1 - Unknown Number

58 10 34
                                    

Chapter 1: Unknown Number

Zennie

"Sorry Miss Marquez, kahit apo kita hindi kita kukunsintihing gumawang ng mga bagay na hindi tama."

Seryosong saad ni Lolo or should i say our principal, Mr. Del Mundo the Principal of the High Bhumpir University.

Napabuga ako ng hangin. Sinabi ng hindi nga ako ang gumawa no'n! Talaga pinapaniwalaan nya pa yung bruhildang sinungaling na 'yon. Psh.

"Lolo naman...hindi ko ginawa 'yon at kahit naiinis na ako sa gagang 'yon--"

"Ms. Marquez, watch your mouth" aniya.

"Kahit na naiinis na ako do'n hindi ko magagawa sa kanya yon--promise cross my heart hope she die--"

Tumingin sa akin ng masama si lolo kaya nag peace sign ako at marahas na napabugtong hininga.

"Dahil sa ginawa mo makakatanggap ka ng punishment" mahinahong saad ni lolo.

Psh! Sinabi na ngang hindi, eh.

"Lolo naman! Hindi ko nga sabi ginawa yon!" Marahas akong napakamot sa ulo.

"Kung gagawin ko man 'yon, sa walang makakakita. Bakit naman ako magpa--" natigil ako sa pagsasalita ng biglang tumayo si Lolo at biglang ngumiti.

"Mr. S! The true owner of the High Bhumpir University." Saad nya habang may malaking ngiti.

"Napadaan kayo, upo kayo.." pinandilatan ako ng mata ni lolo kaya napataas ang kilay ko.

Ano namang pake ko sa Mr. S nya?

Psh! Ano pang magagawa ko, true owner pala 'to kaya kailangang gumalang. I almost rolled my eyes about it. Lumingon ako sa Mr. S na sinasabi nya at tumayo ng tuwid.

Pansin ko kaagad ang kanyang asul na mata. Kasing kulay ng tubig sa karagatan at kasing lalim nito kung tumitig.

Napakaganda nito, hindi ko alam pero ayaw umalis ng tingin ko sa mata nya. Para ako nahi-hipnotismo, at kung tumitig sya ay parang kita nya ang loob at kaluluwa mo.

Pansin ko rin ang ganda ng katawan nya. Hapit sa kanya ang kanyang polo kaya naman pansin ko ang kanyang mga muscles. Ang hot nya do'n. No! No no no. Ano bang iniisip mo ha?!

"Ano ang maipag-lilingkod ko sayo, Mr. S?"

Malaki parin ang ngiti sa labi ni lolo. Ang saya saya nya naman, samantalang kanina parang puputok na yung ugat nya sakin. Napanguso ako sa naisip ko.

Ang unfair, porket owner lang sya. Grabe maka lang ah.

Tumingin ulit ako kay Mr. S, ngunit nakatingin pa rin sya sa akin. Kaya tumaas ang kilay ko. 'Wag nyang sabihing naagaw ng atensyon nya ang kagandahan ko? Well, ano pa nga ba. Halos lahat naman ata ng lalaki gusto ako. 'Di naman sa pagiging assumera pero ganon talaga 'yon.

"Ah..Mr. S, this is my grand daughter, Laura. Apo, please introduce yourself." Mahinahong saad ni lolo.

Parang first day of class lang? Hmm. Napangisi ako sa naisip ko.

"Hi, I'm Zennie Laura Marquez. I can dance, sing, cook, clean, or..i can also be your wife. Charing lang! HAHAHAHA"

Napatahimik ako nang hindi sila tumawa. Ako lang yung tumatawa habang sila ay seryosong nakatingin sa akin. Mr. S looked at me with an amusement.

I flipped my hair and bowed. Si lolo naman ay namumula na ata sa galit sa akin. Natawa ako ng mahina. Kailangan ko ng umalis dahil baka magalit na ng tuluyan si lolo.

His Long Lost QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon