CHAPTER 12: New Beginning

884 85 1
                                    

Kael's POV

Yeriah Continent, Lireth Villege

2 years later…

"Aray!" Malakas kong sigaw dahil sa naramdaman kong kirot sa aking likod.

Bigla akong nagising at napabalikwas mula sa pagkakadapa ko dito sa aking higaan dahil sa kalmot ni Maria, kaasar. "Meow" huni niya.

"Ikaw na naman." mahina kong sambit

Napahawak ako sa'king mukha at ginulo-gulo ang aking buhok gamit kanang kamay ko, hindi ko alam kung bakit nakaugalian ko na 'to tuwing bagong gising.

Napasandal ako sa pader at napapikit-pikit dahil sa totoo lang inaantok pa 'ko. Gusto ko pang matulog, wala akong pake kung umaga na at maliwang na sa labas.

"Aray!" Sigaw kong muli matapos maramdaman ang masakit na kagat sa dulo ng aking daliri. Nanaman!

"Scub! Tigilan n'yo na nga akong dalawa, puro sugat na 'ko tuwing umaga dahil sa inyo." Malakas kong sambit.

Simula nang pinainom ko si Scub ng shrinking potion, hilig na niya ang mangagat, lumiit lang pangil at katawan niya nagagawa na niya 'to. Kung hindi ko lang  talaga kailangang itago ang pitong metro niyang haba, 'di 'to mangyayari. Pero bahala na.

Napahinga ako ng malalim at tumingala sa kisame dahil sa likot ng dalawa kong alaga. "Ano na naman kayang gagawin ko ngayong araw…?" Bulong ko.

Bahala na makapaghanda nalang.

Umalis ako sa kama at inihanda ang sarili ko sa paglabas ng bahay. Hinubad ko mga saplot ko. Ang T-shirt ko, pajama at underwear ay iniwan ko sa sahig. Mamaya ko nalang pupulutin pagkatapos ko maligo.

Agad akong nagtungo sa banyo upang doon maligo at magsipilyo, sinaraduhan ko ang pinto at sinimulang magbuhos ng tubig. Ang lamig…

Sampung minuto kong tinapos ang paglilinis ko sa katawan ko. Kinuha ko ang towel upang tuyuin ang aking sarili at agad na itinapal ito sa aking beywang.

Lumabas ako ng banyo at kinuha ang mga nagkalat kong saplot sa sahig saka ito isinampay sa sampayan. Mabuti naman hindi ito pinakialaman ng dalawang yun.

Nagtungo ako sa kabinet kung saan doon nakalagay ang mga damit ko. Kinuha ko ang aking boxer, black pants na may mga chains na design, gray na T-shirt, pair of black boots at ang panghuli ang pinakamaganda kong black suit.

Matapos kong suotin ang mga ito, nagtungo ako sa salamin kung saan pwede ko makita ang mukha ko. Inayos ko ang buhok ko at… "Nice, pogi" mahina kong sambit.

Black hair, with red eyes and thick eyebrows, bagay na bagay sa suot mo Kael. Pogi mo talaga.

------------------------------------------------------

Name: Kael Griffinscar ‹Lv. 58›

Gender: Male

Age: 18

Job: Beast Tamer

Race: Human

HP: 7980 / 7980

MP: 3475 / 3475

Affinities: [Shadow][Air][Fire]
-----------------------------------
Beast Partner/s:

Name: Maria ‹Lv. 70›
Gender: Female
Race: Cat
HP: 11426 / 11426
Title: Nine Tailed Guardian
Affinity: [Air]

Name: Scub ‹Lv. 75›
Gender: Male
Race: Dragon
HP: 12330 / 12330
Title: Devastating Flame
Affinity: [Fire]

------------------------------------------------------

Reincarnated as a Beast TamerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon