CHAPTER I: THE OFFER OF A LIFETIME

3 1 0
                                    

"A house, a car, and a bank account will be provided for you and your family, you will also have a chance to finish studies like you always say. Just be my girlfriend. I mean it officially. I can flaunt you to the crowd and be proud that the rising hot sassy and future doctor/vlogger is mine." Sabi ni Lester.

"Binibili mo ba ako? This is just a one-time thing. Nothing more. I just need money that only you can provide. Please don't make this sound so desperate than already is." Sagot ni Lara.

"I don't want to sound arrogant offering you this. I don't know how to express your love language. All I can prove to you is I can provide for you and I can make you happy in bed. Hindi ako marunong manligaw. But I can show you how serious I am as long as you agree to it." Pagyayabang na sabi ng lalake

"Just please ipahatid mo na ako. My father is surely waiting for me. Anong oras na. I don't want being seen outside at ma issuehan dahil lumabas ako ng teritoryo mo." Tugon nito.

"Sorry." Inabutan ito ng lalaki ng isang card. "I made you an account you have the password there. Ikaw na lang ang mag withdraw. So that next time, you know where to withdraw." Sabi ni Lester.

"Salamat. But then again, ngayon lang ito. Wala nang kasunod pa." paglilinaw nito

"Sabi mo eh. But my offer still stand anytime. As long as I am willing to wait. Sige ka, Baka makahanap ako ng iba at pagsisihan mo ang opportunity na ito." Sagot ni Lester.

Habang dinadial ni Lara ang kaibigan na si Elisa para ayain nang umuwi.

"If you are trying to call your friend Tanya, lumabas sila kanina ni Harry, nagtext si Harry sa akin to let you know." Dagdag pa ng lalake.

"Talaga naman 'yung babae na iyon! Wala manlang sinabi." Inis na bulong nito sa sarili habang naglalakad papunta sa sasakyan. Hinatid padin siya ng lalake.

"You know where to call Lara, I mean it. I'm serious about you." Di na nito hinintay na sumagot pa ang babae at sinenyasan nito ang driver na umalis na.

"I will pull all the strings to make you mine, Lara." Sabi ng lalake sa sarili.

Iniluwa ng mataas na gate ang isang mazda na sakay si Lara.

"Matt, pakidaan ako sa ATM. Magwiwithdraw lang ako." Utos niya sa driver.

"Sige po Ma'am Lara." Sagot ng driver.

Maya maya ay tumigil na ang sasakyan at bumaba si Lara upang pumila sa ATM machine. Mayroong dalawang nauna sa pila kaya nag browse muna siya sa sa kanyang social media habang nagpapalipas ng oras. Nakita niya sa instagram ang kanyang kaibigan na si Tanya. Kakapost lang nito ng picture na nasa dalampasigan at may bonfire.

"Ang lokang to! Wala manlang pasabi na iiwan pala ako." Sabi sa sarili.

Natigil ang pagbbrowse nito sa kanyang cellphone nang may bumati sa kanya.

"Lara dela Rosa? Yung youtuber? Shit! Ang ganda mo sa personal!" pasigaw na sabi ng isang babaeng teenager.

Nagtinginan ang nakapila sa ATM. Di na nakasagot si Lara ng bigalang nagsalita ulit yung teenager.

"Ako pala si Rhea, subscriber mo kami ng kuya ko. Sa Katunayan, pinapagalitan ako ng kuya ko pag iniiskip ang videos mo kasi para daw kumita ka. Kumikita ka na ba? Pwede ba tayo mag selfie? Iinggitin ko lang kuya ko na nakaselfie kita. Gosh! Ang ganda ganda mo pala talaga sa personal."

Napatango na lang si Lara at ngumiti sang camera.

"Pwede din ba kitang picturan ng solo? Ibebenta ko sana sa kuya ko. Ha ha!" sabi ni Rhea

"Sige ba! Magkano komisyon ko diyan? Ha ha! Di joke lang." sabay pose sa camera na pa sweet ang ngiti.

Naputol lamang ang usapan nila ng teenager ng siya na ang magwiwithdraw sa ATM.

