CHAPTER 61: Mystery Box of Xin Yi

148 30 3
                                    

Kael's POV

Redthiem Continent, Ionia, Skyline City.

"Lolo Xin Yi magpapaalam na po kami, maraming salamat po sa pagpapatuloy at pagtitiwala." Malugod na sambit ni Kye.

Kaming lima ay nasa labas na ng bahay at nagpapaalam sa tunay na may ari. Umaga ngayon at sakto ang pagkadating ng matanda dahil katatapos lang namin maglinis at magligpit ng bahay.

Hardin ang labas ng kanyang bahay, maraming bulaklak at maliliit na puno at kawayan sa tabi, pati nakaayos ng mabuti ang mga bato sa paligid.

Karga ko si Maria habang nasa ulo ko naman si Scub, at hanggang ngayon iniisip ko pa rin yung nangyari kagabi– kanina pala, tungkol sa pesteng bangungot na 'yon na hindi maalis sa isip ko.

Alam ko na kanina pa ako patulig-tulig at tahimik bago pa sumikat ang araw. Parang hindi magiging kompleto ang araw ko kung hindi ko nasasagot 'yon o mas lalong hindi ako patatahimikin ng utak ko kakaisip kahit na napakaaliwas ng panahon.

Ayos naman pakiramdam ko, normal lang, walang galit, lungkot o takot. Sadyang naiwan lang akong blanko kung titingnan sa pisikal pero kating-kati na ako sa loob ng diwa ko na parang 'di ako mapalagay.

"Hoy bata… mukhang naninibago ako ngayon sa'yo." Wika sa'kin ng matandang ito na nagngangalang Xin Yi kasabay ng mahinang paghampas niya sa'king tuhod gamit ang kanyang tungkod.

Siya yung tipo ng mga lumang tao sa kultura nila, mahaba ang balbas na kulay puti pero kalbo ang ulo. Pikit na 'yung mga mata niya pero 'di mo aakalaing nakakakita pa. Kuba na at bilang nalang 'yung natitirang ngipin.

Pero sa lahat at kabuuang nakikita ko sa kanya. Si lolo Xin Yi ay kakikitaan mo ng magandang asal at mabibigyan mo talaga ng respeto.

Mabalik sa sinabi niya, hindi ko pinansin ang huli niyang winika dahil wala ako sa modo para makipagusap. "Anong nangyari sa'yo Kael iho? Kahapon lang ang sigla mo ah." Dagdag ng matanda.

"Ahh, pwede po ba ako na magsalita para sa kanya." Boluntaryo ni Kye. Ayun buti naman may hahalili na sa'kin.

Tumango ang matanda at tumigin sa lalaking katabi ko ngayon, si Kye. Siniko niya ako sa aking tagiliran saka may binulong na bagay sa matanda. "Aray." Mahina kong daing. Siraulo, alam ko din naman sa sarili ko na binagungot ako, kailangan n'yo pa ba talaga ilihim sa'kin?

"Hmm..." May inisip ang matanda matapos niyang makuha ang binulong ni Kye habang hinihimas niya ang kanyang balbas at tumatango.

"Sandali may ibibigay ako pa ako sa inyo, 'wag muna kayo aalis." Sambit ng matanda habang sinimulan na niyang humakbang papasok ng kanyang bahay. "Magagamit n'yo 'to sa inyong paglalakbay, bilang mga mandirigma." Dagdag niya. 'Yun! Gusto ko yung sinabi niya, mandirigma.

"Psst! Kye, anong binulong mo sa kanya?" Mahinang tanong ni Eurie.

"Tungkol kagabi." Sagot ni Kye. "Bangungot nito." Dagdag niya sabay turo sa'kin. 'Di ako naniniwala na 'yun lang ang binulong ni Kye, marahil may sinabi pa 'tong iba.

"Ba't may kinukuha pa siyang bagay sa loob?" Tanong ko sa lalaking 'to.

"Aba malay ko." Aniya at bahagyang ngumiti sa'kin. "Buti naman naisipan mo nang umimik."

Umalis ako sa aking kinatatayuan at nagtungo sa isang malaking bato na ilang talampakan lang ang layo sa'kin upang umupo do'n saglit. "Naninibago talaga kayo sa'kin? Sandali lang ako nanahimik, tingin n'yo na agad malaking bagay 'to." Sambit ko sa kanila habang naglalakad papalapit sa bato.

Malaking bagay naman talaga yung panaginip na 'yon, pero para sa'kin lang naman, sa'kin lang. Sa nakikikita ko, pati ba naman sila? Pero ayos na rin, kahit papaano naglalambing at nagaalala pa sila, salamat nalang may pake sila sa'kin.

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon