Nakapasok kami ni Mave nang school pagkatapos magbangayan sa harap nang canteen.
"Ako na magbabayad nang kinain natin."
"Hindi na, ako na sa akin."
Hindi ako pinakinggan ni Mave nang ibinigay niya ang bayad sa tindera na nakatingin sa amin, pati nang iilang coaches at athletes na doon kumakain. Ibinalik ko nalang sa aking bag ang wallet na inilabas kanina para magbayad sana.
"Fine, okay lang naman since ako nagbayad nang pamasahe mo." Sabi ko habang inaayos ang gamit sa lamesa na pinagkainan.
"Yeah. For 15 pesos. And yet your food costs 50 pesos. Tsk."
"Nagrereklamo ka? Edi ako magbabayad nang pamasahe mo mamaya pauwi para bente nalang utang ko sayo."
Tinalikuran ko siya at dumiretso na sa gate.
Lumakad kami papuntang Computer Science Building para panoorin si Zico sa kaniyang laro, ngunit ganun nalang ang aking gulat nang nakita si TJ sa labas na nakatayo at parang may hinihintay. Gulat siyang napatingin sa akin nang tawagin ko.
"Fel, congrats. Nakwento ni Zico na panalo ka raw."
Banggit ni TJ ngunit nasa lalaking nagmumukhang banyaga dahil sa kulay niya at tangkad ang tingin.
"Oo, ikaw kamusta? Panalo?"
"Syempre, kami pa." Tawa ni TJ na sinabayan pa niya nang pag hawi nang buhok niya bago niya binalik ang tingin sa kasama ko, balik sakin, at balik ulit sa kasama ko na nagtatanong ang mga mata.
"TJ, si Mave... kaibigan ko. Mave si TJ... kaibigan ko din." Napakamot ako dahil sa gulo at hiya.
Tinanguan lang ni Mave si TJ, habang ang kaibigan naman ay tinusok siya sa tagiliran at bumalik na lang ang tingin sa loob nang room kung saan gaganapin ang laban ni Zico.
"Oh! Nandito kayo."
Napatalon kami ni TJ nang biglang magsalita si Zico sa likod namin na galing yata sa bahay nila at nag hilamos dahil ang aliwalas nang kaniyang itsura.
"Zico ba?! Oh edi sana all nakapag-freshen up. Ikaw na ready to fight." Bungad agad ni TJ.
"Mainit kasi sa Grand Stand kanina nung laro mo tapos may oras parin naman bago ang laro ko kaya umuwi muna ako para mag shower. Oh pano't himala at sumama ka, akala ko hindi ka makakanood at pagod ka pa galing laro mo."
"Zico ba! Syempre manonood ako! Support! Gusto mo i-cheer pa kita diyan sa loob eh. Yung cheer na pang cheerleader. GO ZICO! GO ZICO! GO! GO! GO! GO! GO ZICO!"
Napapatingin na sa amin ang mga dumadaang athlete dahil sa lakas nang boses ni TJ.
"Psst! Bawal maingay sa loob! Hindi makaka concentrate ang mga lalaro. Tsaka isa pa, I've had my fair share of noise this morning."
Ika ni Zico sabay tingin nang masama sa amin ni Mave na parehong tumingin lang sa kabilang side dahil sa hiya. May sasabihin pa sana si Zico ngunit biglang lumabas si Sir Montero galing sa Chess Room.
"Miss Florese. Mag ready ka na at magsisimula na."
"Opo Sir. Mauna na ako, susugod muna ako sa gyera nang utak. Wish me luck."
Kumaway na siya sa amin at dali daling pumasok sa loob at hindi rin nagtagal ay tuluyan na ngang nagsimula ang laro. Malapit nang mag trenta minutos nang biglang nag sabi si Zico nang Checkmate na hindi lang kalaban niya ang nagulat kundi pati narin ang ibang manlalaro na ni isa ay wala pang nag checkmate.
"Ohh. Nice." Mahinang napa-palakpak si Mave sa tabi ko na tinignan lang namin ni TJ nang masama kasama si Sir Montero na nagalit siguro sa pag ingay sa gitna nang seryosong laban. Hindi niya lang iyon pinansin at tumingin ulit sa laban.
Matapos lumipas ang ilan pang moves ni Zico at pag-checkmate ay nag-accept na nang defeat ang kalaban. Making her the first winner from RNCU's Chess players.
She shook hands with her opponent as a sign of professionalism at tahimik na kinuha ang gamit at lumabas. Hinila namin si Zico palayo sa room bago kami tumili at nagyakapan sa tuwa.
"Yes! Triple win! Kain tayo sa labas dali!"
Napailing nalang si Zico sa sinabi ko dahil pagkain nanaman ang nasa isip ko.
"Hindi ba magagalit ang coaches ninyo na lalabag kayo sa diet niyo? Kasi ako okay lang lumabag paminsan minsan."
"Tsk! Ah bahala sila! Hindi naman kami dumadagdag nang timbang. Kung height pwede pa kaso stuck na ito."
"Sana ol hindi dumadagdag ang timbang. Kahit kasi anong sabi ko sa isip ko na utak ko lang ang gagalaw buong game, hindi ko mapigilang isipin na the healthier the body the healthier the mindset."
"Ok lang yan! Importante buhay! Tara Dencios!"
Napailing nalang ulit si Zico sa akin. Muntik ko nang makalimutan sa kasama namin si Mave kung hindi siya nakipag kamayan kay Zico at binati ito nang congrats. Tatalikod na sana kami nang may biglang tumawag sa kaniya.
"Miss Florese, pwede ka bang magpaiwan? May kailangan akong i-discuss sa iyo."
"Ah sige po Sir, sunod lang po ako. Well... Mukhang hindi ako makakasama sa inyo. Next time nalang. Panigurado naman eh." Malungkot ngunit naka ngiti na sabi ni Zico sa amin bago kumaway at umalis para sundan si Sir Montero.
Nasa gitna si Fel nang pag kwento kay TJ kung paano sila nagkakilala ni Mave nang makuha nito ang atensyon niya sa pagkuha nang mangkok niya at nilagyan ito nang Lomi na dumating na pala at hindi nila napansin.
"Lagyan ko nang patis ah. Gusto mo chilli sauce?"
Nakanganga lang akong tumango sa kaniya na hindi kami pinansin sa katitimpla nang lomi niya. Pagkatapos tikman gamit ang sariling nitong kutsara ay saka ito nag sandok nang para sa sarili.
"Ako Mave wala?"
Naudlot sa gitna nang bibig ni Mave ang kutsara nang Lomi dahil sa sinabi ni TJ. Tinignan muna ni Mave ang lomi sa may bibig niya na parang may mali dito bago itinuon ang atensyon kay TJ na naka ngiti sa kaniya. Ngunit sa huli sinubo nalang niya ang nasa kutsara at nagpatuloy sa pagkain, kaya ganun nalang ang tawa ko sa itsura ni TJ na animo'y pinag bagsakan nang langit at lupa sa pagka dismaya.
"Hmp! Feeling ko Third Wheel ako! Pader na nga ginawa niyo pang gulong. Mga masasama." Bulong niya na ikinatawa ko nalang.
Pagtapos kumain ay nag-abang na kami nang tricycle para bumalik sa school, itataas ko na sana ang kamay ko nang naunahan ako ni Mave. Habang hinihintay na lumapit ang tricycle, tinignan ko siya nang masama na sinuklian niya lang nang tipikal niya na pagtaas nang balikat.
"Ihahatid ko kayo. I want to make sure you get there safely plus it's already dark. Who knows what the driver would do to you."
Bumuntong hininga nalang ako at pumasok sa tricycle.
Pinauna ko na pasok sa gate si TJ nang nakarating kami at kakausapin ko pa si Mave.
"Look, I know what you're gonna say. Just trust me in this okay. I know what I'm doing and just let everything flow from here. I promise I don't have bad intentions, I just badly need your help."
Naka kunot nuo ko lang siyang tinignan at magsasalita na sana nang unahan na naman niya ako.
"I'll tell you what help I exactly need and who I really am. But, not know. I don't want you to think of anything else but your game. Alright? I'll go now, it's getting late. Baka mapagalitan ka. Pasok ka na, aalis ako pag nasa loob ka na."
Ang tagal ko siyang tinitigan bago ako tumango at bumunot nang malalim na hininga at yumuko.
"Okay. Take care then. Be careful on your way home."
Kumaway ako na sinuklian niya lang nang maliit na ngisi at naglakad na papasok nang gate hanggang sa hindi ko na siya nakita.
Napabuntong hininga ulit ako habang naglalakad papunta sa quarters namin at mahinang tinampal tampal ang pisnge ko. Clear your head Fel. You still have a game tomorrow.
FR4NN1E
BINABASA MO ANG
ATHLETICS SERIES 1: Love is Pleasure
Tiểu Thuyết ChungFel, an introverted athlete who because of her past easily judges people and Mave a singer songwriter who neglects himself in order to make good music suddenly crossed paths. As the two characters kept passing through each others ways they als...