Chapter 4: Weird
Zennie
Huminto kami sa isang mamahaling restaurant. Nakakahiya dahil naka uniform pa ako. Mukha tuloy, daddy ko sya.
"Table for how many, sir?" Magalang na tanong ng trabahador dito sa restaurant.
"Just for us" sagot ni Mr. S
Iginaya nya kami sa aming uupuan namin. Uupo na sana ako pero ipinaghila nya ako ng upuan. Gentlemen. Inayos ko ang palda ko bago umupo. Buti naman at makakain na ako.
Nairita ako bigla ng maalalang hindi ako makakaligtas nito kay lolo, paniguradong malalaman rin 'to nina daddy. I let a heavy sigh. Alam kong may mali rin ako..
Pinagmamasdan ko lang si Mr. Blue eyes habang pumipili ng order sa menu. Bahagyang nakakunot ang kanyang mga kilay habang inililipat ang mga pahina para makahanap pa ng iba. Halos mapatalon ako sa kinauupuan nang tinignan nya ako sa mata. Iniwas ko ang mata ko, kunwari pinagmamasdan ko ang paligid.
This place is really beautiful. Kulay dilaw ang paligid dahil sa ilaw na nanggagaling sa chandelier. Medyo kaunti rin ang tao dito. Halos limang lamesa lang ang nagamit. Mahahalata mo ring mayayaman ang mga kumakain dito dahil sa kanilang mga kasuotan at uri ng kilos.
Nakakain rin naman ako dito lalo na kapag kasama sila mommy. Ayoko namang kumain ng mag-isa sa ganitong lugar. Mas gusto ko pang kumain sa mga fast food chains kung mag-isa lang ako o kaya magpapa-drive thru nalang ako.
He cleared his throat so i faced him. He always gave me a foreign feelings and i don't know why i feel like i know him.
"What do you want?" Itinuro nya yung isa pang menu na nakalapag sa mesa ko. Agad ko itong kinuha ko ito at nagtingin-tingin rin. Natakam ako sa cheesy pizza at sa seasoned chicken kaya ito ang sinabi ko sa waiter.
"Gusto ko rin pala ng donut..uhm gusto ko rin pala nung carbonara..lasagna, then yung drinks yung four season nalang--" nagulat ako ng magtama ulit ang paningin namin. He's staring me amusedly. I cleared my throat and avoid his gaze. Pagkatapos makuha nung waiter yung order namin, ay umalis na ito.
Tahimik lang kami habang hinihintay ang order namin. Hindi ako tumitingin sa kanya dahil nag-iiba ang nararamdaman ko. I can't stand the long silence so i cut it off.
"B-bakit pala tayo nandito. Diba pinapapapunta ako ni lolo sa office?"
"Aren't you hungry?" I was stunned for a moment. Yeah, he's right i'm hungry. I nodded. "Then we will eat first"
Nagkatinginan ulit kami kaya bumilis ang tibok ng puso ko. Tahimik na naman kami, hindi ko maiwasang tumingin sa kanya pero sa tuwing titingin ako, nahuhuli ko syang nakatingin rin sa 'kin. Bakit nya kaya ako tinitignan palagi? Nung unang pagkikita rin namin ay nakatingin lang sya sa akin.
"How are you?" Muntik na akong mapatalon sa kinauupuan ko ng magsalita sya. Napamura ako sa isip ng may kilig akong naramdaman sa tanong nya.
"H-huh? Ano..maayos naman. I-ikaw?" Psh. Kinakabahan pa nga..
"That's good.." he uttered. "I don't know if I'm okay. But now i can say yes, since I am with you."
Napanganga ako sa sinasabi nya. Kumurap ako ng dalawang beses at ipinagdikit ang labi ko. Shit naman! Bakit naman sya ganyan. Pa fall. Baka naman feelingera lang ako? Iba kasi yung ibig sabihin sa 'kin.
I laughed softly. "A-ahh.."
"What happened earlier? Why did you fight? May nagawa ka ba o..sya ang may mali?" Marahan nyang tanong.
BINABASA MO ANG
His Long Lost Queen
RomanceZennie Marquez is an ordinary student but is envied by everyone and also feared. She didn't know she was the one a vampire had long been looking for. How will she act on the revelations that will take place in his life? "His long lost queen" Date st...