2 - Name

41 9 42
                                    

Chapter 2 - Name

Zennie


Pagkatapos ng breaktime namin, agad akong umalis at dumaretso sa room namin. Hindi parin maiiwasan ang mga bulungan at mga tingin ng mga ka-schoolmate ko sa 'kin habang naglalakad ako. Hindi ko rin naman pinapansin. Minsan maganda ang sinasabi, minsan hindi. Nagkibit-balikat nalang ako at binalewala 'yon.


Hindi rin nagtagal ay nakapasok na ako at dumating na rin ang teacher namin. Napabuntong hininga nalang ako dahil na bo-bored ako sa subject. Hindi naman ako tamad mag-aral pero na bo-bored lang talaga ako, dahil napag-aralan ko na ang mga tinuturo nila. Kung tutuusin ay pwede na akong mag take ng test pang-college. Pero hindi ko ginawa. Trip ko lang na ganito, baka kapag naging trip kong mag-college baka makatulong sa 'kin, why not? Edi gagawin ko.


Niligpit ko na ang gamit ko, dahil uwian na namin. Bigla kong naalala yung message na natanggap ko kanina. Kanino kaya galing 'yon? May pa my love-my love pang nalalaman. Psh! Corny. I sighed and started to walk. Ano na kayang ganap do'n sa office ni lolo? Bahala na nga, ang mahalaga nakatakas!


"Hoy babae ka!" Rinig kong sigaw ng pamilyar na boses. Psh! Anong sinisigaw-sigaw no'n? Kairita ah!


Lumingon ako dito at napataas ang kilay ko nung ma-realize na ako pala ang pakay nya. Dare-daretso lang syang lumalakad papalapit sa akin habang nausok na ang tenga nya at namumula sa galit. Napairap nalang ako.


"Oh?" Walang buhay kong saad.


"Ikaw diba yung nagdikit ng mga bubblegum sa upuan ko?!" Ang sarap lagyan ng malaking tsek ang noo nya. Ang galing nya naman at nalaman nya na ako 'yon. Pero syempre 'di ko aaminin.


"Ang lakas mo namang mag-akusa, Irene. At 'wag ka ngang sumigaw! Para namang nasa kabilang bundok ang kausap mo" singhal ko.


"Talagang magma-maangan ka pa! Eh, ikaw lang naman ang alam kong may galit sa akin para gawin 'yon!"


"Uh-oh. Diyan ka nagkakamali. Marami kayang galit sayo. Para ka daw kasing tanga" napahagikgik ako sa huli kong sinabi. Mukha naman talaga syang tanga. Itsura nya palang habang sumusugod sa akin, eh. Haggard na haggard.


"Napaka-yabang mo! Kahit naman anong sabihin mo, hindi pa rin naman nagkagusto sayo si Marcus." Nakangisi nyang saad at tila ipanagmamalaki nya pa ito. Napatahimik ako saglit. "Oh ano..akala mo maganda ka? Ni hindi ka nga nya nagustuhan--and take note boyfriend ko na sya" diniinan nya pa ang salitang boyfriend upang ipagyabang.


Inirapan ko sya. Syempre 'di ako papatalo. "Ows. Hindi tinatanong sis!" Kinuha ko ang wallet ko sa bag at kumuha ng isang libo at inabot sa kanya. "Oh pera, bili ka ng kausap mo. Tangina neto, yabang akala mo naman may pake ako kay Marcus. Saksak mo sya sa baga mo. Hmp!" Ibinato ko ang pera sa kanya at tumalikod na.


Napapadyak sya sa inis at sumigaw-sigaw pa. Napangisi ako sa satisfaction na nakuha ko. Atleast nainis sya. Bumuntong hininga ako at naalala ang sinabi nya kanina. I smiled bitterly. So sila na nga? Psh! Bwisit 'yang Marcus na 'yan. Gwapo nga manloloko naman. Pafall! Pakyu sya sagad--with respect. Syempre dapat hindi ako mastress sa kanila. 'Di sya malaking kawalan. Umismid nalang ako.


Natanaw ko na ang driver ko sa 'di kalayuan. But something is strange. I felt someone is staring at me. I look around but i saw people doing their normal things. I shrugged my shoulder and continue walking. Maybe, i am just being paranoid. Lumapit na rin ang driver ko at pinagbuksan ako ng pinto.


--


"Manang.." tawag ko sa isa naming kasambahay. May katandaan na ito, at matagal na syang naninilbihan sa mansyon namin. Hindi palang ata ako pinapanganak ay nagta-trabaho na sya dito.


His Long Lost QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon