Chapter 1

8 4 1
                                    

ASHLEY

Nagsasawa na ako. Pabalik balik na lang ako dito sa Dean's office. Hindi din nagsasawa si Dean na pangaralan ako, eh 'di ko naman yun susundin. Masisisi ko bang masarap silang paglaruan? Hahaha!

Simula kanina ay ang ginawa ko lang ay umirap kay dean o di kaya ngisihan ang naging biktima ko. Duwag na biktima. Tss. Magsusumbong na nga lang, sa Mama niya pa. Ew, Mama's boy.

Nang makalayo na ako doon ay pumunta ako sa pinakamalapit na cafeteria ng campus, nagugutom ako eh, ba't ba.

Habang naglalakad ako para mag order ay nagtitinginan at nagbubulungan nanaman sila. Nang padapuan ko naman sila ng tingin ay nagsibalikan sila sa kanilang mga ginagawa.

Weak Hahaha!

Umorder ako ng fried chicken tsaka orange juice, hindi kasi ako nakapag breakfast. Nagmamadali si Manong driver namin eh. Kala mo siya yung boss, putolan ko siya ng paa eh.

Eh ano naman kung late ako? May magagawa ba sila? Wala naman diba?

Pagkatapos kong umorder ay umupo ako. Agad namang nag sipag alisan ang mga student na malapit sa kinauupuan ko. Natatakot ata sa'kin Hahaha! Sige lang!

As usual, ako lang mag isa sa table, walang kasama. Okay lang, atleast walang gumugulo sa akin.

Frienships are fragile. Mabasag mo lang ang trust nila sayo, game over na. Speaking of trust, 'di ko na 'yon ibibigay sa iba. Sa'kin nalang 'yon, bahala sila sa buhay nila.

Habang kumakain at nag-iisip kung paano ko paglalaruan ang mga future dolls ko (yes, wala akong balak tumigil) ay may naramdaman akong kakaiba. Para bang may nakatingin na akin.

Luminga-linga ako sa paligid ko, hinahanap kung sino man ang nangahas na titigan ako ng matagal. Wala naman akong nakita, weird.

Isiniwalang bahala ko lang ito. Baka hate look or ano na naman 'yan. Sabagay, ganiyan naman palagi. Nasanay lang ako sa kanila. Tsaka wala akong kinakatakutan no, kasi 'di ako weak tulad nila.

I don't care if nobody likes me, I like my self. Wala akong pakialam kung ganiyan ang trato o tingin nila sa'kin, hindi ko naman obligasyon na mag explain o makipagusap man lang sa kanila.

Making my dolls cry or making them tremble with fear is soooo much fun. Pakiramdam ko ay satisfied na satisfied ako pag nalaman kong parang iiyak na sila.  Their faces are always priceless. Hahaha!

For them, school is a place where they laugh all day, forgeting all their home problems.

But for me? This school is MY playground. It is a place where I can play my human dolls and make them tremble with fear hanggang magsawa ako kakalaro.

__

Kinabukasan ay may nakita akong bagong salta, transferee ata. Nakaka agaw pansin siya dahil siya lang ang hindi nakauniform dito. Tsaka naka dress siya. Hmm, mukhang mayaman.

Nandon lang siya nakaupo sa may bench sa harap lang ng school. Nakatingin lang siya sa malayo at mukhang malalim ang iniisip.

Hmm, infairness, ang ganda niya. Simple lang pero mukhang elegante. Sa tingin ko, mukhang kaedad ko lang siya. Ba't kaya siya nag transfer sa letseng paaralan na'to?

Hmm, magiging isa ba 'to sa mga dolls ko or nah? I mean, look at her. She's pretty. But I can make her the prettiest. Hehe~

Pupuslit na lang ako siguro sa Dean's office at maghahalungkat don tungkol sa kaniya. Titingnan ko kung pwede ba siyang maging doll ko.

__

K I N A B U K A S A N

Alam ko na ang resulta. Pumuslit ako kagabi dun sa office at ito ang mga nalaman ko.

Tree Of LightsWhere stories live. Discover now