ASHLEY
I can't believe what I'm hearing right now!
"NO WAY!" sigaw ko sa kanila.
"Yes way! Ito ang makabubuti sa'yo Ashley!" Sigaw din ni Mommy, galit na talaga siya, sinisigaw niya lang ang pangalan ko pag galit na talaga siya.
"Look, I know it's so sudden but our decision is final! Lilipat ka sa university na 'yon, bukas na bukas din!" Sagot ni Mom. Nakatayo lamang si Dad sa gilid. Tss.
"But Mom-" angal ko.
"No buts Ashley, or gusto mong bumalik sa States at don tumira sa lolo't lola mo?" sabi niya habang nakataas ang isang kilay.
Ugh, arguing with my mom sucks 'cause we both got the same attitude. Tsaka ayoko don kina Lolo at Lola! Ugh hindi nila hinayaan ang mga gusto ko at mas bantay sarado ako doon!
"Argh! Fine!" sigaw ko sa kanila, makikita sa mukha nila ang saya. As if naman na gustong gusto ko kong mag aral sa bw-s-t na university na 'yon.
"And! Promise us na hindi ka na ulit mangbubully ng future classmates or schoolmates mo, understood?" Aangal na sana ako ng tumaas ulit ang kilay niya. Alam niyo na kung saan ako nagmana.
"Fine, I promise." Mahinahon kong saad, kinuha ko na ang mga gamit ko at lumabas. Pumunta agad ako sa lugar na alam kong na makakapag pakalma sa akin. Ang park malapit sa bahay namin.
Kumaripas ako ng takbo papuntang gate ng school, hinabol naman ako ng guard dahil class hours pa pero wala na akong pake. Tumakbo ako ng mas mabilis at pumunta sa lugar kung saan ko pinark ang kotse ko kanina.
Agad akong sumakay at umupo. Nang makita kong malapit na ako ay agad kong hininto ang sasakyan at lumabas na. Tumakbo ako ulit at sa wakas! Nakarating na ako sa destinasiyon na tinatahak ko mula kanina.
At dahil hinihingal na ako kakatakbo, naglakad na lang ako at bumili ng makakain.
Bigla kong naalala ang kaisa-isang lugar na lagi kong pinupuntahan noong bata pa ako. Dali dali akong pumunta doon habang kinakain ang binili ko.
Hmm, ang sarap naman nito.
__
Nandito na ako ngayon, nakatayo sa lugar kung saan pinaka komportable ako. Wala pa ding pinagbago, maganda, nakakarelax at komportable pa din. Napabuntong hininga ako.
Mukhang wala pa ding nakakaalam nang lugar na 'to, medyo madumi kasi tsaka walang bakas na may pumunta dito maliban sa akin. Pinagpagan ko muna at inalis ang mga dahon na nagkakalat bago ako dahan dahang umupo doon habang kumakain.
Bumabalik ang mga alaala ko noong bata pa ako, kasama ko yung matabang batang lalaking palagi kong kalaro sa park na 'to.
Naaalala ko na lang yung mga pinagsamahan namin dito mismo sa park na 'to. Naalala ko pa nga, sabi niya sakin, 'pag daw malungkot ako or may dinaramdam, pumunta daw ako sa secret place namin, dito... Dadaluhan niya daw ako at papatawanin hanggang sa sumakit yung tiyan ko.
Sa kasamaang palad, hindi ko na matandaan ang mukha niya parang blurred nalang pero naaalala ko pa din naman yung chubby niyang katawan, masyado pa kasi akong bata noon, tsaka pagkatapos nung nangyari sa'kin, bigla na lang siyang naglaho.
Malungkot na malungkot ako non, siya pa naman ang inaasahan kong magcocomfort sa'kin. Siya lang kasi yung tinuring kong kaibigan noon, kaso bigla nalang siyang naglaho na parang bula.
Hinanap din siya nina mom and dad pero wala talaga eh. Kumusta na kaya siya ngayon? May mga bago na ba siyang kaibigan? Naalala niya pa kaya ako?
Pumasok din sa isip ko yung sinabi nmn Mom and Dad kanina, Argh 'di ba nila alam na tinatanggalan nila ako ng kaligayahan? Yun na lang nga yung pinagkakaabalahan ko, kinuha pa nila.
Kaso wala na akong magagawa, ako kasi yung tipo na hindi binibreak yung promise, naranasan ko na kasing pinangakuan kaso di naman tinupad.
Alam na alam ko yung feeling kaya 'di ko gusto maranasan ng iba 'yon.
__
Hindi ko namalayan na gabi na pala, masyado yata akong okupado sa mga iniisip ko mula kanina. Dahan dahan akong tumayo sa kinauupuan ko tsaka pinagpag ang suot ko.
Sinigurado ko munang walang makakakita sa lugar na 'yon bago ako umalis.
Masyado kasing espesyal ang lugar na iyon para sa'kin. Hindi ko naman hahayaan na may pumuntang ibang tao sa espesyal na lugar namin ng childhood bestie ko.
Tumakbo ako papunta sa sasakyon ko tsaka pinaandar 'yon. Mukhang wala na nga akong magagawa pa.
__
Napagpasyahan kong huminto muna sa 7/11 na malapit lang sa may park na tinambayan ko mula kanina. Umuwi akong may ice cream na kinakain. Hmm, sarap.
Kahit yata ilang galon ng ice cream ang kakainin ko, hindi ako tumataba. Hindi naman ako masiyadong sexy, yung katawan ko ay katamataman lang. Pero importante ring magbawas ng timbang, baka magkasakit pa ako, edi di ko magawa yung mga gusto kong gawin, duh.
__
Pagkarating ko sa bahay, dahan dahan akong naglakad upang hindi ako makagawa ng ingay. Aakyat na sana ako sa may hagdanan nang may marinig akong nag-uusap. Parang sina Mom and Dad yon ah!
Hindi ko alam kung bakit dinala ako doon ng mga paa ko. Nagtago ako sa may pader habang pinapakinggan ang pinag uusapan nila.
"...Kailangan ba talaga 'yon, Yvonne? Hindi ba 'yon sobra sobra?" narinig ko ang boses ni Dad.
"Yes, Arbie. Kailangan 'yon. Alam ko na mahirap 'to sa kaniya, mahirap din 'to sa atin! Ngunit wala na akong magagawa pa. Naayos ko na ang mga papers niya para lumipat sa school na 'yon. At tsaka hindi ko na matiis ang ugali niya simula noong nangyari iyon. Hahayaan mo nalang ba na ganiyan ang ugali habang buhay? Hindi sa lahat nang oras ay nandito tayo para linisin ang mga kalat niya-" Ani ni Mom.
Hindi ko na pinatapos ang sinabi ni Mom. Agad akong tumakbo papuntang room ko tsaka 'yon sinarado nang malakas.Bakit ba mahilig nilang e-mention yung nangyari? Tsaka as if na naman na magbabago ako dahil lang lumipat ako ng paaralan. Duh.
Matapos kong ayusin. ang sarili ko, agad akong sumampa sa higaan ko.
Naramdaman ko nalang na bumibigat na ang mga talukap ng aking mga mata. Unti unti akong pumikit at hinayaan ang kadiliman na lamunin ako.
__
Napamulagmat ako dahil sa pagtunog ng aking alarm clock. Kinuha ko ito tsaka inihagis sa pader. Tss, ang ingay.
Napagtanto kong ngayon na pala ako lilipat sa university na sinasabi nina Mom. Agad nilang naayos ang mga papers na kinakailangan kapag lumilipat, napailing nalang ako.
Umupo muna ako sa may higaan nang may mapansin ako, isang pares ng uniforms. Sa palagay ko, ito yung uniform ng university na tinutukoy nina Mom. Agad kong naalala na may pasok pa pala ako, dali dali akong tumungo sa banyo.
Nagbabad muna ako sa bathtub. Napagisip isip kong okay rin pala lumipat. Walang taong nakakakilala sa akin, wala akong magiging kaibigan at walang masisirang tiwala.
Napabuntong-hininga nalang ako. Mukhang wala na akong magagawa pa.
vote|comment|follow
THANK YOU SO MUCH!!
A/N: Sorry late update, babawi ako next time. Lablots<3
YOU ARE READING
Tree Of Lights
Teen Fiction"You! All of you! You all are the same! You'll just gonna use me just like them! And after niyo makuha yung gusto niyo, wala na, etsapwera na ulit ako!" Ashley's voice cracked while grinning crazily at them. "No! Wake up, Ashley! We know that you kn...