3 - Fight

32 9 43
                                    

Chapter 3: Fight

Zennie


"Oh my goshhh!" Rinig kong impit na sigaw ni Jorvie.


Nakalabas na sila Lolo kaya naman nagtitipon yung mga kaklase ko para magchikahan tungkol sa owner.


"Grabe teh! Ang gwapo nya!"


"Hoy! Akin na 'yon, kaya 'wag kang malandi diyan!" Rinig kong bulungan nung mga kaklase kong babae.


Sila Hannah naman ay lumapit sa akin. "Grabe! Totoong gwapo nga!" Sabi ni Hannah pagkalapit sa akin.


"Ang hot nya pa. Tapos yung eyes nya! My gosh" Jorvie uttered.


"Oo nga! Yung mga mata nya kulay blue. Parang may lahi" saad naman ni Laurees.


Lumapit na rin si Kiko. Pinalibutan nila akong tatlo. Humalumbaba nalang ako at nakinig sa kanila. Hindi na ata magtuturo yung teacher namin.


"Sa tingin nyo, anong lahi nya?" Curious na tanong ni Hannah.


"Baka American" Kiko uttered.


"Pwede ring German?" Jorvie uttered.


"O, baka Koreanese!" Masiglang saad ni Laurees. Binatukan sya ni Jorvie.


"Gaga! Sure ka? Blue eyes sa Asian? Tsaka, anong Koreanese ka diyan?!"


"Baka half half sya" nakangusong saad ni Laurees. Tumawa naman ng mahina si Kiko.


"Anong half half?! Ang shunga mo girl" sabi ni Hannah.


"Baka half Korean, half Japanese?" Sabi ni Kiko.


"Oo, baka dalawa lahi niya" tumango si Laurees.


"Tumigil ka nga diyan sa half half na 'yan. Wala namang blue eyes kapag Asian ka!" Sabi ni Jorvie.


"Oh, ikaw teh? Ba't ang tahimik mo?" tanong ni Hannah.


"Sus! Baka pinag-papantasyahan mo si Mr. Blue eyes ng palihim. Share mo naman yung iniisip mo" Jorvie uttered. I just rolled my eyes at them.


"Bahala ka nga diyan! Basta ang pogi nya talaga!" Laurees said.


"Tse! Ewan ko sayo, Koreanese ka!" Singhal ni Jorvie saka tumayo. "Gora na! Wala naman na tayong gagawin."


"Huh? Sa'n tayo pupunta?" Tanong ni Laurees.


Inaayos ko na ang mga gamit ko dahil tama sya. Wala na kaming gagawin nyan. Nandito yung owner at paniguradong busy yung mga teacher niyan.


"Sa sementeryo" sagot ni Jorvie.


"Lah? Ikaw nalang. Nakakatakot do'n" inirapan nalang sya ni Jorvie at isinukbit yung bag nya. "Teka! 'Wag mo kong iwan!" Hinabol nya si Jorvie sa labas.


Napailing nalang si Hannah at sinabayan ako. Nasa labas na rin si Kiko at hinihintay kami.


"Nag-solo na yung dalawa" Patungkol ni Kiko kela Jorvie at Laurees.


"Kung hindi lang bakla si Jorvie, bagay sila." Humagikgik si Hannah.


Nasa gitna nila ako habang naglalakad. Napatigil kami ng may humarang sa dinadaanan namin. Piste!


"Zennie.." nakangisi nyang saad.


"Dragon.." walang buhay kong saad. Ano na namang bang gagawin nya? Napaka corny nya sa totoo lang. Umirap ako ng palihim.


His Long Lost QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon