CHAPTER XVI: THE PLAN

15 2 0
                                    

BLISS' POV:

Nakaupo na ako sa Starbucks, drinking my Frappe.

Dumating na sila Aya kasama si Jerome. Si Chloe Mei na mukhang aburido, teka- may nakabuntot sa kanya? Alam kaya niya? Si Anna Julianne nakangiti at takaw atensyon ang aura. Si Chastity pinakahuling dumating.

Focus Bliss.

Umupo na sila at nagkamustahan muna.

Late na dumating si Chastity kasama si James.

At nag-order na sila.

Habang umiinom ng coffee and eating cake.

Uumpisahan ko na sabihin ang plano ko.

"Brad, hindi ba mahihirapan sa prosesong iyan si Ianne?" Saad ni James. Oo close kami ni James, kalaro ko sa Dota.

"Oo nga baka lalong mahirapan si Ianne namin, baka mabigla kasi siya, baka hindi pa siya handa." Saad ni Chloe Mei na pinapalo yung kamay nung lalaking hindi ko naman kilala.

"Chloe, sa tingin mo kaya ni Ianne mag-move on kakatago at kakakiyak lang? Yung laging inaalala yung pangloloko sa kanya ni Joseph ba yun?"

"Yun nga eh. Pero sa proseso baka lalong hindi makayanan ni Ianne mag-adjust. Remember depressed siya. Dapat iiwas natin siya sa stress. Pero sa plano mo baka lalong mabaliw si Ianne mukhang ayoko munang sumang-ayon sayo, alam naman natin ang lagay nilang dalawa." Si Anna naman.

"Oo alam kong halos mag tatatlong buwan pa lang halos simula ng ma-ospital siya, pero naisip niyo bang baka dahil sa plano doon magsimula, kahit paano may progress may movement ang buhay niya?" Saad ko naman.

"Ganito na lang guys. Within the University pa din. Hindi kakayanin ni Ianne ang malayo sa atin especially kay Bliss. Sa atin nakakapit si Ianne. Kaya huwag nating iparamdam na we are pushing her away or pushing her to something that she's not ready to do, we need to finesse the plan into her own perspective at pag feeling natin kahit paano she can handle these thing then we will proceed and implement it." Saad naman ni Chastity.

"Tamaaa!" Sabay sabay ang mga babae.


FAST FORWARD:

"WHAAAAAAAAAAT???" Sigaw ni Ianne habang dinalaw ng barkada siya sa bahay nila.

"Lagi ka na lang nakasalampak sa kwarto mo. Hindi ka naman natutulog! Hindi ka kumakain on time? 3 beses ka ng hinahimatay within this month! Naospital ka na twice! At ano tong nalalaman namin?Umiinom ka na palagi at naninigarilyo ka na??." Si Anna.

"........"

"Ianne, this is somehow good for you." Si Bliss.

"WTF. Bakit??! You are sending me away!" Si Ianne her eyes are glistening.

"Ianne. Sasamahan kita." Si Bliss.

"Pe-r-o-ooo.." She was hesitating gravely.

"Believe us momi. It's for your own good." Si Aya.

Tapos nagyakpan ang buong barkada.

Then we heard her take a deep long breath.

"Sige. If this is the case."

Then for the first time. After 4 forsaken months she SMILED genuinely.

Si Ianne na todo inom gabi gabi! Si Ianne na nag-yoyosi? Si Ianne na wala sa sarili. Si Ianne na nakalimutan ng ngumiti. Si Ianne na NALILIGAW.

A smile. 

Thank You God. :)

HINDING HINDI KO SUSUKUAN ANG BABAENG ITO.

Saad ng utak ko.


TIME CHECK: 6:00 PM.

"Momi, ready ka na ba?" Si Aya kung makasigaw akala mo ang layo namin e.

"O-oo." Nanginginig si Ianne.

"Kaya mo yan Ianne." Si Anna nakangiti.

"Oo, look oh! You're Gorgeous!" Si Chastity.

"Goodluck Bessy! :)" Si Chloe.

"Are you ready?" Nakangiti ako. Ang saya ko, pumayag ba naman si Ianne na ako ang sumama sakanya?

"Taa-ara?" Ninenerbiyos siya.

----------

AT THE RESTAURANT

Nakita na namin ang lalaki nakaupo. Kaso nakatalikod ito. Huminga ng malalim si Ianne.

"Aa-yyoko-o na. Uwi na tayoo--" Nauutal siya sa nerbiyos.

"Ianne you need to do this. Solve the problems para gumaan na yan." Ako. Tatalikod na sana ako ng hinawakan niya ang kaliwang kamay ko. Bigla akong nakaramdam ng kuryente. Nakaka-ewan naman Ianne!

Pinilit kong magmukhang natural.

"Promise me...You will never leave me?" Her eyes are becoming teary-eyed.

And there is only one one word I can find to say.

"Definitely." I said wholeheartedly.

Then she took her last deep breath in front of me and walked towards the man.

Ianne be brave.

Ianne be happy.

Let go of the pride, the hurt and the pain.

Because in your happiness I found mine.

I walked towards the exit door.

Naglakad na ako sa parking ng biglang may tumawag sa pangalan ko.


"Bliss!"

Boses ng taong hinding hindi ko makakalimutan.

Boses na nagbigay sa akin ng saya at lungkot.

Boses na nahanap ko sa katauhan ni Ianne.

"Arianne?"

Boses ng babaeng minahal ko dati.

At.

HINDI KO TIYAK KUNG MAHAL KO PA BA.

----------

A/N:

Antabayanan ang twist kay Bliss at Ianne at ang role na gagampanan ni Arianne. Ang pangatlong kaganapan para kay Ianne.

Hintayin ang mga susunod na kabanata :)

Ang story na ito ay punong-puno ng mga twist kaya dear readers sana pagtiyagaan niyo ang mga boring parts. :)

Hoping that you will read, vote, comment and follow me. Thank you guys :)

Definition of ComplicationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon