Chapter 6

4 0 0
                                    


ASHLEY

Life is always full of surprises. You never know who or what you are going to meet that will change your life forever.

Ito na ba yon? Dito na ba ang umpisa ng pagbabago ng buhay ko? Bakit sila pa?

Ha! As if naman mababago nila ako. Kahit ano pang gawin o sabihin nila, I will never change myself for them. And if maisipan ko man na magbago, hinding-hindi sila ang magiging rason.

Change for yourself, not for others. Hindi naman sila ang makikinabang, kundi ikaw din naman.

Natuod ako ngayon sa kinatatayuan ko dahil sa mga nakita ko.

Ano pa nga ba ang ginagawa ko dito? Ba't nga ba ako sumunod sa mga sinabi sa speakers? I don't know. Kung alam ko na sana na ganito ang kakahinatnan ko ahy sana di nalang ako pumunta dito.

Guess what? Nandito lang naman ang mga 'idol wannabes'. Yes, yung group na 'yon.

I don't know kung ano ang name ng group nila or kung may name man, I don't care. Panigurado namang baduy 'yon.

At ano ba ang kailangan nila sa'kin? Iniiwasan ko na nga sila eh, para walang problema.

They're staring at me as if they're judging me. I didn't do anything! I swear! Gustuhin ko mang maging laruan sila, hindi ko na magagawa ang mga gusto ko dito.

Ayaw ko ring umuwi kina Lolo't Lola dahil napakahigpit nila. Alam na man nilang kahit anong higpit nila sa'kin ay makakawala't makakawala pa rin ako.

Speaking of that group, kahit saan ako lumingon, palaging sila ang topic ng mga estudyante dito.

Kaya nakakapagtaka kung bakit ako ang napag-tripan nila. Sa dinami-dami ng pagtri-tripan, ba't ako pa?

And of course may isa pang eepal. Nandito rin yung maarte. Si Ayumi Claire Schweetz, yung nakabangga ko nung isang araw. Ang ganda ng name ha, not bad.

Nakalukot ang malditang niyang mukha habang nakatingin din sa akin.

'God, nakakabakla naman ang mukhang 'yan."

Ay, ano ba 'tong iniisip ko! Pumunta ako dito para malaman kung bakit ako pinatawag, hindi para lumandi!

Tumingin ako sa harapan at dun ko nakita na nakalagay ang full name ko.

'OH MY FREAKING G! BA'T NAKALAGAY 'YAN DIYAN?! AT NAKA FULL NAME PA?!'

I really HATE my full name. Parang gusto kong sirain ang mga nakadikit at pagsasaksakin ang mga naglagay DIYAN!

Nagmadali akong pumunta sa mga tao doom at nagtanong.

"Bakit nandiyan ang buong pangalan ko diyan? What's happening here?!"

"Kalma lang po, ma'am. Request po ito ni Mrs. Feliciano." Mrs. Feliciano?! Mom?! I knew it! This is the surprise she was talking about. URGH, DANG IT! SHE'S SO CRUEL!

"Sumusunod lang po kami sa mga utos niya." I can't really blame them. Kapag may gusto si Mom, matutupad talaga.

I heaved a sigh tsaka sinabing, "Ano bang nangyayari? Bakit kayo inutusan ni Mommy?"

Tumingin muna siya sa paligid at sinabing, "Nag-donate po kasi si ma'am dito sa school na 'to at pinangalan po sa inyo, ni-request pa niya na full name daw po ang ilagay diyan, kaya ayan po." Sabi niya tsaka tinuro ang mga nakadikit na letters.

"Na appreciate ko ang donation and all, pero hindi niyo namang kailangan na ipatawag pa ako dito." Kalmado kong saad. Himala pa nga na kalmado ako ngayon, bakit kaya?

Tree Of LightsWhere stories live. Discover now