ASHLEY
At dahil maaga pa naman, huminto muna ako sa isang store para bumili, wala kasi akong tiwala sa mga binebentang pagkain sa university na 'yon.
A few minutes later...
Kasalukuyan akong namimili ng pagkaing bibilhin nang may marinig akong may nagtatawanan sa may likuran ng store. Hindi ko alam kung bakit dinala ako ng mga paa ko doon.
Pagkasilip ko ay may nakita akong isang batang babae na binubully yata ng mga classmates niya. Sa tingin ko, ang mga edad nila ay nasa 10-11 years old.
Tumikhim ako nang malakas. Dahan dahan naman silang lumingon kung saan nanggaling ang tikhim.
Pinandilatan ko naman sila ng mata at tsaka tinaas ang kamay ko, para bang pinapaalis ko sila. Hindi sila nasindak kaya mas pinanlisikan ko pa sila at umaktong lalapit sa kanila.
Agad naman silang nagsitakbuhan maliban sa isang chubby na batang lalaki. Mukhang may sasabihin pa yata. Tss.
"Isusumbong kita sa mga Kuya ko! Ipapabububugbog kita sa kuya ko, malakas ang kuya ko!" sabi niya sakin habang dinuduro pa ako.
Wow ha, natakot ako, as in takot na takot ako. Tsaka pake ko naman sa kuya niya, eww.
Tinawanan ko siya ng sarkastiko tsaka inihakbang pa ng isang beses ang paa ko. Mas natakot siya dahil nanginginig na ang dalawa niyang matatambok na paa na kay sarap kagatin— erase, erase.
Halata naman na takot na takot na siya at kulang na lang ay maihi siya sa salawal niya ngunit hindi pa rin siya tumigil kaka dada.
"At ikaw!" tinuro niya naman yung cute na batang babae. "Babalikan kita Anggepanget!!" aniya bago sumama sa mga kaibigan niyang mga baboy din. Tss, porket ang laki ng katawan, nambubully na.
Hindi ko nga rin alam kung bakit ako nandito at pinagtanggol ang batang babae. Bumaling ako sa batang babae pero wala na siya sa likod ko, wait asan na siya?
Lumingon lingon ako at nakita ko yung bata, nagtatago sa isang tabi, natakot ata sa walang kwentang banta ng batang lalaki. Pinaypay ko siya para lumapit. Dahan dahan naman siyang pumunta sa akin.
"Bata, ano ang pangalan mo?" tanong ko.
"Angelica Shin po..." aniya.
"Angelica, hindi mo dapat sila hinahayaan na e-bully ka at sa susunod na e-bully ka nila, gantihan mo sila, yung sobra pa sa ginawa nila sayo. Naiintindihan mo ba?" sabi ko.
"P-pero sabi ni Ate, masama ang maghiganti. Sabi din niya na "Revenge is for the weak." aniya.
WHAT?!!
"No buts Angelica, tsaka sabihin mo sa napakabuti mong ate na revenge is not for the weak. Ipapatikim mo lang naman sa kanila kung gaano kasakit mabully. Let them taste their own medicine." saad ko.
"Sige mauna na'ko may klase pa ako, tandaan mo yung mga sinabi ko ha?" dagdag ko.
Hindi ko na siya hinintay na makasagot dahil dali dali akong pumunta sa sasakyan ko.
Tss, hindi tuloy ako nakabili ng nga pagkain ko.
__
Tahimik akong naglalakad nang may makabangga ako. Agad siyang napasigaw ng matinis tsaka ako tiningnan ng masama. Dukutin ko kaya mata neto?
"Hey! What have you done!! Asfjxsjsbz—"
Habang nagsasalita lang siya diyan ay sa hindi malamang rason ay bigla akong napatingin sa kaniyang I.D. Hmm, Ayumi Claire Schweetz? So that's her name? It's kinda familiar but whatever.
Hinead-to-toe ko lang siya tsaka dahan dahang nilagpasan.
"How dare you!!!! Pagbabayaran mo 'to, crazy b-tch!—"
Nang marinig ko ang sinabi niya ay agad nagpanting ang tenga ko. Automatic akong napatingin sa kaniya at hinawakan ang kwelyo ng damit niya.
"Don't you ever call me crazy again, Ms.Schweetz dahil sa susunod na sasabihin mo ulit ang salitang 'yan, pagsisisihan mong nabuhay ka pa." saad ko at nilagpasan siya, binunggo ko pa ang balikat niya.
Naririnig ko pa siyang sumisigaw ngunit ipinagsawalang bahala ko lang ito. Pinapahiya niya lang yung sarili niya sa kakasigaw niya. Medyo may hitsura pa naman siya, sayang tss.
Tch, what a waste of time. Kung hindi lang dahil kina Mom at sa threat niya, papatulan ko na sana yung babaitang yun. Napakasakit sa tenga yung boses niya, nakakarindi. At sa susunod na magkita kami, hindi ko na siya aatrasan pa.
__
Maghahapon na at tapos na ang klase, ngunit nandito pa rin ako, malalim ang iniisip habang nakatanaw sa mga estudyante na umuuwi ng may mga ngiti sa mukha. How I wish na maranasan ko ulit 'yan.
Napabuntong-hininga nalang ako tsaka dahan dahang umalis sa kinauupuan ko.
I guess okay na din ako dito sa school na 'to, and since hindi naman ako 'makakapaglaro', mas mabuting tumahimik nalang ako sa sulok. Kung hindi lang dahil sa mga threats ni mom, tss.
Hindi na man kasi ibig sabihin na kapag ganitong klaseng laro ang nilalaro ko ay makikipaghalubilo na ako at hahayaan ko ang sarili kong ma attach sa iba. Hindi ko hahayaan na masira ng iba ang pader na tinayo ko para ma-protektahan ang sarili ko.
__
Sa mga nakaraang araw na "pananahimik" ko ay mayroon akong nalaman at napansin.
Una ay may isang sikat na group dito mismo sa school na 'to. Sikat na sikat talaga sila dahil sa mga pinanggagawa nila tulad ng pagtulong sa kapwa, etc. etc. Sikat din sila dahil sa status nila dito pero hindi na ako nag abala na alamin pa kung ano ang mga 'yon.
Alam niyo, okay na sana eh kaso parang masyado silang mabait? Hindi naman sa concern ako or ano ha, ayoko lang talaga may isang tao or isang group man 'yan ang matulad sa'kin. Trust me, hindi mo talaga magugustuhan.
Pangalawa ay nakakatanggap ako ng mga weird at makahulugang tingin galing as mga schoolmates ko ngunit ipinagsiwalang bahala ko nalang ito.
Sanay na rin na man ako dahil palagi ko rin naman iyon natatanggap sa dati kong school. Marahil ay kilala nila ako o yung mga magulang ko.
Panghuli ay pinagdidiskitahan lang naman nila ako. And guess what! Ang nag iisang Ayumi Claire Schweetz (yung bumangga sa'kin noong first day of school) at ang mga alipores niya ang may lakas ng loob na bumangga sa'kin.
Kahapon lang ay binuhusan ba naman ako ng chocolate syrup sa uniform ko AT umarte siya na para bang siya pa
ang na-agrabyado.
Hindi ko alam kung matatawa o maiinis eh. Hindi niya nga alam ang BUONG pagkatao ko't kung maka asta siya ay parang siya ang reyna ng lahat.
__Hindi pa nag-iinit yung pwet ko sa upuan ko nang may mangyaring gulo sa labas ng classroom. Mukhang nandito na naman sila, ang group na sinasabi ko.
“Omg, nandito na sila!”
Ayan na naman sila, tss. Hindi ko alam kung ano ba ang nakita nilang espesyal sa kanila kaya ganun nalang sila maka react sa grupo na 'yon.
Titili sila, pag uusapan sila the WHOLE DAY! Yes! WHOLE DAY!! Hindi na sila nagsasawa? Urgh. At umaabot pa sila sa puntong sini-save nila ang mga pics nila sa kaniya-kaniyang cellphone.
Normally, I don't care about things like this but there is something that really captured my curiousity and interest.
vote|comment|follow
THANK YOU SO MUCH!!
YOU ARE READING
Tree Of Lights
Teen Fiction"You! All of you! You all are the same! You'll just gonna use me just like them! And after niyo makuha yung gusto niyo, wala na, etsapwera na ulit ako!" Ashley's voice cracked while grinning crazily at them. "No! Wake up, Ashley! We know that you kn...