"O siya ate Lara, maiwan na po kita, baka kasi naaabala na kita. Bye po! Ingat." Sabi ni Rhea

"Sige Rhea, salamat din. Umuwi kana at anong oras na." Pag tingin nito sa relo ay alas kwatro ng madaling araw.

Nagtataka man kung ano ang ginagawa ng teenager ng ganong oras sa labas ay di na pinansin ni Lara at nagwithdraw na siya sa ATM.

Laking gulat nito ng makita ang laman ng card. Isaang daang libong piso.

Dahil sa ATM xa magwiwithdraw at dahil sa limit, twenty thousand pesos lamang ang nawithdraw nito. Bumalik sa sasakyan at inabutan si Matt ng isang libong piso.

"O eto sa'yo Matt, pambili mong almusal nyo at gamut ng nanay mo." Sabi ni Lara.

"Naku salamat po ma'am. Nag abala pa po kayo. Teka, pano nyo po nalaman?"tanong ng driver.

"Pinag uusapan ka naming ni Tanya kanina habang hinihintay naming sila Lester." Sagot ni Lara.

"Salamat po ulit." Namumulang sabi ni Matt sa pasahero nito.

Makalipas ang ilang minuto, ibinaba ng sasakyan si Lara sa isang 4 storey apartment building kung saan sila nakatira. Mag aalas singko nang umaga.

"Dito na lang ako Matt, salamat sa paghatid." Paalam ni Lara.

"Walang anuman po, ginagawa ko lang po trabaho ko." Sagot ng driver saka umalis.

+++++++

Kakatapos lamang mag ayos ng tinulugan si Edwin ng dumating ang anak. Nagmano ito sa kanya.

"Inumaga ka yata anak. Kamusta ang gig nyo sa Batangas?" tanong ng ama.

"Okay naman po papa. Madami po akong nakilalang mga vlogger na tulad ko din nag uumpisa pa lamang. Nakakainspire po ang stories ng mga successful vloggers." Pagsisinungaling nito sa ama.

"Talaga ba. Mabuti naman. Mukhang pagod ka na anak, pumasok kana sa kwarto at tabihan mo yung kapatid mo matulog." Utos ng ama.

"Sige po papa. Siya nga po pala, eto yung pera ten thousand pesos po yan. Pampacheck up nyo at maintenance, pati yung downpayment ni Angel sa school. Mag eexam na daw po sila eh." Sabay abot ng pera sa ama. "Pasok na po ako." Paalam nito.

"Salamat anak. Pagpasensyahan mo na at kailangan mong tumigil para sa atin. Hayaan mo anak, pag nakaluwag luwag si papa tutulungan ka niyang mag ipon para makapasok ka na sa kolehiyo." Dagdag nito.

"Naku wala po yun papa, para po sa atin tong ginagawa ko. At pag ako kumita na sa youtube titigil na kayo sa pagbebenta sa labas ng almusal at mga ulam. Dahil sunod kong pag iipunan yung pagdodoctor ko na po." Pangungumbinsi ni Lara sa ama.

Sabay pasok sa kwarto habang ang kanyang ama ay inumpisahan nang mag ihanda ang ibebenta nitong pang almusal at ulam.

Pagkapasok ni Lara sa kwarto ay maluha luha siyang nag iisip at nakokonsensya sa pagsisinungaling sa ama. At pangdidiri sa sarilin niyang nagawa niyang ibenta ang katawan para sa pera.

Andami niyang plano sa buhay, at napapagod na siyang maghanap ng paraan para makaipon ng pera. Hindi sapat yung pagbebenta niya online. Hindi din siya kumikita pa sa youtube. Malaking pera ang kakailanganin niya para sa pangarap niya.

Isang bagay ang nabuo sa isip niya...

Si Lester Avila. Ang lalakeng iyon ang makakatulong sa kanyang maabot ang pangarap nya. At para hindi masira ang reputasyon niya, kailangan niyang makaisip ng paraan para hindi siya magmukhang pera sa ibang tao at sa pamilya niya.

Sa dami ng iniisip ni Lara sa wakas ay nakatulog din siya.

THE SUGARBABY VLOGGERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon