Chapter Six - Si Xavier at Ang Henna Tattoo

949 43 27
                                    

"Mabuti na lang pala, tapos na 'yung kasal nung dumating 'yung bagyo," anang mommy niya mula sa kabilang linya ng telepono.

"Oo nga po, buti na lang talaga. Kasi kung hindi, naku, sira lahat ng plano nila Kev. Kawawa sila," sang-ayon ni Nissy habang naglalakad sa pasilyo ng resort, nakasunod sa bellboy na may dala ng bag niya.

"'Yun nga lang, you have to stay there until tomorrow," malungkot na dugtong ng ina.

"That is, kung wala nang bagyo bukas. Worse comes to worst, sa Tuesday na ako makakalipad pa-Manila. Pero okay lang din, My, okay ngang makapag-relax ako nang konti."

"Basta mag-ingat ka na lang diyan, ah. 'Wag ka nang maglibut-libot at baka maligaw ka lang."

"Asa! Mommy, bumabagyo, paano naman ako maglalamyerda dito?" tawa niya kahit sa likod ng isip ay pinaplano nga niyang maglakad-lakad sa beach.

"Ma'am, dito na po. Enjoy your stay," anang bellboy pagkabukas ng kuwarto niya.

"Thanks," aniya rito bago tumuon uli sa kausap sa telepono kahit habang iniikot ang tingin sa silid. Maganda iyon at malinis naman. Naulinigan niya ang boses ng tatay niya mula sa background. "Ano daw po sabi ni Daddy?"

"Tinatanong kung kasama mo ba si Christian."

Bigla siyang inatake ng kaba. Mula kahapon noong maghiwalay sila sa reception, hindi pa siya nagpakita rito. Matapos ang closing remarks ng bagong kasal, nagpaalam na siya kina Kev at maagang natulog. Papunta na sana siya sa airport kanina kaso nalaman niyang cancelled ang maraming flights dahil sa bagyo. Wish niya lang, sa ibang resort nagpa-book si Ichan at nang hindi sila magkita.

Hindi pa siya ready na makipag-usap dito. Hindi niya alam kung kailan siya magiging ready. Siguro kapag hindi na niya napapaginipan iyong halik na iyon. O kapag nalimutan na niya kung ano ang pakiramdam ng mga labi nito sa kanya, habang nakapaikot sa baywang niya ang isang braso nito at ang isang kamay ay nasa kanyang pisngi.

Ewan. Naiinis na nga rin siya sa sarili sa ka-OA-yan niya. Hello, para kiss lang naman 'yong nakuha ni Ichan! Hindi naman nakuha ang puri niya para mag-inarte siya, di ba?

Pero kasi nahihirapan siyang isipin na wala lang kay Ichan ang magical moment na iyon at babalik lang uli sila sa pagiging mag-BFF 5ever na parang walang nangyari. May nangyari at ayaw niyang lokohin ang sarili.

"Whatever, Nissy! Ikain mo na lang 'yan," asik niya.

Sumilip siya sa bintana at nang makitang patak-patak lang naman ang ulan, nagdesisyon siyang bumaba at sa ibang establishment maghanap ng kakainan.

****

Parang gusto ni Ichan na mapakanta sa tuwa nang matawanan ang babaeng halatang kunwaring confident lang na nakikipag-usap sa waitress ng isang Chinese resturant. Luminga-linga ito na parang naghahanap ng kakampi. Nang magtama ang mga mata nila, natigilan ito at medyo natulala—wish niya lang dahil sa kaguwapuhan niya, pero alam niyang hindi—dahil malamang nalilito lang ito kung hihingan ba siya ng tulong o hindi.

Pinadali niya na ang buhay ni Ising tutal loves naman niya ito. "Any problem?" untag niya pagkalapit sa mesa nito.

"I was trying to tell her that I didn't order for this. And that what I wanted was another meal. But she only speaks Chinese and Bisaya."

"Alin bang order mo?"

Binanggit nito ang isang dish na may gulay at chicken.

Bumaling siya sa waitress at kinausap ito sa Mandarin na mabuti na lang at na-gets nito. Kung hindi, sira ang pagpapa-impress niya. Tumango ang babae at iniwan na sila.

#ChanSing (Published By Bookware Pink&Purple)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon