DAY 2 - THE MISSION

11 1 0
                                    

CJ

Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko nang magising ako dahil sa ingay na nanggagaling sa alarm clock ko. Inabot ko yon at saka pinatay. Tinignan ko ang oras, 6:03 palang naman kaya babalik muna ako sa pagtulog. Pero agad din akong napaupo nang maalala ang nangyari sakin kahapon.

Totoo kaya yon o isang panaginip lang?

Kung totoong nangyari yon, paano ako napunta sa kwarto ko? Saka nasaan na yung babaeng nagpupumilit na anghel siya? O baka naman dala lang yon ng imahinasyon ko? Epekto siguro to ng sobra kong panonood ng mga sci-film.

Pero kung panaginip lang yon, bakit ramdam ko yung sakit nang bugbugin ako nila Devlin? Saka bakit tandang-tanda ko ang nangyari sakin don?

Ginulo ko ang gulo ko ng buhok dahil sa pagkalito. Gusto kong malaman ang sagot sa tanong ko pero kanino ako magtatanong?

Nabaling ang tingin ko sa pintuan nang may kumatok doon.

“CJ, gumising ka na! May bisita ka sa baba!”

Bisita? Sino namang bibisita sakin nang ganito kaaga?

Binuksan ko na agad ang pintuan para malaman kung sino ang bisitang sinasabi ni mama. Halata naman kay mama ang gulat nang buksan ko ang pintuan. Siguro dahil hindi niya inaakalang gising na ako.

“Himala, gising ka na agad sa isang katok at tawag lang.”
“Kanina pa ko gising, ma. Nagising ako don sa alarm.”
“Ahh... buti naman nagising ka sa alarm na sinet ko kagabi. Bago kasi umalis kahapon yung kaibigan mong naghatid sayo dito sa bahay, sabi niya ipag-set kita ng alarm dahil may importante raw kayong pag-uusapan ngayong umaga.”

Napakunot ako ng noo dahil sa sinabi ni mama.

Naghatid sakin kagabi? Kaibigan? Ehh iisa lang naman ang kaibigan ko. Si Chetson lang naman.

Para makumpirma ko kung si Chetson ba talaga ang tinutukoy ni mama ay binanggit ko ang pangalan niya.

“Sige ma, pakisabi kay Chetson bababa na ako-“
“Nak, hindi si Chetson ang nag-iintay sayo sa baba. Babae yon.”
“Babae?”
“Oo. Napakagandang babae. Hanga nga kami sa kaniya ng papa mo dahil nakaya ka niyang akayin kagabi. Nakatulog ka raw habang nasa biyahe kayo at hindi ka raw niya magising kaya inakay ka niya hanggang dito sa bahay natin. Kahit na sinampal ka na ng ate mo, hindi pa rin nagmulat yang mata mo. Muntik ka na nga naming dalhin sa ospital pero pinaliwanag naman ni Gela na pagod ka lang kaya ang lalim ng tulog mo.”
“Gela? Sinong Gela?”
“Yung bagong kaibigan mong babae. Akala nga namin girlfriend mo yon pero mabilis na agad itinanggi yon ni Gela. Mukhang kailangan mo na talagang mag-ayos, nak, para hindi ka na tinatanggihan ng babae.”

Naningkit ang mata ko dahil sa pang-aasar sakin ni mama.

Tinapik niya ang balikat ko at mahinang natawa.

“Joke lang. Bumaba ka na at nakakahiya kay Gela. Kanina pa siya nag-iintay sayo sa ibaba.”
“Mhm. Sabihin mo na lang sa babaeng yon na mag-aayos lang ako.”
“Sige. Dalian mo lang ha. Huwag mong pag-intayin ng matagal ang bisita mo.”

Tumango na lang ako kay mama. Pinisil niya pa ang pisngi ko at ngumiti sakin bago umalis.

Sinara ko naman ang pintuan ko at tinanong ang sarili ko.

Edi totoo nga yung nangyari kahapon? Hindi siya panaginip? Saka Gela pala pangalan niya. Ang ikli naman.

Dinalian ko ang paliligo at pag-aayos para malaman ko kung yung babae nga sa rooftop ang tinutukoy ni mama. At kung siya nga yon, ano naman ang gusto niyang pag-usapan namin? Saka bakit sakin siya nagpakita?

My Fallen AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon