ko lang siya at tinalikuran na para bumalik sa pag p-practice. Narinig ko pa ang kaniyang mahinang tawa bago ako nag seryoso sa ginawa.

"As if naman magkikita talaga kami. Sana lang wag at ayaw ko pumalpak bago magsimula ang District Meet."

Sabi ko sa sarili ko at pinalo nang malakas ang bola.

FR4NN1E

ATHLETICS SERIES 1: Love is Pleasure Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon